Chapter 14

53 2 0
                                    

Isang pinakamasayang handaan ang dinaluhan nina Clarisse, Liz, Vince, Manolo, Irene, Gregory at nang kani-kanilang mga loved ones nang Sabadong iyon. Birthday nang pinakamamahal at treasured friend nila na si Bashang. Sa Tagaytay napili ni Bashang na magcelebrate ng birthday at 2 nights sila sa isang magandang beach resort doon. Dahil si Clarisse lang ang walang boyfriend nagpaalam siya kay Bashang kung pwede ba niyang isama si Andrew dahil ayaw niyang magmukhang yaya nang kanilang grupo. Nakasuot si Clarisse ng maxi dress na kulay pink habang si Andrew naman ay nakasuot ng khaki cargo shorts at baby blue na polo shirt. Ang gwapo niyang tingnan sa kanyang suot na avaitor sunglasses. Feeling mahaba ang hair niya kanina habang naglalakad sila sa beach dahil tinitingnan sila ng mga tao na nadadaanan nila. Kaya kahit naiirita siya sa pakiramdam ng mga buhangin sa kanyang mga paa tiniis niya ito dahil gusto niyang ipakita sa lahat na hindi siya apektado sa presensya nina Bianca at Gregory. Naglunch sila sa restaurant ng resort that afternoon at enjoy na enjoy sila sa kinakain nilang mga seafoods. Si Bianca ay walang ibang kinain kundi salad.

"So how did you guys meet?"Tanong ni Bashang kay Clarisse at Andrew.

"Nagkita kami sa National Bookstore, and we happened to grab the last copy of Inferno by Dan Brown, Clarisse suggested that we play rock, paper, scissors para kung sino ang manalo yun ang makakakuha ng libro... but I told her that I can give it to her if she will give me her phone number." Sabi ni Andrew at kinikilig sina Irene, Liz at Bashang sa kwento nito si Bianca naman ay tahimik lamang at nakamasid lang sa grupo habang kumakain.

"Ang daya mong bruha ka, di mo sinabi nakatambay lang pala ang mga gwapo sa National Bookstore... Kayo Gregory at Bianca, how did you meet?" tanong uli ni Bashang, ayaw sana niya itong tanungin kasi kanina pa niya gustong sabunutan si Bianca pero napilitan siya na magmagandang-loob dito.

"that was a long time ago, I can't remember now."Matamlay na sagot ni Gregory halatang wala ito sa mood.

"I think una kaming nagkita sa isang party, kaninong party nga ba yun babe?" pa-tweetums na tanong ni Bianca kay Gregory sabay hawak sa braso nito.

"I forgot."

"Was it Julie's or Kirk's birthday party?" Halatang medyo naiinis na si Bianca pero pinipilit nitong ngumiti at maglambing kay Gregory.

"I said I forgot and I don't know, that was donkey's years ago."

Natigilan ang lahat sa ipinakitang reaction na iyon ni Gregory, napansin nila na gustong umiyak ni Bianca dahil napahiya ito pero pinilit nito ang sarili na magkunwaring hindi apektado. Nang matapos ang kanilang lunch agad na nagdesisyon sina Irene na maligo. Dahil mga conservative sina Irene at Liz nagsuot na lang sila ng one piece swimsuit at board shorts pero si Bianca di maawat sa pagdisplay ng kanyang katawan. Maganda ang katawan nito at flawless din, nakasuot ito ng two piece bikini na kulay puti. Nakahalata sina Irene na medyo hindi maganda makitungo sa kanila si Bianca, at parang umiiwas ito sa kanila dahil kanina pa ito nakaupo mag-isa sa bar na malapit lang sa pool. Gusto sana nilang maligo sa beach kaya lang si Clarisse hindi nila maconvice na magswimming kasama sila at mas ginusto nito ang magtampisaw na lang sa pool.Kaya nagdesisyon sila na doon na lang mag-uumpukan. Ang mga kalalakihan naman ay busy sa paglalaro ng beach volleyball.

"Hubarin mo na yang kaftan dress mo at iladlad mo na ang katawan mo teh, dali na!"sabi ni Bashang kay Clarisse.

"Ayoko nga. Ikaw na lang magdisplay ng katawan bakla, mamaya na kapag tayo na lang dito..."

"Ay if may katawan lang ako katulad mo at wala lang akong betlogs why not!"

"Alam nyo ba girls kanina parang ako ang napahiya sa situation ni Bianca..." Sabi ni Liz.

"Hay naku hayaan nyo na, alam nyo naman ang mga lalaki, masyadong hopeless pagdating sa mga anniversary, sa first date and even little occassions, hindi kasi sila katulad nating mga babae na ultimo petsa at oras ng first utot ng boyfriend natin ay nakarecord at memorize na ng utak natin." Sabi ni Clarisse na pilit iniiwasan ang usapang Gregory at Bianca. Pero sa totoo lang ay gusto niyang magtatatalon sa tuwa nang ipinahiya ni Gregory ang jowa nitong maarte.

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon