"THAT was a good presentation, Mr. Rushton," bati sa kanya ni Mr. Olsen– ang professor niya sa Marketing class. "There's a bit of nitpicks in your Marketing plan but still, I was impressed. Happy holidays to you."
"Thank you, Sir Olsen," nakangiting sabi naman ni Hook, saka siya nakipagkamay sa professor. "Happy holidays."
Nakahinga siya ng maluwag nang umalis na ng classroom ang professor nila.
Hindi na siya umaasa sa mataas na marka dahil gaya ng sinabi ni Mr. Olsen, maraming butas ang ginawa niyang Marketing plan. Pero binati siya nito ng "Happy holidays" kaya umaasa siya na ang ibig sabihin no'n ay hindi siya babagsak sa Marketing class at ma-e-enjoy niya ang Pasko. Iyon na kasi ang huling araw ng first semester nila.
Christmas is just around the corner but sadly, I still have work. Pero malaking luwag na rin sa schedule niya ang pagtatapos ng first semester niya sa pagkuha ng MBA. I should properly thank my girlfriend for helping me out. Saglit siyang natigilan. Girlfriend, huh? Ang sarap pakinggan.
Lumabas na siya ng classroom para kitain si Melo sa Freedom Park ng St. Patrick University.
One drop, then bubbles pop... One wipe, plate is cleanse... Use Mr. Smooth swiftly to make your chores easy...
Napangiti siya nang ma-realize niyang may LSS na siya sa jingle na ginawa ng girlfriend niya. Kinanta nito iyon sa harap ng buong klase kanina bilang parte ng advertising presentation. Meron pa nga itong ginawang tagline para sa 'Smooth' dishwashing liquid brand nila.
"You look happy, don't you?"
Biglang natigilan si Hook nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Nang humarap siya sa pinanggalingan ng tinig, mas lalo siyang nagulat nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan niya ngayon. "Hector Fagestrom...?"
Tall, slender, and handsome. Gray eyes and golden hair. Gentle look, but harsh personality. Wearing almost the same set of clothes as him, Hector stood before him with his hands in the pockets. "Hi, mate."
His jaw clenched in annoyance and if only they weren't in public, he would have punched this arsehole right in the face. "What are you doing here? Pa'no ka nakapasok dito?"
"My arrows can make people like me to the point that they do whatever I say, remember?" paalala naman sa kanya ng lalaki. "And I'm here for you, of course. Now that you have fallen deeply in love with a woman, I want to see what choice you'll make soon."
Napalunok siya sa mga sinabi nito. I have already fallen deeply in love with Melo?
He was so shookt that he forgot his anger and urge to punch this dickhead in an instant.
"You look surprised," nakangising komento ni Hector. "Hindi mo pa siguro napapansin sa sarili mo pero malalim na ang feelings mo para sa babaeng 'yon. You can't lie to a love god." Lumapit pa ito sa kanya para tapikin siya sa balikat. "Good job, mate. Ikaw na mismo ang tatapos sa sarili mong buhay. Thank you because finally, maigaganti ko na rin si Abigail." Nawala ang ngisi nito at napalitan na naman iyon ng matinding galit. "Hook Rushton, alam mo ba kung ano ang nangyari kay Abigail nang dahil sa kabaliwan niya sa'yo?"
Kumunot ang noo niya dahil wala siyang ideya kung ano ang nangyari kay Abigail. Simula nang "parusahan" siya ni Hector, pinutol na niya ang koneksyon niya sa dalawa. "What happened to Abi–"
"Dante?"
Nalingunan ni Hook si Melo na no'n niya lang namalayan na nakatayo na pala ilang hakbang lang ang layo sa kanila. Kumunot ang noo niya sa pagtataka dahil noon naman, nararamdaman agad niya kung malapit ang babae sa kanya.
Was I too shookt to notice her presence?
But more importantly, why was she staring at Hector like she had seen a ghost?
Wait, did she say 'Dante?'
"Dante," pag-uulit ni Melo sa hindi makapaniwalang boses habang titig na titig kay Hector. "W-What are you doing here?"
"I'm not Dante but I know him," tanggi naman ni Hector sa amused na boses. "My name is Hector and I'm his twin brother."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang rebelasyon na 'yon kaya nawala kay Melo ang atensiyon niya para bigyan ng nag-aakusang tingin si Hector. "You have a twin brother?!"
At kung napagkamalan ni Melo si Hector bilang Dante, nangangahulugan lang 'yon na identitcal twins ang dalawang lalaki. Pero sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Hector noon, ni minsan ay hindi nito nabanggit na may kakambal pala ito!
Hindi pinansin ni Hector ang tanong niya dahil kay Melo pa rin nakatuon ang atensiyon nito. "I don't think you should be worried about that, mate." May kung anong tinuro ang lalaki. "Look at your girlfriend."
Mabilis namang nilingon ni Hook si Melo at nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang nabuwal ito mula sa pagkakatayo. "Melody Rose!"
Natumba ang girlfriend niya sa kalsada pero sa kabutihang palad naman ay naitukod nito ang mga kamay sa sahig kaya hindi ito nasubsob. 'Yon nga lang, sigurado siyang nagasgas ang mga tuhod nito dahil sa suot na ripped jeans na sobra sa pagka-rip na halos magmukha nang shorts.
"Hey," nag-aalalang sabi niya, saka niya ito tinulungang tumayo. "What happened?" Sumandal si Melo sa kanya na naiintindihan niya dahil nararamdaman niyang nanginginig pa ang babae. But when they had skin contact, he hissed in pain. "Melo, you're literally burning hot." Pero himbis na lumayo sa girlfriend niya, hindi pa rin niya ito binitawan dahil nag-aalala siya sa hindi nito normal na temperatura. So he wrapped an arm around her waist and pulled her closer to him. "What should I do? Do I bring you to the hospital or take you home–"
"No, I can't last long," bulong naman ni Melo sa nanghihinang boses. "We need to find an empty room now, Hook. Mamaya na ko mag-e-explain."
"Alright," mabilis namang pagpayag niya, saka niya hinarap si Hector para tingnan ng masama. "I'll get back at you next time, mate."
"Sure, mate," nakangising sagot naman ni Hector. "I can't wait to see you again."
Hindi na niya pinatulan ang pang-aasar ng dati niyang kaibigan dahil mas mahalaga sa kanya ang kondisyon ng girlfriend niya.
Mabuti na lang at hindi sila gano'n kalayo sa College of Business building kaya bumalik sila ro'n. Buong college life niya, do'n siya pumapasok hanggang ngayong kumukuha na siya ng MBA. Kaya alam na niya kung alin sa mga kuwarto do'n ang bakante kapag lunch time. Lalo na sa building ng mga gaya niyang nasa grad school. Mabuti na lang din at Christmas vacation na ng mga undergrad kaya mas lalo siyang nakakasiguro na maraming vacant rooms do'n.
"This is an old storage room," paliwanag ni Hook nang dumating na sila sa sikat na vacant room sa CoB. Sikat iyon sa mga Business students dahil sira ang kandado niyon. Hindi 'yon na-la-lock sa labas pero puwedeng i-lock sa loob. Ibig sabihin, puwedeng buksan at magkulong do'n. Iyon ang "go-to" ng mga couple na hindi na makapaghintay makauwi o makapuntang motel. Alam niya dahil madalas din siyang nakikipag-quickie doon no'ng undergrad pa siya. Anyway, he locked the door to make sure no one would interrupt them since it looked like Melo had something important to tell him. Then, he faced his girlfriend who was looking up at him with heated gaze. "I don't know why you need an empty room but this is a good spo– mmm."
He was so confused when Melo suddenly kissed him but before he complaint, he kissed her back first.
BINABASA MO ANG
#NSFW: He Can Tell
عاطفيةShe needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!