Chapter 18

38 0 0
                                    

It's almost 2 weeks na hindi nagpakita si Gregory sa kanya. Nasasaktan siya pero hindi siya nagkaroon ng lakas para subukan itong tawagan or di kaya ay puntahan sa bahay nito. She wanted to talk to him but inuunahan siya ng takot.

"heto na yung sinasabi ko eh, magbabati kayo tapos mag-aaway... tapos bati uli, tapos away uli."sabi ni Bashang na noon ay binubuksan ang dalang pagkain para kay Clarisse. Binisita niya ang kaibigan dahil alam niyang nagmumukmok lang ito sa kanyang condo. "para kayong mga siraulo.. teka nga pa-music tayo... heto pakinggan mo, bagay to sa inyo eh kasi may sayad kayong dalawa." Pinatugtog nito ang kanta ni Sarah Geronimo na Ikot-Ikot.

"Bashang naman ang aga-aga... samahan mo na lang kaya ako sa Confi mamaya, magdisco tayo..."

"so ano'ng plano mo ngayon? Magpapakagaga ka na naman dahil naglaho na naman si Goryo sa buhay mo? bakit ba hinahabol mo siya, hayaan mo na nga lang siya, ang problema sa inyo para kayong sirang plaka, paulit-ulit... tulad ng kantang ito paikot-ikot lang kayo. Bakit ba ginaganyan mo ang sarili mo sa iisang lalaki? Di na pagmamahal ang tawag dyan teh, ang tawag dyan katangahan na." Tama nga naman si Bashang, nagpapakatanga na nga siya. Sinisira niya ang kanyang sarili for Gregory and for what? para masaktan muli? "You don't let your wound heal, instead naglalagay ka ng panibagong sugat."... so ano ang mangyayari if di gumagaling ang sugat? You will end up with an infection or ang masama you will end up with a friggin' gangrene. You should give your time to heal, you know... like stay away from boys maybe... go on a vacation... do anything that doesn't involve any boys.... something that will take your head off Gregory. Please... tama na."

"Bashang hindi ko kaya... mamamatay ako kung wala siya.."

"Oh talaga? two weeks na siyang di nagpapakita sa iyo ah, bakit buhay ka pa? ang hirap sa iyo, di mo ako siniseryoso eh kasi bakla ako... kaya hindi mo pinapasok sa kukuti mo ang mga sinasabi ko.... pero at least ako, hindi ako nagpapakaloka sa isang lalaki lang... look at me I am happy.. kasi hindi ko isinisiksik ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin... at hindi ako nagpapantasya na hindi pang matrikula, pangload, pambili ng shoes at cellphone ang kadalasang habol ng mga boylet sa akin, kasi tanggap ko na na akoý isang bakla. Kaya ikaw tanggapin mo na rin na kayo ni Gregory ay wala talagang chance of a happy ending kasi mga siraulo kayo. Dapat sa mental hospital ang byahe nyo eh. sarap nga pag-umpugin ng ulo ninyo eh. Pati ako nadadamay sa kabaliwan mo." Inabutan ni Bashang ng coffee si Clarisse. "yan magkape ka, baka magising ang utak mo... alam mo ikaw, kung hindi ka lang maganda at mabait hindi kita kakaibiganin kasi pati ako naloloka sa iyo."

"Bashang naman eh, inu-ukray mo ako... salamat sa coffee ang sarap."

"May bayad yan no, magmumukmok ka dito sa condo mo eh wala ka naman palang pagkain... kung hindi pa ako nag-isip na magpunta dito at magdala ng pagkain baka natagpuan ka na nila na nagstarve to death. At hindi kita inu-ukray, I am giving you an advise... kasi hindi ko kaya ang pinaggagawa mo sa buhay mo... umuwi ka na lang kaya sa inyo, you know... tulungan mo mother mo sa negosyo nyo, magrelax ka dun, walk on the beach... anything basta huwag lang dito sa Makati kasi naging makati ka dito eh. Ang Makati lugar, hindi inuugali... sabi ng nabasa ko sa facebook.... alam mo? I missed that promdi girl na nakilala ko 3 years ago, yung sweet at walang ka-dramahan na si Clarisse, yung laging may ka-chat dahil naghahanap ng boyfriend... yung halos kinakain na ang microphone ng Cito's para makapagvideoke all night... yung babae na walang ka-artehan. Look at yourself, kasabay ng pagtira mo sa condo na ito ay ang iyong pagbabago... naging sira-ulo ka." Siguro tama si Bashang, dapat umuwi na lang siya at iwanan ang buhay niya sa Makati, talikuran ang lahat at magsimulang muli. Baka nga na-culture shock lang siya kaya nagkakaganito siya. Pero hindi niya alam kung makakalimutan nga niya si Gregory. "Bakit suot mo pa yang Promise Ring na yan? akin na nga yan." kinuha ni Bashang ang singsing na bigay ni GRegory sa kanya.

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon