"Ano ba Clarisse, wala ka na ba talagang plano matulog? past midnight na... pwede naman nating tapusin ang usapan na to bukas..."
"Irene naman hayaan mo na akong mag-emote, minsan lang kita makausap sa phone ng ganito no..."
"kinakausap mo lang ako kapag broken-hearted ka, o ano ngayon? di ba tama ako, nganga na naman beauty mo kasi break na naman kayo ng porendyer mo."
"mamamatay na ako teh! ang sakeeeeeettt!"
"bakla ka, anong mamatay ka sa sakit eh parang nakasteroids lang ang puso mo teh! bakit di mo kasi inalam na may girlfriend na pala ang Canadian na yun, oh di ngayon nagsasayang ka na naman ng luha.."
"sermon well ateh! palibhasa kasi masaya ka na sa lovelife mo... eh ako? ilang breakups pa ba ang mararanasan ko? malay ko ba na niloloko lang pala ako ni Raphael... ang sakit te."
"walang manloloko kung walang magpapaloko, at anong iniyak-iyak mo ngayon kasalanan mo naman kung bakit may picture siya ng boobs mo no, naglalandi ka kasi sa cam... boobs nga lang ba pinakita mo?"
"oo no! di naman ako ganun kasama..."
"bakit ba kasi hinahayaan mo na ganyan ang turing sa iyo ng mga lalaki? don't expect any respect from them kung ikaw mismo ay di kayang respetuhin sarili mo..."
"harsh mo naman... nanay ba kita?"
"pasalamat ka at kaibigan mo lang ako, kasi kung ako ang naging nanay mo... ewan ko lang... magbago ka na kasi... 20 ka na, in a few months time 21 ka na... be mature na... puro ka kalokohan eh..."
"nagmahal lang ako, di naman kalokohan yun..."
"anyway, boring na ang topic natin, di ka naman nakikinig sa mga payo namin kaya let's finish this topic about Raphael.... are you doing something tomorrow?"
"Wala, alam mo naman na laundry day ko ang Sunday... "
"perfect! tatambay kami sa apartment mo, we'll bring some food... dyan kami magdi-dinner... and we'll watch a few episodes of Criminal Minds... huwag kang humindi kasi sisirain namin ang gate mo."
"grabe, Tama bang bulabugin ako sa Sunday routine ko... alam mo namang tanging Sunday lang ang binibigay ko sa sarili ko... magpapafacial at masahe ako bukas madam Sanchez kaya next century na kayo magbabad dito sa apartment ko... "
"Hala, nag-iinarte ka na naman, OA mo teh di bagay sayo ganyan... ano ang sasabihin ko kina Vince? hindi tuloy ang plano kasi nag-iinarte ka? minsan nga lang kami tatambay sa apartment mo, tapos ganyan ka... sige na teh! paisturbo naman... ngayon lang... isasama namin si Bashang para masaya tayo."
Si Bashang ay ang kaibigan at katrabaho nilang bakla na parang pandak na version ni Vice Ganda.
"Lagot! pagti-tripan na naman ni Bernador ang picture ng kapatid ko... naku huwag na, tumambay na lang kayo sa park."
"OA mo! buti nga picture lang ni Marc ang hinahalay ni Bashang... ayaw mo ba magkaroon ng sister-in-law na katulad ni Bashang?"
"haha! no way! di ko pinapantasya na makitang may kaholding hands na bakla ang kapatid ko no.... "
"eh pagnanligaw si Bashang? sasagutin mo?"
"Hoy luka! punta ka nga sa apartment ko at nang masipa kita sa mukha, tamaan ka sana ng kidlat sa mga pinagsasabi mo.. sige na nga! magbakasyon na kayo dito bukas!"
"ay ang sweet! ikaw na talaga ang dakila naming friend... magluto ka ng beef stew ha... sige na... paglalambing lang."
"Oy di pwede! abuso na yan! yoko magluto, Sunday Peace ko nga bukas... bahala kayo! kumain kayo ng hangin di talaga ako magluluto... plano ko nga lang kumain sa labas bukas... sige na bye na.... anong oras kayo pupunta dito?"
BINABASA MO ANG
Finding Mister Right
RomanceKuwento ng isang hopeless-romatic na babae na gagawin ang lahat makita lamang si Mr. Right. Saan kaya niya ito matatagpuan? sa Facebook? Sa Twitter? Sa Instagram? o sa daan? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~< This is my first story dito sa Wattpad... Sana...