21: Finally

7.9K 204 24
                                    

AUTHOR' NOTE: Sa mga nagtatanong, walang sariling story sina North at Sori. Nandito din sa He Can Tell ang progress ng relationship nila pero in-e-edit out/tinatanggal ko ang ilan sa mga scene nila dito sa Wattpad version. Sa book version, kumpleto ang love story nila North at Sori kaya wala na silang bukod na book. :)

***

OKAY, solo na kami ni Hook.

"I brought breakfast pala," sabi ni Hook mayamaya. "I'll get it in the car."

Napasinghap si Melo nang may maalala. "I'm sorry, Hook. Hiniram nga pala ni Jooe sina Sunshine, Musky, at Grumpy kagabi kasi nasa condo raw niya ang mga pamangkin niyang mahihilig sa mga aso. Hindi ka pa kasi nagtetext na pupunta ka sa bahay ngayon no'ng dumating si Jo kagabi."

"It's okay, Melo," sabi naman nito. "Sakto nga kasi hiniram din ng mommy ko si Gloomy. Ipapasyal daw niya sa bagong dog café na na-discover niya wherein puwedeng magdala ng sarili mong pet."

"That's nice," nakangiting komento niya. "Don't worry kasi every Sunday afternoon naman eh nagpupunta si Jooe rito. Kung makakapaghintay ka, ipapadala ko rin sa kanya sina Sunrise at Sunset mamaya para makilala mo ang lahat ng puppies nila Sunshine at Gloomy."

"Ma'am, does it mean we will be together the whole day?"

"Only if you behave, sir."

Ngumiti ang lalaki at tinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa. "I will behave."

Natawa lang siya, saka niya ipinaikot ang mga mata bago niya itinuro dito ang patio. "Do'n na tayo mag-breakfast, Hook."

"I'll be there in a minute, Melo."

Tumango lang siya, saka siya nauna sa pagpunta sa patio. Merong pahabang mesa ro'n para sa anim na katao at may mga upuan pang kasama. Paharap iyon sa hardin na maraming bulaklak at meron pang rose garden sa gilid. Madalas din silang mag-breakfast ni Sori do'n.

Nakaupo na siya at tinotono ang gitara nang dumating si Hook habang tulak-tulak ang mga bagay na ikinagulat niya.

"Bakit may stroller?" natatawang tanong niya. "At punong-puno pa 'yan, ha."

May lamang isang sako ng dog food ang stroller. Meron ding magkakapatong na apat na dog bed, mga damit para sa mga tuta, mga laruang rubber bone, at marami pang iba na nakalagay sa dalawang malalaking paperbag kaya hindi niya masilip kung ano ang nasa loob ng mga iyon.

"Namili ako ng mga pasalubong para sa mga anak at apo natin," sagot naman ni Hook, saka ito umupo sa tapat niya. Pagkatapos, nilapag nito sa mesa ang cupholder na may lamang dalawang cup ng coffe, at paperbag na naglalaman naman ng naka-styrofoam na pagkain. "I brought tapsilog. Favorite breakfast mo raw 'to ngayong tinigilan mo na raw ang no-rice diet mo ayon sa credible source ko."

"Si Sori?" natatawang tanong niya na tinanguan lang ng lalaki habang nilalapag niya sa mesa ang acoustic guitar niya. "Mukhang gumaganti siya for the times na sinabi ko kay North ang mga favorite food niya, ha?"

Ngumiti lang ito, saka nito hinain sa harapan niya ang nakabukas ng styrofoam. Meron pa ngang plastic saucer na naglalaman naman ng suka at sili- ang paborito niyang sawsawan ng tapa. "Anyway, nagpatulong ako kay North na iluto 'yan. Magustuhan mo sana."

Tumusok siya ng piraso ng tapa gamit ang tinidor, saka niya 'yon sinawsaw sa suka. Habang nginunguya iyon, napa-"mmm" agad siya sa sarap niyon. "Masarap, ha? Walang halong char. Saka ang lambot ng sirloin na ginamit niyo. It almost melted in my mouth!"

"North only uses high quality beef so his tapa tastes really good," sabi naman nito. "Anyway, I see that you have a guitar. Maririnig ko ba ng live ang ginawa mong jingle for the advertisement of our imaginary dishwashing liquid brand?"

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon