Chapter 8 A New Found Hope

8.7K 701 155
                                    

"Why do you always read love stories with a happy ending?  - To experience something that I never had."


Avery POV


"Swimsuit?" Sabay taas nung isang pares ng dilaw na string bikini na naguguluhang bigkas ni Sabine.

"Uhuh." Sabay tangong tugon ko. "May kasama pa yan."

Muling tiningnan ni Sabine yung kahon at nakita niya dun yung puting sobre. Kinuha niya yun at binuksan. Nakamasid lang naman kami ni Seven sa kanya.

"Two plane tickets?" Nanlalaki pa yung mga mata niya habang nakatingin dun sa nilalaman ng sobre.

"Okay mag-honeymoon sa Bora Bora." Nanunuksong sabi ko.

"Thank you Avery!" Sabay tayong bigkas ni Sabine at niyakap ako. "Sa wakas makakapunta na din ako sa French Polynesia!" Tuwang-tuwang dagdag niya ng kumalas siya ng yakap sa akin.

"You're welcome." Tugon ko. "Best wishes to you both." Saka ako nakipagkamay sa pinsan ko.

"Thanks, Avery." Nakangiting tugon ni Seven ng tinanggap yung pakikipag-kamay ko.

"And Avery," Pahabol ni Sabine sa akin ng tatalikod na sana ako. "Wag kang mawawalan ng pag-asa. Malay mo, love story mo na ang susunod na maisusulat."

Nawe-werduhangnapatingin naman ako sa kanya. Napaangat yung gilid ng labi ko afterwards saka napailing.

Crazy. Sambit ko sa loob-loob ko.

Halata sa kanilang mga mata ang sobrang kasiyahang nadarama. Well, ito lang ang masasabi ko. Ang swerte nila kasi nahanap nila ang isa't isa. Hindi lahat ng tao nakakahanap ng tunay at wagas na pag-ibig. Kaya kapag nakita mo na o nahanap mo na ang taong nakakapagbigay sayo ng kasiyahan at nakakapagparamdam sayo ng sobra at totoong pagmamahal, wag mo ng pakakawalan pa. Keep her. Do everything to make her stay... and happy too.

Oh, this is bad. I'm becoming sentimental here. Sabay angat nung hawak kong wine glass at sumimsim ng alak habang nakatingin kina Seven at Sabine na masayang sumasayaw sa saliw ng sweet music. This is their wedding day, they have the right to have fun!

Heto yung surprise ni Sabine sa pinsan ko, yung dahilan ng pagpunta niya sa Bukidnon nung isang linggo.

Pagkatapos ng kasiyahan sa reception, sa resto bar na regalo naman ni Seven kay Sabine, nagpaalam na ako't umalis na. Nagpasundo ako sa private chopper ng DMC, baka kasi pag sumakay ako sa commercial airline, makasabay ko pa si Sydney. Eh halos isang linggo ko na siyang pinagtataguan at iniiwasan. Pero malapit ko na siyang kusang lalayo sa akin. Pag nalaman niya ang tungkol kay Cierra.

Speaking of Cierra... since magiging asawa ko siya, dadalhin ko siya sa mga parties at ipapakilala sa publiko, dapat my poise siya at ready ng humarap sa mundo ko. Kaya naman nag-hire ako ng taong magte-train sa kanya. How to dress properly, some etiquette, how to behave properly in front of socialite people and so on. Kung paano niya dapat dalhin ang sarili niya bilang asawa ni Avery Andjela San Miguel.

And after a few weeks, pwede ko na siguro siyang ipakilala sa lahat. And after that, isang engrandeng kasal ang magaganap at ang pinakahihintay ko, ang dalhin niya sa kanyang sinapupunan ang magiging tagapagmana ko. Ang susunod na San Miguel.

Hindi ko maiwasang isipin si Cassidy ngayon habang nakasakay sa chopper at nakatanaw sa baba, sa mga nagkikislapang ilaw sa Manila. Sa ere ako nag-propose sa kanya ng kasal, ng dinala ko siya sa isang private and exclusive island sa Palawan. Ako na siguro ang pinakamasayang tao ng mga oras na yun ng tinanggap niya yung alok ko.

Royal Blood Series - The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon