16: Decisions

7.1K 210 29
                                    

HINDI i-de-deny ni Melo na nag-alala siya nang paglabas nila ni North ng kusina ay nakita nila si Hook na hablot-hablot na ni Nelson sa kuwelyo. Nawala agad si North sa tabi niya para lapitan ang pinsan nito at alamin siguro kung ano ang problema.

Habang papalapit siya sa mesa, napansin niyang nagbubulungan at nag-aalala na ang ibang mga customer. Halata naman kasing nagkakainitan sina Nelson at Hook. Dumagdag pa si North na malaking lalaki at nakaka-intimidate talagang tingnan.

"Violence is not allowed here, buddy," narinig niyang sabi ni North nang makarating na siya sa mesa ng mga ito. "May problema ba kayo ni Hook?"

Huminto siya sa likuran ni North, saka niya sinilip si Hook.

Ah, he's looking at me, too.

Kung normal na pagkakataon lang 'yon, baka nag-iwas siya ng tingin. Pero dahil nag-aalala siya sa lalaki, nakipagtitigan siya rito. At nang na-realize niyang wala namang masamang nangyari rito, hindi na niya napigilang i-check out uli ito.

Wow lang kasi mas lalo yata itong naging guwapo at hot sa dumaang six months na hindi sila nagkita dahil sa pag-iiwasan nila.

At ang fresh pa rin niyang tingnan kahit nakasuot siya ng polo ng tanghaling tapat.

November na at kahit mas malamig ng kaunti ang panahon kesa sa normal, mainit pa rin kapag umaga at tanghali. Kaya ang sarap tingnan ng mga gaya ni Hook na parang effortless ang pagiging fresh at neat-looking. Amoy-fresh din ito dahil naaamoy niya ang masculine scent nito kahit pa ilang hakbang din ang layo niya mula sa lalaki.

Masarap talaga siya.

"Let's go, Anika," galit na pag-aaya ni Nelson sa katabi nitong babae, saka nito marahas na inalis ang kamay ni North sa balikat nito. Pagkatapos, tumayo na ito. Nang makita siya ng lalaki, ngumisi ito at halatang babastusin na naman siya. "Oh, Melo–"

"Kapag binastos mo uli si Melo, papatulan na kita, Nelson," banta ni Hook dito sa kalmadong boses. Pagkatapos, nilingon nito ang babaeng kaharap habang sinesenyas ang pinto. "Anika, please."

Tumango naman 'yong Anika, saka tumayo at hinawakan si Nelson sa braso. "Let's go, Nelson. Hindi worth it pag-awayan si Melody Rose."

Tumaas ang kilay ni Melo sa narinig pero hindi na siya sumagot dahil ayaw niyang magkainitan na naman uli ang mga lalaki. Baka magkaro'n pa ng bad review ang Potato Upgrade. Ayaw niyang mangyari 'yon sa business na co-owned ng kaibigan niyang si North.

Halatang napilitan lang si Nelson na magpaakay kay Anika paalis ng store.

Pagkatapos umalis ng dalawa, nawala na rin sa grupo nila ang atensiyon ng ibang mga customer at bumalik na sa kanya-kanyang kausap o pinagkakabalahan.

"You okay, cousin?" tanong ni North dito. "Who was that guy?"

"Just a classmate," simpleng sagot ni Hook, saka ito tumayo habang nakatingin sa kanya.

"You don't have to leave, Hook Rushton," pigil ni Melo sa lalaki dahil alam naman niyang tatakbuhan lang siya nito. "Paalis na rin naman ako." Bago pa makasagot ang lalaki, hinarap niya ang pinsan nito at inangat ang hawak niyang malaking paperbag na may tatak ng Potato Upgrade. "I-de-deliver ko na 'tong fries kay Sori. See you around."

"Thank you, Melo," sabi naman ni North, saka ito bumeso sa kanya. "Ingat sa pag-da-drive."

Ngumiti lang siya, saka siya nagmamadaling umalis nang hindi na nililingon si Hook.

Because the more she stole glances from him, the more she wanted to jump his bones. Mahirap na at baka maulit ang pagdamba niya rito no'ng unang beses silang nagkita. Heto nga't nag-iinit na naman ang marka niya at gumagapang ang init na 'yon sa buong katawan niya– partikular na sa pagitan ng mga hita.

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon