Chapter 10

58 0 0
                                    

"Happy Birthday to you! Happy birthday happy birthday to you!" Di maawat sa pagkanta si Bashang habang papasok sa apartment ni Clarisse, kakarating lang nito at may dala itong regalo at mga bulaklak para sa birthday girl na si Clarisse. Si Liz at Irene pa lang ang nasa bahay niya noon dahil nagvolunteer ang dalawa na sila ang magluluto. hinihintay pa niya ang ibang bisita, at medyo kabado siya dahil pati si Bianca ay darating kasama si Gregory. One month na since huli niyang nakita si Gregory. kahit sintunado ang boses Bashang kumakanta pa rin ito habang nakipag beso-beso kay Clarisse. nakakatuwang isipin na kahit simpleng Birthday song ay parang boses ng pusang nasagasaan ang boses nito at Nakakahawa ang pagiging hyper nito.

"Happy 21st Birthday dear Clarisse!!!! Wow! Ang swerte mo umabot ka sa edad na ito akala ko mamamatay ka sa sobrang hilig mo sa karaoke!" Sabi ni Bashang.

"Anong connection ng karaoke sa possible death nya?" Tanong ni Liz na noon ay busy sa pagluluto ng spaghetti.

"Eh sa pagiging mic hogger niya maswerte siya at hindi siya nasaksak hahaha!"

"Hahhaa! Gaga ka talaga Bashang! Thank you sa karumal-dumal na birthday greetings haha!"

"Ang ganda mo today te! Magmumukhang yaya si Anne Curtis kung itatabi sa iyo today... Bagay sa iyo yang suot mo... Sexy strapless dress with sweetheart neckline... leopard print with see-through lace bandage around the waist... At superdooper iksi kaya lantad na lantad ang legs na kay ganda! Ikaaaawww na te!!!! Pahiram nito sa birthday ko ha! Hahahhaha!"

"Sira ka talaga Bashang."

Simpleng celebration lang ang gusto ni Clarisse sa birthday niya at sa apartment nya lang ito pinagdiwang.

"Ok ka lang?... Tanong ni Irene na medyo nababalisa. Kasalukuyan nilang inaayos ang dining table.

"Ano ka ba, oo naman... I am ready to face them." Ang tinutukoy niya ay sina Bianca at Gregory na dadalo din sa party niya.

"bakit ba kasi dapat i-invite mo sila? Naghahanap ka talaga ng dahilan para mamatay sa sakit sa puso."

"Ay dadating ang legal gf?!"

"Oo bashang kaya utang na loob you behave mamaya." Sabi ni Liz.

"Haaaaayyy I am still confused over this... Pero bahala ka na nga.. This is your show so hala ikaw na bumida... I hope this will go well for you... Masyado kang sadista sa puso mo." Sabi ni Irene.

"kakayanin ko 'to, pinaghandaan ko 'to... I will be fine... I assure you."

Nagsidatingan na ang ibang mga bisita, may ibang mga officemates na dumalo sa party niya. Kasama ni Vince si Lucy na gf niya at si Manolo kasama niya ang bago niyang gf na si Vicki. Dumalo din sa party ang boyfriend ni Liz at Irene and for the first time nakilala nila ang Bianca sa buhay ni Gregory. She is stunning, nakasuot ito ng magandang red cocktail dress na sleeveless and high heels. She looked so regal and very sophisticated. Si Gregory naman ay gwapong tingnan sa suot nitong gray na shirt at slacks. Magkaholding hands ang dalawa ng pumasok sa bahay ni Clarisse. Medyo may kirot sa puso niya ng makita ang dalawa but the show must go on she has to pretend happy and pleased to see them together. Sinalubong ni Clarisse ang dalawa.

"Babe this is Clarisse the birthday girl... Clarisse this is my girlfriend, Bianca." malagkit ang tingin ni Gregory sa kanya.

"It's nice to meet you Clarisse, I heard so much about you." Nag beso-beso silang dalawa.

" nice meeting you too... Thank you for coming... "

"Thank you for inviting me."

Gregory introduced Bianca to everyone and a few hours later she ended up talking to Janine, the manager of AAF. Nagkaroon ng pagkakataon si Gregory na makaalis sa tabi nito at pinuntahan si Clarisse sa kusina na noon ay tinitikman ang niluluto nina Irene at Liz.

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon