"Serendipity - luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for."
Avery POV
"A-ano?" Tigagal na tanong niya ng sinabi ko yung tungkol sa kung anong klaseng business deal yung iniaalok ko sa kanya. "Nahihibang ka na ba?"
"I'm not." Seryoso ang mukhang tugon ko. "Actually, I have think this over a hundred times."
Well, that's a lie. Abrupt ang decision kong 'to. This is the first time, to be honest. Ako yung klase ng taong hindi agad kumikilos ng hindi man lang napag-iisipan o napagpaplanuhan ito ng mabuti. Pero hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang yun naialok sa kanya.
"Ako ang magdadala ng magiging tagapagmana mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes." Siguradong-siguradong sagot ko.
Bigla siyang natawa ng malakas at napatayo mula sa kinauupuan. "Sabihin mo nga sa akin," Dumukwang siya sa lamesa ko at inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. "Nagda-drugs ka ba?" Nawewerduhang tanong niya. "Kakakilala lang natin tapos inaalok mo na agad akong maging asawa mo para lang dalhin ang magiging anak mo?"
Ako naman ang napangiti sa kanya ng mapakla. "Sa totoo lang, sayo ko lang 'to in-offer."
"So, dapat na akong matuwa?" She leaned back. "Gagawin mo pa akong babymaker!"
Napakunot noo ako. "That's not what I meant. I need an heir." Kontra ko. "Pabor din sayo 'tong offer ko. Yayaman ka pa nga dito. At hindi ka na ulit magnanakaw pa. I'll help you, you'll help me. It's a win-win situation."
Mataman niya akong tinitigan. Ilang segundo din na hindi siya nagsalita.
"Pwede ba akong magtanong sayo?" She asked.
"About what?" I replied.
"Napuntahan mo na ba lahat ng sulok ng bayan na 'to?" Tanong niya na mas lalong ikinakunot noo ko.
"I guess?" Not sure na sagot ko.
Napangiti siya, yung ngiting parang nadidismaya. "Sigurado ka?" Napailing siya. "Dahil kung talagang napuntahan mo na kahit ang kasuluksulokang bahagi ng San Miguel, makikita mo ang kalagayan ng iba na halos wala ng makain dahil sa hirap habang ikaw ang pinoproblema ay kung sinong magmamana ng lahat ng ari-arian at kayamanan mo." Nanunuyang litanya niya.
Ako naman ang hindi agad nakapagsalita at mataman siyang tinitigan. Napadiretso ako ng upo na hindi inaalis ang tingin sa kanyang mukha.
"Okay." Sabay tayong bigkas ko. "So what are you trying to say?" Naglakad ako ng mabagal paikot sa lamesa at nilapitan siya sa bandang harapan. Napasandal ako sa gilid ng lamesa paharap sa kanya saka napahalukipkip. "Gusto mong libutin ko ang buong bayan ng San Miguel para lang makita yang sinasabi mo?"
"Imposibleng magawa mo yan." Nanunuyang sagot niya.
"Correct!" I exclaimed. "Because I'm always busy running my own fucking life!"
"Busy sa pagpapayaman." Dugtong niya saka napapailing-iling.
"It's not my fault that I was born wealthy and they were not." I stated. "Hindi ko kasalanan kung mahirap sila at walang makain. Besides, yumayaman kami lalo because we keep on working and working! So ganun dapat ang gawin nila kung gusto din nilang umangat sa buhay!"
"Paano kung wala namang may gustong tumanggap sa kanila sa trabaho? Aber?" Katwiran niya. She's clearly into a debate mood.
Napailing ako. "Ba't di nila subukang maghanap?"
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomanceCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...