"Love isn't love 'til it's given away."
Avery POV
"Yes, Seven. I'm prefectly fine."
Kausap ko sa nag-iisa kong pinsan habang nagbababad ako sa bathtub.
"Avery, if you need help, Sabine and I are always here to -"
"Seven -"
"Well, except that kind of help you've been asking me since the very first time we met." Makahulugang sabi niya.
Napaangat ang gilid ng aking labi pagkarinig ko sa sinabi niya. Yes, of course. I know what she meant. Ang tungkol sa offer ko sa kanya noon na maging tagapagmana ko.
"I don't think I'll be needing you anymore on that part." Prangkang sagot ko.
Eksaheradang napasinghap siya sa kabilang linya. I rolled eyes, thinking, nahawaan na ng kakulitan at pagiging isip bata ni Sabrina ang kanyang asawa.
"No way." Nahimigan ko ang pagkamangha sa kanyang boses.
"Uhuh." I even nodded my head twice.
"Buntis ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
I was about to answer her when I realized that we're not on the same page.
"Of course not, you stupid!" Mariing kontra ko. "Hindi ako pwedeng magbuntis. Not even in your wildest dreams."
"May nahanap kang bagong relative?" Panghuhula niya. "Anak ng papa mo sa labas?"
I rolled eyes. "Impossible!" Napapa-face palm na tanggi ko. "He would be a disgrace to this family if he had a mistress."
"Then what?" Naguguluhang tanong niya. "Bakit hindi mo na ako kinukulit maging heiress mo?"
"Because -"
She cuts me off with a loud, sharp intake of breath. "Huwag mong sasabihin sa akin na si Sabine ang gagawin mong tagapagmana?"
"Seven -" I let out a deep sigh. "You know what? Ang laki ng naging impluwensya sa'yo ni Sabrina. Grabe. Bilib na ako sa kangyarihang mayro'n siya over you." Napapailing na saad ko.
"Well," Parang proud pang wika niya. "Once na-in love ka, may mga bagay na kusa na lang nagbabago sa'yo. Kaya kapag ikaw na-in love... ulit, for sure, magbabago din ang mundo mo."
I laughed sarcastically. "Not gonna happen." Sure na sure na sagot ko. "Cause, I'm still in love with my wife."
"You mean, your dead wife." She emphasizes.
"And the reason why I'm not bothering you anymore to be my heiress because..." I paused, intentionally. "I'm married, and I'm going to have my -"
"You're married?!" Shocked na bulalas niya.
"Uhuh." Tugon ko.
"Since when?!" She asked. "Bakit hindi mo man lang kami inimbitahan ni Sabrina?"
"Hmm..." Napapaisip na nagkamot ako ng kilay. "Last week?" Patanong na sagot ko. "How could I? Nasa gitna kayo ng honeymoon ni Sabine!"
"Fuck you, Pirate!" Palatak niya sa kabilang linya. "Ang daya mo!"
"Hey!" Kontra ko. "Watch your language, dela Fuerte. Mas matanda pa rin ako sa'yo."
"Mas matanda ka lang sa akin ng ilang buwan, San Miguel. Kaya technically, magka-edad lang tayo." Mabilis na sagot niya.
"Urgh! Whatever!" I said back.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomanceCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...