Chapter 2

115 0 1
                                    

Nagkayayaan na naman ang grupo nila, ayaw niyang sumama pero nagpupumilit si Liz kasi gusto nitong makilala nilang lahat ang kanyang bagong jowa. Ayaw sana niyang sumama kasi sa beach sila pupunta, ayaw niya sa dagat kasi hindi niya feel ang buhangin na papasok sa kanyang sapatos. Hindi niya alam but since bata pa siya she doesn't like going to the beach when her family owns a few resorts in Surigao.

Sa dagat.

"O, bakit ayaw mong maligo?"

"Alam mo naman na hindi ako marunong lumangoy Greg di ba?"

" marami namang di marunong maligo pero tingnan mo nakatampisaw sa tubig, tara na."

"no, ayoko... sige kayo na lang, ako na magbabantay sa mga foods natin baka kainin ng aso, hayun oh kanina pa naglalaway."

"bakit ka nga ba takot sa dagat?"

"ayokong sabihin kasi pagtatawanan mo ako,"

"Try me."

" ok, di kasi ako maka-move on sa movie na Jaws, at ayoko yung feeling na may buhangin paa ko? weird ba yun?"

humalakhak si Gregory at parang bata na napahiya ang hitsura ni Clarisse.

"Clarisse De Valle, 20 years old, takot sa dagat dahil sa movie na jaws at ayaw niya ang buhangin? the only girl I know na dessert lagi ang unang kinakain bago ang main meal, the only girl na takot sa mga ibon pero mahilig sa ahas. Napaka-weirdo mo hahahhahaha! fiction yung Jaws noh!"

"Yeah fiction nga yung book at movie na Jaws but there were so many cases of shark attacks all over the world and I don't want to be a shark's next meal. No thank you, the shark can just have a bite on Vince's legs kasi malaman yun mabubusog ang pating sa kanya."

Humalakhak silang pareho ng masali sa usapan si Vince, mataba kasi si Vince kaya minsan papa Teddy tawag nila dito minsan.

"bahala ka, the water is nice and clear... I will go and enjoy it!" sinundan niya ng tingin si Gregory habang tumatakbo ito papunta sa kinaroroonan ng kanilang mga kaibigan na tuwang-tuwa sa paglalaro ng habulan sa tubig.

"Hoy bruha! takot ka bang umitim at nagtatago ka dito sa cottage natin?" tanong ni Liz. "maligo ka na kasi, nilalangaw ka na... puntahan mo si Greggy magyakapan kayo dun na parang lovers."

"Echooozzzz ka! nagkaBf ka lang gusto mo rin akong makipaglandian, saka di ko naman BF yang Goryo na yan, bakit ko siya lalandiin?"

"Bakit ba kasi di mo pansinin si Greggy, gwapo naman, sobrang talino, artistahin... maganda ka rin, tanga sa pag-ibig, artistahin din! bagay kayo, dapat kasi di ka na naghahanap pa ng bf overseas dapat siya na lang."

"Naku! tumahimik ka Liz, kinikilabutan ako sa sinasabi mo, baka mamaya sasabihin niya na ilusyonada ako hahah! promise friend lang talaga tingin ko sa kanya."

"heh? kahit crush teh? di mo rin na-feel?"

"cross my heart"

"anong cross my heart? may puso ka pa ba eh halos buwan-buwan may break-up kang inaasikaso."

"aba aba! tigilan mo nga ako Elizabeth! haha! bakit mo ba ako pinipilit kay Goryo eh obvious naman na iba type niya."

"eh sino type niya? si Sandra? di niya type yun, ayaw niya dun kaya, di rin naman pwede si Bernadette kasi engaged na yun... eh ikaw lang naman din ang nakikita naming bagay sa kanya."

"hay naku balikan mo na nga dun sa dagat jowa mo Liz at baka lamunin ng buhangin."

Mayamaya ay umahon na sa tubig si Gregory at bumalik sa cottage. Hindi ito kumikibo nakaupo lang ito habang kumakain sa dala nilang mga pagkain. Nagtataka rin siya kung bakit pero di na lang siya nagtanong.

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon