Chapter 5

81 0 0
                                    

Halos walong buwan na rin sila sa set up na friends with benefits. Mali iyon kung iisipin pero mas pinili yun ni Clarisse kasi ayaw na niyang masaktan saka alam niyang hindi siya magtatagal kung naging sila man ni Gregory. Feeling niya isinumpa kasi siya na maging sawi sa pag-ibig lagi. Wala siyang pinagsisihan sa ginagawa nila ng lihim ni Gregory at ok na rin sa kanila ang ganun kasi para naman din silang mag gf-bf. Lagi silang magkasama every night, kumakain sa labas at kung anu-ano pang karaniwan ding ginagawa ng mga magkatipan. Pilit nilang inilihim ang kanilang no strings attached agreement sa kanilang mga barkada dahil tiyak na magagalit ang mga ito, against kasi ang mga ito sa mga taong pumapasok sa situation na ganito. "Having a fuck buddy is not normal, you should be committed to the person whom you are sleeping around with." Yan ang laging sinasabi ni Irene tuwing nasasali sa topic nila ang "friends with benefits" "fuck buddy". At dahil na rin magkasama sila sa trabaho, mas minabuti na rin nila na ilihim talaga ang kanilang mga ginagawang kababalaghan kasi ayaw nilang maging target ng mga makakati ang dila.

She is a lot happier with what's going on with her life but then one day something came up that she wasn't ready for. It turned her world around... everything just shattered into pieces when she found out from Vince and Manolo that Bianca is back in the Philippines. Si Bianca ay ang ex-girlfriend ni Gregory na umalis 5 years ago to work in Singapore. Ayun sa dalawa, magpapasama daw si Bianca kay Gregory papunta sa isang island resort para sa isang research.

"hindi ka ba magseselos?"

"Hoy Manolo, ang aga-aga sinisira mo na ang araw ko... hindi ako magseselos, bakit ako magseselos?"

"eh di ba patay na patay ka kay Greggy?"

"patay na patay? eh ikaw kayang patayin ko?" hinampas niya ito ng newspaper. "huwag mong ipatong yang maduming kamay mo sa mga paperworks ko... dun ka magkalat ng germs sa cubicle mo." Pilit niyang iniiba ang usapan pero namumula na ang kanyang mukha. She is jealous.

"ay ang sungit? nagseselos ka nga... masyado kang bitter. bakit nga pala absent si Gregory ngayon? hmmm baka pinagod ni Bianca... balita ko nasa Manila na daw eh, baka nagkita sila." sabi ni Vince

"ewan ko sa inyong dalawa, palibhasa wala kayong deadline kaya binu-bully niyo ako." Pilit niyang itinuon ang kanyang mga mata sa computer kahit hindi naman pumapasok sa isip niya ang mga binabasa niya. She wanted to burst into flames.

"bakit pa kasi ayaw mong aminin na crush mo si Gregory."

"OMG guys leave her alone, maraming ginagawa si Clarisse, doon kayo kay Bashang, yun ang guluhin nyo at tila nawawalan na naman ng pag-asa."

"Thanks Irene, kanina pa ako ayaw tantanan ng mga engot na yan... anong problema ni Bashang?" "haaaay you saved me from tears!"

"Hulaan mo."

"nawalan ng jowa?" She put on a fake giggle. "stop it, you sounded like a chipmunk." she scolded herself.

"Yup, nawalan ng jowa, naglaho pa ang cellphone at ang dalawang rubber shoes niya?"

"ipa-pulis nya yung guy.. simple"

"Ayaw niya, kasi alam mo namang di alam ng parents nya na... you know... bakla sya... pahiram nga ng stapler, nasira na yata 'tong sa akin..... oh have you heard about the shocking news? may nagbabalik,..... ang ex ni Gregory, we don't really know her and we haven't seen her in person... isn't it weird? magpapasama siya sa ex nya to be in a remote island to do a research..." patuloy na inaayos ni Irene ang mga documents na hawak-hawak nito. "I don't think I can do that... can you?... can you ask your ex for help and be with him in an island resort?"

"Bakit nga ba sila naghiwalay?" Pinilit ni Clarisse na itago ang kanyang nararamdaman kahit na gusto na niyang umiyak pero hindi niya magawa. She don't know why but everything just blows up on her face and she did not expect to feel like this. Akala niya hindi siya magseselos but all of a sudden she felt threatened. Pero mas nasaktan siya dahil sa iba pa niya nalaman na parating na pala ang ex ni Gregory. Pero alam niyang di sya dapat magselos, kasi hindi sila.

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon