"I'm not jealous. I'm territorial. Jealous is when you want something that's not yours. Territorial is protecting what's already yours."
Avery POV
Panay ang tingin ko sa suot kong relo habang abala pa rin sa pagpipirma ng mga papeles na kakabigay lang sa akin ni Amy.
"Is that all, Amy?" Tanong ko sa kanya ng matapos ko lahat pirmahan. Napapa-drums pa yong hawak kong signing pen na may logo ng DMC sa ibabaw ng lamesa.
"Yes, ma'am." Tugon niya.
"Alright." Mabilis kong binitawan yong ballpen at tumayo na. Kinuha ko yong blazer ko na nakalagay sa likod ng upuan. "I'm going home early." Hayag ko.
"H-hindi niyo na po ba hihintayin 'yong press na darating para po sa release ng statement ng DMC?" Takang tanong niya.
"Precy can handle that." Tugon ko saka nagmamadali ng lumabas ng opisina.
"Eh ma'am..." Nakangiwing nakasunod siya sa akin hanggang sa harapan ng elevator. Kipkip niya ang mga folders na naglalaman ng mga dokumentong pinirmahan ko kanina.
"And I trust you, Amy. I know you can handle it." At pinindot na ang close button ng elevator na ako lang ang pwedeng gumamit.
Muli akong napatingin sa aking relo. Past four in the afternoon na. Sana nandoon pa si Cierra sa coffee shop. Hindi ko mapigilang mapapalatak. Ayoko naman siyang tawagan, baka isipin pa niya napaka-importante niyang tao sa akin.
Nagmamadali ang mga hakbang na umibis ako mula sa elevator para tunguhin ang aking sasakyan. Agad akong pumasok sa loob, inandar ang makina at pinasibad na ang sasakyan palayo sa building ng DMC.
Basta ko na nga lang itinigil yong sasakyan sa harapan mismo ng coffee shop na pinagtatrabahuan ni Cierra. Buti na lang agad na nahagip ng mga mata ko yong lalaking kasama niya noong una kaming nagkausap.
"Hey," Tawag ko. Hindi man lang ako nilingon. "Hey, I'm talking to you."
Natigilan siya at nag-angat ng mukha. "Ah... kayo ho pala, ma'am." Sabay tanggal ng earphone sa tenga.
Kaya naman pala hindi ako naririnig. Napa-eye roll na sabi ko sa aking isipan.
"Where's Cierra?" Nakapameywang sa harapan niyang tanong ko. "Tawagin mo siya at sabihin mong nandito na ako." Hindi na ako nag-abala pang alamin man lang ang pangalan niya.
"Ho?" Nakakunot noong sambit niya. "Naku, ma'am. Naka-out na ho siya kanina pang alas kuwatro."
"I know, kaya nga nandito ako para sunduin siya." Pormal ang mukhang saad ko.
Napakamot siya sa batok. "Ang ibig ko hong sabihin, nakauwi na ho siya." Napapalatak ako sa sinabi niya. "May sumundo ho sa kanya kanina eh."
Awtomatiko akong nagbaling ng tingin sa kanya. "What?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko.
Napadiretso siya ng tayo na mukhang natakot sa akin. "A-ah... b-babae ho yata yong sumundo sa kanya. Blonde ang buhok, siguro kasing tangkad niyo din siya at... a-astig kung tumindig."
"Fuck!" Malakas na mura ko na ikinaigtad niya.
Sara!
Mabilis akong nagtungo sa nakaparada kong sasakyan.
"You're welcome ho!"
Narinig ko pang pahabol no'ng lalake bago ako nakapasok sa loob ng sasakyan. Muli ko itong pinaandar at pinasibad pauwi ng bahay. Magkasalubong ang kilay na nakatingin lang ako sa harapan.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomansaCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...