Chapter 7

53 1 7
                                    

Natapos na ang 10 days na vacation ni Gregory pero hindi man lang nakatanggap ng tawag o text si Clarisse mula sa kanya, hindi rin ito nagreply sa kanyang email. She was tempted to ring him pero mas pinili niyang manahimik na lang ayaw niyang magmukhang desperada. Naisip niya na baka hindi na nga interesado si Gregory na makipag-usap sa kanya. Nalaman din niya mula sa HR nila na nag extend ng 2 weeks leave si Gregory. Pati sina Vince ay di alam kung ano ang nangyari, they haven't heard anything from him. Tini-text ito nina Vince pero hindi din nila ma-contact. Maraming mga masasamang bagay na tumatakbo sa isip nila and Clarisse just assumed that maybe they finally fixed things up and needed more time together. She felt miserable and sad over the thought of Bianca and Gregory hooking up again... But that's what this is all about... she knows that she is Falling off a cliff because she decided to stand on the edge of it on her own sa pag-aakalang sasagipin siya ni Gregory.... she realized that she is in a failing friends with benefits relationship, no one will come and save her dahil hindi sila committed. Bumagsak at nasaktan siyang mag-isa dahil di niya kayang magpakatotoo, dahil noong may time pa siya, mas pinili niyang ilihim ang nararamdaman.

"are you sure ok ka lang? you want me to come over?" sabi ni Irene, kausap niya sa phone ang kaibigan.

"yeah... matutulog ako ng maaga tonight... after this episode of House, quite an interesting episode."

"Ok, but if you feel like a company just ring me up ok?"

"yes I will... b..but I am sure I'll be fine... ako pa! "

"Gusto mong magbabad sa mall bukas? I am free... may out of town kasi si Jason, pinapasama niya ako but I said no kasi medyo malayo and they will be away for a week."

"No... malayo pa ang sweldo, mamumulubi ako if papasok ako sa mall... I've got a phone bill and water bill coming next week."

"Oy may chika ako sa iyo, and you did not hear this from me ok?"

"ok sige hirit..."

"Kilala mo si Verna di ba? yung fiance ni sir Peter?" Si Peter ay isa sa apat na anak ng may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuan nila. " Buntis daw... but guess what? Hindi si Sir Peter ang ama, masyadong magulo ang family nina Verna at nadamay na rin ang family nina sir Peter kasi i-uurong na nilang ang kasal."

"Omg di ba dapat in three months na ang kasal nila? But paanong hindi si Sir ang ama? paano niya nalaman?"

"Si Verna mismo ang nagsabi sa kanya, nagkaroon pala ito ng ibang karelasyon during her stay in Dubai... "

"Sino naman nagsabi nyan sa iyo, baka mamaya di yan totoo. Bakit wala akong narinig about dyan kanina sa office?"

"Si Barbie nagsabi sa akin."

" asus! unreliable yung mga information ni Barbie, alam mo naman na chismis-chismis lang alam nun."

"Totoo talaga, kaya pala halos one week nang hindi pumupunta si sir Peter sa office, then by accident nakita ko si Sir kagabi sa Glorietta, walang kasama at parang tuliro."

"Sayang no, they've been together for almost 6 years. That's quite a shock." She was playing with her ipad at that time when she got an email alert. She panicked dahil galing kay Gregory.

"I-Irene... nagreply si Gregory..." kahit di pa man niya nabuksan ang email, gusto na naman niyang umiyak.

"ok, I will let you read it... bye, maghahapunan lang ako... kumain ka na rin."

"yeah I will... thank you... bye."

At Binasa niya ang email ni Gregory.

-----------

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon