12AM gising pa rin si Clarisse, halos mapudpod na ang daliri niya sa kakatext pero hindi pa rin nagre-reply ang katext niya. Ang kanina'y boyfriend niya na ngayon ay ex-bf na niya na si Alex. Walang kwenta ang kanilang pinag-awayan, seloso si Alex. Daig pa niya ang kriminal kung makadaan sa mga cross-examination ni Alex kung may magcomment na lalaki sa mga posts niya sa Facebook. Palibhasa kasi hindi pa sila nagkikita sa personal. Sa Facebook lang din niya nakilala si Alex, nasa America ito, at pareho silang 20 years old. Nagmigrate si Alex sa America kasama ang mga magulang. Hindi pa sila nagkikita ni Clarisse. Nagkataon lang na may mutual friend sila sa Facebook. From having a mutual friend to friends, hanggang sa naging sila. Pero yun nga lang, dahil malayo sa isa't-isa halos nag-aaway sila everyday. Gusto kasi ni Alex malaman kung ano ang ginagawa ni Clarisse kada-segundo, ultimo breakfast lunch and dinner kailangan pang malaman nito.
"OA mo na, di ka na nakakatuwa, goodbye! huwag mo na akong i-txt! and don't bother calling me kasi I will change my number!" And she pressed the send icon. Inis na inis siya.
Ang pinagseselosan ni Alex ay ang pagcomment ni Gregory sa isang picture niya sa timeline niya. Officemate niya si Gregory. Sabagay dapat lang din na magselos si Alex kasi gwapo si Gregory at walang girlfriend. Alam din kasi ni Alex na tinutukso silang dalawa ni Gregory sa office pero kaibigan lang talaga ang tingin niya dito.
Hindi naman kagwapuhan si Alex kaya lang hindi niya alam kung bakit patay na patay siya dito.
Biglang tumunog ang cellphone niya akala niya si Alex pero nagulat siya ng makita ang sender, si Gregory ang nagtext.
"Gising ka pa?"
Nagreply siya "Yup, y?"
"Nasa Cito's kami, punta ka, tagay with Irene, Liz, Manolo and Vince." Mga workmates niya.
"I'm in my PJ's na po. I am sleepy...sahhrrreeeyyy! nxt tym na po." Reply niya uli. Ang totoo ayaw lang niyang makita nila na para siyang si Kermit the Frog sa laki ng mata niya, halos lumuwa na kasi ito sa pag e-emote niya kanina habang inaaway siya ni Alex.
Tumunog uli cellphone niya.
"Liar, I am outside your apartment, bukas ilaw mo sa sala at nanonood ka pa ng TV."
Agad siyang tumayo at sumilip sa bintana niya sa sala. Nasa labas nga si Gregory. Binuksan niya ang pinto.
"Wow! puffy eyes? may hiring ba ang crying ladies? parang nagpa-practice ka na para sa audition." Ganito si Gregory lagi siyang inaalaska.
"LQ kami ng bf kong gago... the usual..." Di niya masabi na nag-away sila dahil sa comment ni Gregory sa kanya sa Facebook na (Teasing look)
"Wow ha LDR na nga may May pa LQ-LQ rin? bakit ba invest ka ng invest sa mga lalaki online? halos ilang lalaki na rin ang minahal mo online ah, masyado kang ma-effort sa online relationship pero pag nasaktan ka daig mo pa nasapak ni Manny Pacquiao"
"Grabe ka naman, akala ko ba may tagay? bakit ka napadpad dito? para sermonan ako?"
"Pinapasundo ka nila sa akin kasi alam ni Irene na nabasag na naman ang puso mo."
"Ayoko, nakakahiya mata ko."
"may ka eyes to eyes ka ba at kailangan talagang nakabeautiful eyes tonight? arte mo, dali na bihis ka na."
Kahit labag sa kalooban niya, agad na rin siyang nagbihis at lumabas kasama si Gregory papunta sa Cito's kung saan naghihintay ang kanyang mga kaibigan. Isang sikat na restobar ang Cito's at doon sila naglalagi tuwing Sabado. Panay tukso sa kanya ng mga kaibigan dahil sa status niya sa Facebook kanina na nakalagay "basag na naman puso ko." at relationship status niya na "complicated"
BINABASA MO ANG
Finding Mister Right
RomanceKuwento ng isang hopeless-romatic na babae na gagawin ang lahat makita lamang si Mr. Right. Saan kaya niya ito matatagpuan? sa Facebook? Sa Twitter? Sa Instagram? o sa daan? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~< This is my first story dito sa Wattpad... Sana...