Chapter 2 New Victim

13.2K 655 63
                                    

"You wanna play the game?  It's like this: You play around, you have fun, you share secrets, you tell stories, you cry on each other's shoulders, you hold hands, you think about forever. But you don't fall in love. Because the first one who does, loses."


Cierra POV


Napapikit ako sabay langhap nung sariwa at may kalamigang simoy ng hangin dito sa labas ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at pinagmasdan ang abalang-abala na mga taong dumadaan sa kalsada. Kanya-kanya ng bitbit, kung hindi basket, akay-akay nila ang kanilang mga anak. May nakangiti, seryoso, at mayron ding parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Nandito ka lang pala."

Awtomatiko akong napalingon kay kuya Eggy na di ko namalayang nakalapit na pala sa kinatatayuan ko. Magkasama kaming dalawa dito na nagtatrabaho. Sa katunayan, siya pa nga ang nagpasok sa akin dito sa shop.

Ngumiti ako sa kanya ng bahagya. "Nagpupunas ako dito." Saka kunwaring bumalik na sa pagpupunas ng mga lamesa't upuan.

Napaarko yung kilay niya. "Sigurado ka?"

"Oo." Tugon ko.

"Okay." Kibit balikat niya saka tumalikod na. "Wag ka lang papahuli kay bossing, alam mo naman yun mainit ang dugo sayo." Pahabol pang sabi niya.

Natawa lang ako ng bahagya sa sinabi niya.

Yung boss naming babae ang tinutukoy niya. Pero ang tunay na may-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuan namin ni kuya Eggy ay si Mr. Cheng. Kaya mainit ang dugo sa akin ng kanyang asawa na si Pia dahil akala niya gusto kong agawin ang mister niya. Naman, buti sana kung kaguwapuhan yung asawa pero mas guwapo pa yata si Empoy sa kanya.

"Good morning ma'am. Welcome to Cheng's Coffee Shop." Sabay bahagyang yuko na bati ko sa babaeng unang customer namin ngayong umaga ng Miyerkules.

Ngumiti siya at binati din ako ng magandang umaga. Ang ganda niya. Para siyang isang modelo sa mga commercials na ipinapalabas sa tv. Nakasunod pa nga yung mga mata ko sa kanya habang papasok siya ng shop. Simple lang naman ang suot niya pero nag-uumapaw yung ganda niya. Kung hindi ako nagkakamali, kaedaran ko siguro siya. Yung mata niya talaga ang nagdala eh. Tsaka yung ngiti niyang parang nang-aakit.

"Excuse me." Aniya ng isang boses babae. Ngunit huli na, hindi na ako nakaiwas. Nakasunod pa rin kasi ang tingin ko dun sa babaeng kakapasok lang.

"Pasensya na ho hin---"

Hindi ko na natuloy pa ang anumang sasabihin ko dahil natigilan ako sa nakita ko. Napaawang yung mga labi ko't nanlalaki ang mga matang nakatingala sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Hindi lang siya simpleng nasa harapan ko, halos nakayakap na siya sa akin dahil sa pag-alalay niya sa akin kaninang nagkabungguan kami. Muntik na kasi akong matumba kaya napahawak siya sa beywang ko.

"Be careful next time." Seryosong sabi niya bago ako binitawan at nagmamadali ng pumasok sa loob ng shop.

Naiwan ako doon na nakatulala pa rin. Hindi lang dahil sa kagandahan niya kundi nung makita ko yung mata niyang kulay asul na wala man lang kaemo-emosyon.

"Ano yun? Pirata?" Untag sa akin ni kuya Eggy na nasa harapan ko na pala. "Hoy!" Pukaw niya sa atensyon ko.

"Ha?" Parang noon lang nagising na bigkas ko. "M-may sinasabi ka kuya?"

Napapalatak siya. "Sabi ko, bumalik ka na sa loob. May customer na tayo. Dalawang magagandang chicks. Pero nakakatakot yung isa. Yung may takip yung isang mata."

Royal Blood Series - The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon