Chapter 11

61 1 0
                                    

Masayang-masaya ang family ni Clarisse pag-uwi niya lalo na ang kanyang nag-iisang kapatid na si Marc. Halos mag-iisang taon na rin siyang hindi nakauwi sa Surigao kaya miss na miss na niya ang pamilya niya. Kahit pagod na pagod siya dahil sa byahe hindi na nakuhang magpahinga pa ni Clarisse dahil agad silang nagbonding ng kanyang mommy at ni Marc sa kanilang pool. Wala ang daddy ni Clarisse nasa kabilang bayan pa daw ito may inaasikaso. May binibili kasi silang isa pang beach resort sa Surigao.

"pumapayat ka yata masyado hija... hindi ka ba kumakain sa Makati? baka mamaya puro trabaho na lang inaatupag mo... "sabi ng mommy niya habang nakaupo sila sa gilid ng pool. Si Marc naman ay busy sa paglangoy. "Bakit ba kasi ayaw mo na makaroon ng katulong doon, pwede namang isama mo si yaya Marites mo dun, para may taga laba at magluluto para sa iyo... alam mo ba na worried kami ng daddy mo sa iyo dahil hindi ka naman sanay sa mga gawaing bahay pero mas pinili mo na huwag magdala ng katulong doon."

"Mum naman, how can I be independent kung pati mga bagay na pwede ko namang gawin eh iaasa ko pa sa iba? and I am doing so well... alam mo ba na marunong na akong magluto ng ibang mga pagkain other than french toast and scrambled eggs? I have a specialty na nga eh, beef stew... ipagluto nga kita niyan minsan mum." pagbibida niya sa kanyang mommy.

"At kelan ka rin ba papayag sa offer namin to buy you a condo in Makati? naku hindi talaga ako panatag sa inuupahan mong apartment. Hindi ka talaga namin maintindihan anak... ayaw mong tanggapin mga tulong namin sa iyo."

"Alam mo mother... hindi naman kasi sa ayaw kong tanggapin yung mga ibinibigay nyo, but I really want to test myself kung hanggang saan ang kaya ko... and I want to live normally, you know ayaw kong mamatay na hindi pa nasubukang kumain sa turo-turo o kumain ng isang dosenang balot at isaw... I am enjoying this kind of life mommy, dapat pa nga proud kayo kasi hindi ako lumaking katulad ng ibang anak mayaman na ultimo paglalaba ng panty ay iaasa pa sa katulong. If hindi ko na kaya, I will let you know kung ready na akong magka condo but for now I am still comfortable sa apartment ko. I've been there for almost three years and ever since wala akong naging problema... "

"Eh bakit ang payat mo? baka mamaya you can't afford na pala to buy food kasi nauubos pera mo sa rent?"

"I can manage pa naman financially mom, sayang naman pagiging accountant ko kung di ko alam paano magbudget ng pera... saka with my new job, medyo nakakasave naman ako kahit papano, kasi mas malaki ang sweldo... "

"Basta ha, if ever you need a big amount of money, you know the pin code naman siguro sa account na inopen namin para sa iyo, buwan-buwan namin yang nilalagyan ng pera pero the last withdrawal you did was yung pang advance rental mo lang sa apartment mo. Alam mo ba, I can't even explain sa mga family friends natin kung bakit ka nagpapakahirap sa Makati as an employee when you can just come back here in Surigao and live like a princess. sinasabi ko na lang na matigas ulo mo."

"Mommy patawa ka naman, alam mo bang ang tunay na prinsesa ay may mga responsibilidad din? they just don't sit around the palace and do nothing... saka di masarap ang buhay ng isang prinsesa... take a look at the life of the Duchess of Cambridge? di ba she is being followed everywhere by the media, security and her assistants? she has no privacy, she can't even go to the toilet without being followed... and I bet she gets tired of changing clothes at least 6 times a day. She can't even go out wearing the ugliest dress she could possibly pull out of her wardrobe, she has to look sophisticated, she is expected to behave in public, to smile the right way, to wave her hand the right way, to walk the right way...and the worst part of being a princess? she is surrounded by people who are sucking up to her only because she is the future queen of England. See why I don't like being a princess? because that life is boring. I want people to like me because I am Clarisse, not because takot sila sa pera ng pamilya ko. I want to experience living on my own... using my own capabilities... when I get tired then maybe I will go back to being the princess of this household."

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon