"HI, JOOE," bati ni Hook sa babae nang pagbuksan niya ito ng pinto. Hindi siya nagiging indifferent sa kaibigan ng girlfriend niya. Pagod lang talaga siya at nananakit ang buong katawan dahil katatapos niya lang paligayahin ang sarili habang nag-sha-shower siya kanina. If he didn't do that after eating out Melo at the university earlier, he would have died for suffering from blue balls. "Come in."
"Thanks, Hook," sagot naman ni Jooe sa normal nitong malamig na boses, saka ito pumasok sa loob ng bahay niya. "Is Melo awake?"
"No, she's still sleeping in my room," sagot niya habang sinasara ang pinto. "Follow me..." Natigilan siya nang pagharap niya sa babae ay nauna na itong umakyat sa second floor ng bahay kung nasa'n ang kuwarto niya. Parang alam na alam ni Jooe kung saan ito pupunta kaya kumunot ang noo niya sa pagtataka. "How did she know where my room is?"
Hindi naman 'yon ang main concern niya kaya sinundan na lang niya ang babae.
Kanina, no'ng nasa university pa sila ni Melo, bigla itong nakatulog pagkatapos ng nangyari sa kanila. He had to clean her up and dressed her before she carried her out of the room. Buti na lang at walang nagtanong sa mga nakasalubong niya kaya nakarating siya sa parking lot ng walang problema. Ipinasok niya ang girlfriend niya sa Pajero niya at dadalhin na sana ito sa ospital pero nag-ingay ang phone ng girlfriend niya na nasa sling bag nito. Nang makita niyang si Jooe ang tumatawag, sinagot agad niya 'yon. Nakakapagtaka pero parang alam ng babae na may kakaibang nangyari kay Melo dahil tinanong agad nito kung nasa'n sila sa nag-aalalang boses. Pagkatapos, inutusan siya nitong iuwi lang sa bahay ang babae at 'wag dalhin sa ospital.
Nag-aalala siya kay Melo pero masyadong seryoso (at nakaka-intimidate) ang boses ni Jooe kaya sinunod na lang niya ito at inuwi sa bahay ang girlfriend niya.
That lady boss is really scary.
Anyway, nang ihiga niya si Melo sa kama at ma-realize niyang mahimbing pa rin ang tulog nito, nag-shower muna siya. After what happened between them in the storage room, he needed relief. Pagkatapos niyang maligo at magbihis, heto nga't dumating na si Jooe.
Alam niyang maraming kakaibang nangyari kay Melo kanina pero nang halikan siya nito kanina, nakalimutan niya ang lahat ng gusto niyang itanong dito.
"Jooe, anong gusto mong drinks..." Unti-unting natigilan si Hook nang pagpasok niya sa kuwarto niya ay naabutan niya si Jooe na hinuhubad ang shirt ni Melo! "Hey. What are you doing to my girlfriend?"
"Shut up, mortal," malamig na sabi ni Jooe, saka nito tuluyang hinubad ang shirt ni Melo kaya naiwang naka-bra na lang ang girlfriend niya.
Magrereklamo pa sana siya dahil kahit pa magkaibigan ang dalawa, mali pa rin na hubaran ni Jooe ang natutulog na si Melo lalo na't wala namang dahilan para gawin 'yon.
Well, 'yon ang akala niya.
Natigilan siya nang mayamaya lang, biglang may kung anong gintong liwanag na nagmula sa rib cage ni Melo. Nang titigan niya 'yong mabuti, saka niya lang napansin ang kakaibang marka ng pana at kakaibang mga letra sa balat nito.
"What is that?" nagtatakang tanong ni Hook. "That mark looks familiar..."
Nilingon siya ni Jooe at sa unang pagkakataon simula nang nakilala niya ito, ngayon lang siya may nakitang ibang emosyon mula rito– at 'yon ay curiosity. "So, you can now see the mark in Melo's body?"
Mark... that golden light... they were also the same as his.
"No, it can't be," hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili. "Melo has been shot by an Arrowblood, too?"
"Too? So you've also been shot by an Arrowblood, huh?" sita naman sa kanya ni Jooe habang tinatakpan nito ng comforter ang katawan ni Melo. Pagkatapos, kinuha nito ang remote control sa ibabaw ng night table para itodo ang lakas ng AC. "Melo is literally burning hot. Makakatulong sa pagbaba ng temperature niya ang ganito kalamig na kuwarto kaya pasensiya ka na kung nangialam na ko sa AC mo nang walang permission."
BINABASA MO ANG
#NSFW: He Can Tell
RomansaShe needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!