22: Dangerous Situation

7.1K 180 10
                                    

"YOU LOOK so exhausted, Melo," nag-aalalang sabi ni Hook habang magkaharap sila ni Melo sa tapat ng bahay ni Sori. Hawak niya ang mga kamay ng babae at nakayuko siya habang nakatingin sa maganda pero halatang pagod na mukha nito. "Are you okay?"

"I'm fine," sagot ni Melo, saka ito ngumiti para siguro i-assure siya. "Napagod lang siguro ako kasi buong maghapon tayo naglaro with the dogs."

Totoo din naman kasi 'yon.

No'ng umaga– bukod sa heavy makeout session nila– ay kinanta at tinugtog din ni Melo sa harap niya ang ginawa nitong jingle para sa dishwashing liquid brand na tinawag nilang Smooth.

Then, they went out for lunch. Dinala niya ang girlfriend niya sa isang Italian restaurant dahil nag-crave ito ng pasta dish. Hapon na sila bumalik sa Paraluman Village dahil nagtext dito ang kaibigan nitong si Jooe Zamora.

When they came back, he was delighted to see Sunshine with her four puppies. They played all afternoon and walked the dogs in the park.

"Kukunin ko na si Gloomy kay Mommy next weekend," sabi ni Hook mayamaya. "Then, ipasyal uli natin sila para complete family na sila sa susunod."

Tumango naman si Melo. "I'll tell Jooe para madala niya uli sina Sunset at Sunrise," sabi nito, saka ito tumingkayad para halikan siya sa pisngi. "Good night, sir."

Napangiti siya dahil sa saya, saka siya yumuko para halikan naman ang babae sa mga labi. "Good night, ma'am." Binitawan na ni Melo ang mga kamay niya pero bigla niya itong niyakap na halatang ikinagulat nito. Pero mabilis din itong nakabawi at natawa. Ah, her body was so soft and she smelled really good. "Melo, thank you for giving me a chance to be with you like this."

"I can't resist you," natatawa at playful na sagot nito, saka ito yumakap sa baywang niya dahilan para lalong dumikit ang malalambot na dibdib nito sa kanya. "But seriously, you shouldn't thank me, Hook. I got the better end of this deal."

"Don't say that," saway niya rito, saka niya hinalikan ang tuktok ng ulo ng girlfriend niya habang hinahagod niya ang likod nito. Ang bango-bango kasi ng buhok nito kaya hindi niya napigilan. 'Tapos, ang kinis pa ng balat nito. She wore a backless top then so his hand had direct skin contact with her back. "Ako ang mas masuwerte sa deal na 'to."

"Hook?"

"Hmm?"

"You should go home," sabi ni Melo, saka ito nakangiting tumingala sa kanya. "I can feel something hard against my hip."

Umungol si Hook sa reklamo. "I know." Kumalas na siya sa pagkakayakap niya sa babae, saka niya ito muling hinalikan sa mga labi. "Good night, my rose. Please, pumasok ka na sa bahay niyo bago pa kita maiuwi."

Natawa ang girlfriend niya, pero tumango naman ito at nagmamadaling pumasok sa bahay.

Pasakay naman siya sa Pajero niya nang dumating ang isang Mini Convertible at huminto sa harapan niya. Nakababa ang bubong ng sasakyan kaya kitang-kita niya sina Sori at North. Pasimple naman niyang hinila ang laylayan ng T-shirt niya para matakpan ang naninikip niyang pantalon. Mahirap na at baka may mapansin pa ang dalawa.

"Hello, oppa," masiglang bati sa kanya ni Sori na napansin niyang suot na ang gray jacket ng pinsan niya. "Pauwi ka na?"

"Hi, Sori," nakangiting bati niya sa babae. "Yes, I'm about to go home." Tumingin siya kay North na naabutan niyang nagtatanggal na ng seatbelt. "Sasabay ka na ba sa'kin, North?"

"Yes," sagot naman ni North. "Nagtext sa'kin si Wilde kani-kanina lang. Papunta raw siya sa bahay ngayon." Tumingin naman ito kay Sori na nakatingin na rin dito. "Sori, thank you for letting me spend the day with you." Humalik ito sa noo ng babae. "Good night."

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon