HINDI mapigilan ni Hook ang sarili na i-check out si Melo.
Kahit simpleng V-necked shirt, skinny jeans, at flat shoes lang ang suot ng, kitang-kita pa rin ang makurba nitong katawan. From her ample breasts, to her thin waist, to her curvy hips, and to her long and shapely legs– every part of her body was gorgeous.
And bloody hell, she's absolutely pretty.
Saka gustong-gusto niya na kahit nakalugay ang mahabang buhok ni Melo ay mukha pa rin itong fresh. In a tropical country like the Philippines, it was hard to stay and look fresh all the time. Pero ang babaeng ito, parang effortless sa pag-me-maintain ng glow nito.
Just look at how clear her skin is.
Nagtama ang tingin nila ni Melo dahil papunta ito sa mesa niya. Ang tinging ibinibigay ng babae sa kanya, halatang may pagnanasa pa rin. Ramdam niya 'yon.
Oh, boy. He was getting aroused. Until she rolled her eyes at him.
"Hi, North," nakangiting bati ni Melo sa pinsan niya na mabilis namang tumayo.
"Hello, Melo," bati ni North sa babae. "What brings you here? Except for the food, of course. Did Sori send you here?"
"Wow, may expectation talaga?" natatawang tanong ng babae, pero inangat naman nito ang hawak na tote bag. "Buti na lang, tama ka. Sobrang nagustuhan ni Sori 'yong niluto mong sinigang na baboy for her kaya heto, pinadala niya 'tong ginawa niyang coffee jelly. Favorite dessert mo raw 'to, eh. Ako na ang inutusan niyang magdala nito kasi hiniram ko 'yong car niya. At dahil wala siyang car mamaya, tinatanggap na raw niya ang offer mo na ihatid siya sa bahay. You can pick her up at her store later."
"Really?" halatang hindi makapaniwalang tanong ng pinsan niya habang kinukuha ang tote bag. "You're not messing with me, are you?"
"I'm not," natatawang tanggi naman ni Melo. Tinapik pa nga nito sa balikat si North. "Congrats, North. After half a year of offering Sori a ride home, she finally said yes. Nag-level up na kayo. From palitan ng food, hatid-sunduan naman ang drama niyo ngayon."
Halatang masaya si North kaya hindi na siya nagulat nang yakapin nito ang babae. "Thank you for borrowing Sori's car, Melo." Kumalas na ito sa pagkakayakap kay Melo pero hinawakan pa rin nito ang babae sa siko. "Sandali, Melo. Pakidalhan naman si Sori ng fries. Magagalit kasi 'yon kapag bumalik na naman ako sa store niya."
"Alright," natatawang sagot ng babae habang hinahayaan si North na hilahin ito papunta sa kusina ng Potato Upgrade.
Nag-excuse sa kanya si North at tiningnan lang siya ni Melo. Nang tumango lang siya sa dalawa, umalis na ang mga ito at dumeretso sa kusina.
Uminom si Hook ng iced tea habang pasimpleng sinusundan ng tingin si Melo. Damn, her confident walk and the sway of her hips were really sexy.
Just look at that tight bubble butt.
Thanks to her tight pants, her round bottoms were accentuated. He could still remember how soft each cheek felt in his hands. And now, he felt the urge to squeeze them again.
Goddammit.
"Hey, Hook."
Nalingunan ni Hook si Nelson na nakatingin sa kanya. "Yes?"
"Mind if we join you?"
"No," sagot naman niya dahil table for four naman ang occupied space niya. Curious kasi siya kung bakit gustong lumapit sa kanya ni Nelson eh kanina lang, muntik na silang magkapisikalan sa classroom. "Come here."
Lumipat sina Nelson at Anika sa mesa niya. Magkatabing umupo ang mga ito sa harapan niya. Pagbalik ni North mamaya, patatabihin na lang niya ito sa kanya kaya inusad niya ang mga pagkain nito sa tabi ng kanya.
"Excuse me for intruding but may I know your relation to the guy you were with earlier?" curious na tanong ni Nelson mayamaya. "'Yong kausap ni Melo kanina."
"He's my cousin," sagot naman niya. "Why did you ask?"
"We're just a bit concerned," katwiran naman ng lalaki, saka nito itinuro si Anika. "May naikuwento kasi sa'kin 'tong si Anika no'ng nakita niya sa classroom natin si Melo kanina."
Tiningnan niya si Anika. Isa ito sa iilang mga babae na nakakasundo ni Nelson sa klase kaya nga hindi na siya nagulat nang makita niyang magkasama ang dalawa. "So, I'm assuming that you know Melody Rose. Am I right?"
"Yes, I know her," pagkumpirma naman ni Anika. "She was involved with a business tycoon's son named Dante Storm who was known to be ruthless and abusive. In fact, that man has several scandals with different women from socialites to local actresses." Tumingin muna ito sa paligid at nang masiguro nitong walang nakikinig sa sinasabi nito, saka ito nagpatuloy sa mas mahinang boses. "A friend of mine told me that the most infamous scandal he had was with Melody Rose and that happened just more than a year ago. Apparently, it was a "dating violence." According to the rumors, Melo filed a case against Dante for physcial abuse."
Hook froze in his seat. Tama ba ang narinig niya? Ang maganda at matapang na Melody Rose na kilala niya, sinaktan at inabuso ng kung sinong gago?
"That happened during the time Melo was still a model but as expected of someone who came from a powerful family like Dante, there had been a media blockout," pagpapatuloy ni Anika. "Kaya walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kaso. Pero obviously, hindi nanalo si Melo kasi malaya pa rin si Dante Storm hanggang ngayon."
Nag-init ang mukha ni Hook pero sa pagkakataong 'yon, sigurado siyang dala iyon ng matinding galit. Hindi niya kilala ang Dante Storm na 'yon pero ngayon pa lang, gusto na niya itong sapakin para sa ginawa nitong pananakit kay Melo noon.
"If she had been together with a guy like Dante Storm, siguradong nalaspag na 'yong si Melody Rose," nakangising sabi ni Nelson. "So if I were you, wa-warning-an ko 'yong pinsan mo na layuan na lang si Melo. Marami pang ibang babae d'yan na mas girlfriend material. Hindi dapat pinapatulan 'yong mga babaeng gaya ni Melo na marami nang nakasamang lalaki at naghuhubad pa noon para sa mga magazine. Kung ako ang tatanungin, hindi dapat gini-girlfriend ang mga babaeng pang-good time lang."
"Bago mo itanong sa sarili mo kung papatol ka ba sa "gaya" ni Melo, itanong mo muna kung may tulad ni Melo na papatol sa'yo," kalmadong sabi ni Hook kahit gusto na niyang basagin ang mukha ni Nelson. Pero nagpigil siya dahil kabubukas lang ang fast food restaurant na 'yon kung saan co-owner ang pinsan niya. Saka naniniwala siyang dapat ay last resort ng mga tao ang violence sa mga gano'ng klase ng sitwasyon. "Because you know, strong and independent women like Melo have high standards."
Napasinghap si Anika hindi lang dahil sa mga sinabi niya.
Si Nelson kasi, bigla na lang dumukwang at hinablot siya sa kuwelyo. Halata sa mukha nito ang galit at pagkainsulto. "Are you fucking her, too, Hook Rushton? Kaya ba ganyan mo kung ipagtanggol si Melody Rose, ha? Kanina ka pa, eh."
Ngumisi siya para lalo itong asarin. "I don't need to sleep with a woman before I respect her, wanker. Wala ba sa human default setting mo ang pagrespeto sa ibang tao?" Marahas na inalis niya ang kamay nito sa kuwelyo niya. "Piss off, Nelson Fajardo."
Halatang ayaw magpatalo ng lalaki dahil akmang tatayo pa ito. Pero bigla rin itong napuwersang umupo nang may humawak ng mahigpit sa balikat nito.
"Violence is not allowed here, buddy," banta ni North kay Nelson sa magaang na boses. "May problema ba kayo ni Hook?"
Galit na tumingala si Nelson kay North pero nang makita nito kung ga'no kalaki ang bulto ng pinsan niya, parang bigla itong naging maamong tupa. The arsehole must have realized that his cousin was the type of guy who had no problem with throwing punches.
But that wasn't his main concern right now.
Lumagpas ang tingin ni Hook sa dalawang lalaki para tingnan ang babaeng matagal na niyang iniiwasan pero hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya.
It looks like Melody Rose is really going to be the death of me, huh?
BINABASA MO ANG
#NSFW: He Can Tell
RomanceShe needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!