Chapter 13 Wobble

11.5K 755 152
                                    

"Love makes you do crazy things. Insane things. Things in a million years you'd never see yourself doing. But there you are doing it."


Cierra POV


"Do you, Cierra Marie Tilandoc, take, Avery Andjela San Miguel to be your lawfully wedded wife?"

Anong nangyayari? Gulong-gulong tanong ng aking isipan. Para lang akong namamaligno na nakamasid sa mga tao sa paligid.

I mean, hindi sila mga tao... mga estatwa ng mga Igorot. Hay naku, naloloka na ba ako? Diyos ko naman, ano bang nangyayari? Bakit hindi agad ako na-informed na ganito pala ang kahihinatnan ko sa buhay?

"Cierra." Mahinang sitsit sa akin ni Avery na pinandidilatan na ako ng mata.

Maang naman at parang naguguluhang napatingin ako sa kanya. "Ano?" Pabulong na tanong ko habang magkaharap kaming nakatayo sa harapan ng isang balbas saradong lalake na siguro nasa mid-fifties na ang edad.

"For the third time, I repeat." Awtomatikong nagbaling ako ng tingin sa may katandaan ng lalaking nagsalita. "Do you, Cierra Marie Tilandoc, take, Avery Andjela San Miguel, to be your lawfully wedded wife?" May kalakasan ng tanong niya na parang naiirita na.

Napatingin ako kay Avery. Wala sa loob na nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kaya ko nga ba siyang tanggapin bilang magiging asawa ko? May alinlangan sa mga matang nakipagtitigan ako sa kanya.

Napapikit siya at mukhang nagsisimula ng magalit. Namumula na kasi yong mga pisngi niya. Napalunok ako.

"Anak." Narinig kong mahinang untag sa akin ni inay na katabi si itay sa bandang likuran ko. "'Yong sagot mo."

Blangko ang ekspresyon sa kanyang mata ng nagmulat si Avery. Naramdaman ko din ang marahas niyang pagpisil sa mga kamay kong hawak niya. Napangiwi pa nga ako.

"I do, judge. I do!" Natarantang sagot ko.

Unti-unting niluwagan ni Avery ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko 'yong relief sa mukha ng judge na siyang nagkakasal sa amin. Pero yong sakit ng kamay ko talaga ang nangibabaw.

Aray naman! Ang salbahe talaga ng babaeng 'to! Mahinang himutok ko.

Isinuot ni Avery sa kaliwang palasingsingan daliri ko ang singsing at gano'n din ang ginawa ko pagkatapos.

"By the power vested in me, I now pronounce you... married." Sinelyuhan na niya ang aking kapalaran. "You may kiss now."

Bahagyang lumapit sa akin si Avery at bumaba ang kanyang mukha. Naglanding ang labi niya sa gilid ng labi ko. Ang bilis, wala pa yatang dalawang segundo.

Mabilis niyang binitawan ang kamay ko upang makipagkamay doon sa judge na nagkasal sa amin, bago lumapit sa aking mga magulang at nakipagkamay din. Wala siyang dalang witness. Mga magulang ko lang ang kasama namin.

"Pirmahan na lang ninyo 'to and pwede na kayong umuwi para makapag-honeymoon." Tukso ng judge.

Hindi man lang ngumingiti si Avery. Pinirmahan niya 'yong mga papeles at ibinigay sa akin ang sign pen pagkatapos para ako naman ang pipirma.

Isang simpleng kasulatan lang iyon na nagsasabing nakatali na kami sa isa't isa at nangangakong magsasama bilang mag-asawa, sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.

Sa mansiyon kami dumiretso pagkatapos. Nagpahanda pala siya ng simpleng pananghalian.

"Ang laki pala ng bahay ng mga San Miguel." Namamanghang bulong sa akin ni inay ng makapasok kami sa loob ng bahay.

Royal Blood Series - The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon