Nasa Cito's silang magbabarkada nag-iinuman. Last week na kasi ni Irene sa AAF. Natanggap ito sa ina-applyan niyang trabaho sa Taiwan. Magiging executive accountant siya sa isang malaking company doon. Ikinalungkot nilang magbabarkada ang balita na iyon pero maligaya naman sila para sa future nito. Napansin ni Clarisse na tila hindi mapakali si Gregory at kanina pa tingin ng tingin sa kanyang cellphone. Marami-rami na rin ang mga nainom nila, si Liz ay panay ang drama na susunod daw siya sa Taiwan habang si Bashang naman ay nagbibiro na siya na daw muna ang bahala sa boyfriend ni Irene na si Jason habang nakikipagsapalaran ang dalaga sa Taiwan.
"Iiwan ko na lang si Jason sa isang night club kasama mga GRO Bash, kasi mas safe siguro siya dun, eh ikaw masyado kang mahalay..."pabirong sabi ni Irene.
"Aba! eto naman, concern lang ako sa kaligtasan ng boylet mo no, paano kung magkakaroon ng lindol dun tapos hindi ka na makakauwi sa PInas, sino ang yayakap sa boylet mo kung malulungkot sya?"
"Luka, matatakot yung boylet ko sa iyo, masyado kang harmful eh... Oi syanga pala Clarisse, Di ba nag-apply ka sa Temora Group of Companies? may balita ka na ba?" Tanong ni Irene. Kumunot ang noo ni Gregory sa narinig.
"actually may one on one interview na ako bukas with the HR executive, pumasa na kasi ako sa panel interview. Pero I will not say na accepted na talaga ako unless makakapagsign na ako ng contract and job description ko... I am not in a hurry naman.. sinubukan ko lang if makakapasa ako"
"wow!!! ayos! magiging senior financial analyst ka kung nagkataon! booming pa naman ang Temora.." sabi ni Vince.
"Maraming bigas pa akong kakainin, medyo mahirap ang position na inaplayan ko tapos ang ibang mga applicants may at least 5-10 years of experience up their sleeves, samantalang ako wala pang masyadong experience sa field na yan... but we'll see... baka suswertehin."
"kaya mo yan, ikaw pa... eh lahat kinakaya mo." Gregory said sarcasticly at nahalata yun ni Clarisse.
"uy last order na natin to guys, lumalalim na ang gabi.. mag-aanyong tao na uli si Bashang kaya umuwi na tayo."
"Loko ka Manolo ha! uuwi ka kasi bini-breastfeed ka pa kasi ng mommy mo"
"Tama na yan baka mamaya magkapalit pa kayo ng mukha... yeah I agree, last na to, medyo tipsy na rin kasi ako... dami ko pa namang gagawing audit trail at kung anu-anong nakakahilong accounting drama bukas... " Sabi ni Liz.
Pagkatapos nilang mag-inuman agad silang lumabas sa Cito's. Nagdesisyon si Clarisse na magtaxi na lang pauwi, nahalata kasi niyang wala sa mood si Gregory, agad kasi itong nagpaalam sa kanila na mauna na. Mangungulit pa sana sina Irene na ipahatid si Clarisse sa tirahan nito pero halatang di na ito nagpaawat, parang galit ito sa mundo tonight. Nagpaalam ang mga magkakaibigan sa isa't-isa, sina Irene, Liz at Manolo ay nagkisakay kay Vince kasi nadadaanan nito ang mga bahay nila. Si Bashang ay nakipagtaxi share kay Manolo. Dahil dadaan pa si Clarisse sa 7/11 hindi na siya nakisakay sa mga kaibigan, nag taxi na lang siyang mag-isa. Kinakantyawan pa nila ito na huwag dumaan sa motel. Pagdating ni Clarisse sa kanyang apartment nakita niyang nakaparada ang kotse ni Gregory sa harap ng kanyang gate, nakatayo ito sa tabi ng kanyang kotse with his hands in his pockets. Bumaba siya sa taxi at dumiritso siya sa gate, wala siyang balak magbait-baitan kay Gregory dahil alam niyang mainit na naman ang ulo nito, at tiyak na makikipag-away na naman ito sa kanya. Bubuksan na sana niya ang gate pero hinablot nito ang kanyang kamay at hinila siya nito papasok sa sasakyan nito, hindi siya nagpupumiglas dahil baka umalma ang mga kapitbahay at mag-aakalang kikidnapin siya ni Gregory.
"What was that all about?" Bulyaw nito sa kanya.
"What are you talking about?" pagpo-protesta nya.

BINABASA MO ANG
Finding Mister Right
RomanceKuwento ng isang hopeless-romatic na babae na gagawin ang lahat makita lamang si Mr. Right. Saan kaya niya ito matatagpuan? sa Facebook? Sa Twitter? Sa Instagram? o sa daan? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~< This is my first story dito sa Wattpad... Sana...