"You were a risk, a mystery, and the most certain thing I'd ever known."
Cierra POV
"A-anong..." Nagulat na sambit ko ng bigla na lang may humablot sa braso ko. Pero mas nagulat yata ako ng makita kung sino ang salarin.
Yung babaeng customer namin kahapon! Yung binansagan naming pirata!
"I guess you have something that belongs to me." Magkasalubong ang kilay na akusa niya sa akin.
Nanlalaki yung mga mata ko habang hindi makapaniwalang nakatitig lang sa mukha niya.
"H-ha?" Para akong naengkanto na nakatayo lang doon, at para bang naliliitan sa sarili sa tangkad niya.
"Give it back to me, you lady." Angil niya sabay higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Naguguluhang pilit kong binabawi yung braso ko sa pagkakahawak niya. "B-bitawan mo 'ko. N-nasasaktan ako."
Mas lalo niya tuloy inilapit sa akin yung mukha niya. "Don't play games with me. Ibalik mo sa akin yung wallet ko."
Napaawang yung labi ko. "Anong wallet mo?" Unti-unti ko ng naiintindihan yung sinasabi niya. "Wala akong kinukuhang wallet mo ha?" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Just give it back to me. O mas gusto mong tumawag pa ako ng pulis para damputin ka?" Banta niya.
Halata kong nakakatawag na kami ng pansin sa iba pang customers. Napansin din yata kami ni ate Amparo at panay ang sulyap dito sa labas mula dun sa may counter.
"Wala nga akong kinukuhang -"
"Wag ka ng magmaang-maangan pa. I know that style already. Bumenta na yan, pero hindi na sa akin." Hinila pa niya ako papalapit sa kanya. "Ibalik mo na yung wallet ko."
Nakulitan na ako sa kanya. Yung paghangang nabuo niya sa akin kahapon ay unti-unting naglaho dahil sa gaspang ng ugali niya.
"Sandali nga ho, ma'am!" Pagbibigay diin ko. "Kung makapamintang kayo ma'am para niyo namang nakita mismo na kinuha ko yung wallet niyo!" Inis na saad ko.
"Ikaw lang ang bumangga sa akin-"
"So ibig sabihin kapag binangga na kita, ninakawan na agad kita? Ganun?" Medyo may katarayan ng katwiran ko. "At isa pa, para yatang baliktad ho yung kwento. Ikaw ang bumangga sa akin." Sabay duro sa kanya.
Wala akong pakialam kung napakayaman niya o kung sinong poncio pilato pa siya, ang hindi ko nagustuhan ay yung basta-basta na lamang siya namimintang. Hindi porke't kilala siya sa alta siyudad at malaki ang ginagalawan niya sa lipunan, may karapatan na siyang mamintang sa kung sinong maisip niyang pagbintangan.
"Ngayon, pwede na rin ba kitang pagbintangang may ninakaw mula sa akin?" Balik ko sa kanya.
Nakita ko yung pagsusungit sa kanyang mata at yung pagpintig ng ugat sa sentido niya. Marahas niya akong binitawan at tiningnan ng masama.
"I want to talk to your Manager." Demand niya. "May CCTV naman siguro kayo dito 'no?" Sabay tingin sa may kisame ng shop.
Natigilan ako. Oo, may CCTV dito sa shop. Paano kung nakuhanan si kuya Eggy ng kinuha niya yung wallet nitong si Avery? Eh di makukulong siya? Paano na yung pamilya niya? Manganganak pa naman na yung asawa niya...
Nakita ko yung pag-arko ng kanyang kilay. "Afraid?" Tuya niya. "Kung hindi ka guilty, bakit para kang biglang kinabahan?"
Eksaherada akong napabuntong hininga. "Okay, ho ma'am." Nagbaba ako ng boses. "Nasa akin ho yung wallet niyo." Mahinang bigkas ko para di marinig ng ibang customer. "Pero sandali lang ho!" Pigil ko sa kanya ng akma siyang magagalit. "Pwedeng ano... sa ibang lugar tayo mag-usap?"
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomanceCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...