Sa InterContinental Samui Resort nagstay si Clarisse sa Koh Samui, isang luxury resort. Simula nang umalis siya hindi pa rin nagpakita or tumawag si Gregory mas mabuti na siguro yun para hindi na niya ito masyadong iisipin pa. Tama nga ang desisyon niya na mag bakasyon, she's having a great time. May mga nakilala siyang mga turista na galing sa iba't ibang bahagi ng mundo. Pumupunta siya sa mga tours around Koh Samui Island, snorkeling, shopping, dumadalo din siya sa isang Thai Food cooking school, massage, island hopping at everyday siyang nagsu-swimming. Wala siyang inisip, she is just relaxing and having a great time in paradise.
Nang umuwi sa sa Pinas dumiritso muna siya sa Surigao to be with her mother and brother for 2 weeks at saka bumalik sa Makati until makahanap sila ng buyer sa unit niya. It's over a month pero hindi pa rin niya nakausap si Gregory but she doesn't care, she's a lot happier now and she doesn't miss him anymore. She can say that she has finally moved on and that she is totally over him. Siguro malaking tulong ang pagpunta niya sa Koh Samui. Sinabi na rin niya sa mommy niya na hiwalay na silang dalawa, at first disappointed ito but after explaining to her na pinipilit lang niya ang hindi talaga pwede, naiintindihan naman nito di kalaunan.
Pagdating niya sa kanyang condo agad niyang tinawagan si Bashang to inform her na nagbalik na siya. Tuwang-tuwa ito at agad na silang nagkasundo na magkita. Pinuntahan siya ni Bashang sa kanyang condo.
"Alam mo na-miss kita, nakakamiss ka rin pala... kumusta ang mental hospital? ayus ba?"
"ok naman... hahaha! loka ka."
"may na meet kang papa doon? blooming kasi eh."
"wala.. pero marami akong mga naging mga kaibigan, usually mga couples na nagbabakasyon. Ang ganda doon.. every morning nagjo-jogging ako around the resort, tapos swimming... "
"sino nga ba ang mag-aakala na ang dating takot na takot sa dagat at buhangin ay bigla na lang magbabakasyon sa isang luxury resort mag-isa... "
"Well, I have to, kasi I have to check out InterContinental Resort so I will have a rough idea kung ano ang maganda for a resort... I am thinking of starting from scratch kasi... I asked my mom if she can help me buy an undeveloped area so I can build a new resort there... "
"sosyal, ang yaman mo te... i-hire mo akong accountant... "
"syempre... you will be my part of my accounting team... you'll be the head."
"talaga?"
"Oo mukha ba akong nagbibiro?"
"weeh? di nga? binu-bluff mo na naman ako eh."
"totoo nga... as in, you will be the first staff na iha-hire ko... if you are willing to live in Surigao..."
"Hay naku oo no! atat na yata akong umalis sa AAF nakakawalang-gana na magwork doon kasi wala na kayo, tinutukso nga nila ako na loyal daw ako sa company na yun,"
"Biruin mo, yun lang pala ang kailangan ko, isang magandang bakasyon to clear out my head..."
"and your heart?"
Napaisip si Clarisse. Is her heart finally over him?
"yes, I finally realized that I am happier without him... and guess what? hindi muna ako maghahanap ng boyfriend... I will let him come to me... sa ngayon, ang iisipin ko muna ay ang design ng magiging resort ko... I can't contain my excitement... alam mo ba, sobrang saya ni mommy na finally nagdecide ako to do this."
"and I am happy for you, we should organize a group chat with Irene, Liz and the others para malaman nila ang mga happenings sa life mo..."
"Oo nga eh, let's do it tomorrow." Sabi ni Liz habang nagsasalin ng orange juice sa baso. Marami silang pinag-usapan ni Bashang at ng mabored silang dalawa, nagdecide sila na mag-malling. Nagdesisyon si Bashang na magpunta sa isang men's clothing shop dahil may titingnan itong sapatos.
BINABASA MO ANG
Finding Mister Right
RomanceKuwento ng isang hopeless-romatic na babae na gagawin ang lahat makita lamang si Mr. Right. Saan kaya niya ito matatagpuan? sa Facebook? Sa Twitter? Sa Instagram? o sa daan? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~< This is my first story dito sa Wattpad... Sana...