Chapter 13

46 1 0
                                    

Dalawang buwang matapos ang birthday ni Clarisse:

"OMG baklaaaa! ang bongga ng place mo!"sabi ni Bashang na namangha sa bagong condo ni Clarisse. Dahil sa pagpupumilit ng kanyang mga magulang napilitan siyang pumayag na lumipat sa condo unit na binili ng kanyang mga magulang sa kanya. Maganda ang condo unit niya at dahil nasa mataas na palapag siya, kitang-kita niya halos ang buong Makati. "Pakisabi naman sa mga parents mo na I am free for adoption. Ang bongga te! pwede mo akong gawing maid dito." walang sulok ng Condo ang hindi sinilip ni Bashang.

"Naku hindi kita pwedeng gawing maid dahil gagawin mo lang brothel 'tong place ko." Sabi niya habang busy sa pag-aayos ng mga pagkain sa dining table.

"O may palasyo ka na, hari na lang ang kulang... kelan mo ba sasagutin yung Andrew na yun? baka masalisihan ka at makahanap ng iba yun... sayang naman, sperm donor na sana... mapupunta pa sa iba..."

"Hay naku, if talagang mahal ako ni Andrew at serious nga siya, maghihintay siya kahit next century pa... mabuti na rin yung magpapa-hard to get ako para naman ma-test natin kung talagang tunay nga siya."

"Aba! nag 21 ka lang naging love expert na ang loka!"

Biglang nag-ring ang door bell. Nasa ground floor sina Irene. Pipindutin lang nga guest ang unit number niya sa ground floor elevator tapos magri-ring ang kanyang door bell then may pipindutin siyang secret code para makapasok ang mga bisita para sa elevator. Sinadya ito ng designer ng condominium na iyon dahil halos kilala sa lipunan ang mga nakatira sa mga units nila. For protection purposes daw ito at para hindi makalabas-pasok ang ibang tao na walang transaction sa mga home owners. May apat na elevators ang pwedeng gamitin ng mga guests at home owners to access their floor levels. Ibang elevator naman ang gamit ng ibang tao na pumupunta sa mga offices, spa and other shops sa mga lower levels ng building.

"Bongga te! di ka talaga makikidnap nito, kasi pang James Bond itong condo mo... hightech mazshadowww! malas ng parents mo, di nila alam na may connection pala ako na mga kidnap-for-ransom gang sa Mindanao."

"Halata naman eh kasi sabi ko sa iyo 4PM pa magsisimula ang house warming party pero 2PM pa lang dumating ka na."

"Paano ka pala aakyat sa unit mo kung kailangan mo pang ilagay ang code na yan para ma-access ang elevator?"

"I have a key card.... swipe lang ng swipe te!"

"ay bongga! pero ilang beses mo kayang maiiwan yan kagaya ng susi mo sa dati mong apartment?"

"well dahil para siyang credit card lang, this can stay in my wallet..."

"eh paano pag nanakaw wallet mo?" pangungulit ni Bashang

"you notify the guards and the manager of this condo within 24 hrs so they can cancel the access code of this card and then hindi na magagamit ang card."

"paano kapag wala ang guards at ang manager?"

"ay Bash ewan ko sa iyo, nakakaloka ka... "

"ay nainis pero teh bet ko tong condo na ito... promise me ha huwag kang made-Deniece Cornejo dito."

Nagtawanan silang dalawa. Maya-maya lamang ay dumating na sina Irene, Liz, Vince, Manolo at si Gregory. Nagdesisyon silang magkakaibigan na huwag nang isama ang mga boyfriends at girlfriends nila. Gusto nilang magbonding uli gaya ng dati. Idea iyon ni Irene, hindi kasi natuloy ang pagpunta nito sa Taiwan kaya sabi niya, dahil hindi rin lang natuloy ang byahe niya papuntang Taiwan dapat maging close uli silang lahat at mawala ang tension sa pagitan nina Clarisse at Gregory. Tutol sina Vince at Manolo dito dahil kung sila ang papipiliin mas gusto nilang putulin na lang nina Clarisse at Gregory ang kanilang communication at ang kanilang pagkakaibigan dahil halata naman na di na yata magkakaayos ang dalawa. Tiyak din nila na hindi na maibabalik sa dati ang relasyon ng dalawa sa isa't isa. Kanya-kanya silang abot ng regalo kay Clarisse, usually mga gamit para sa bago niyang tirahan.

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon