"My heart does not have a fallback, no plan B, no fail-safe, it's you or no one else."
Cierra POV
Wala na si Avery paggising ko kinabukasan. Maayos ng nakatupi at nakalapag sa ibabaw ng couch ang kumot na ginamit niya ng nagdaang gabi.
Bumangon na ako sa kama ng magising ang aking diwa at bumalik sa aking kuwarto para maligo. Day off ko ngayon, at wala akong maisip na gawin. Pero plano kong dalawin ang mga katribo ko at alamin ang kalagayan nila sa pinyahan ng mga San Miguel.
"Magandang umaga ho, ma'am." Bati sa akin ni aling Myrna ng makasalubong ko siya sa may hagdanan.
Natigilan ako sa pagbaba at siya naman sa pag-akyat sa itaas habang may dalang duster.
"Magandang umaga din ho, aling Myrna." Bati ko. "Si Avery ho, umalis na po ba siya?" Tanong ko.
"Ay naku hindi pa po, ma'am. Nasa museleo po siya, sa may likod ng bahay." Tugon niya.
"M-museleo?" Clueless na tanong ko.
"Opo." Tugon niya. "Sa museleo po kung saan nakalibing ang mga yumaong San Miguel, kasama na ang abo ni ma'am Cassidy."
"Abo ni Cassidy?!" Gulat na gulat na bulalas ko.
"Oho. Hindi niyo po ba alam na patay na siya, tatlong taon na ang nakakaraan?" Takang tanong niya.
"Ah... eh..." Napakamot ako sa aking ulo. Hindi ko naman masabi sa kanya na hindi ko alam, baka kasi iba ang isipin niya at ng iba pang kasambahay tungkol sa pagsasama namin ni Avery.
"Sige ho." Buti na lang at nagpaalam na din siya kaagad.
Naiwan akong shocked pa rin sa nalaman. Patay na pala si Cassidy? Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa naisip. Naalala ko na naman kasi 'yong panaginip ko kagabi.
Napapahaplos sa mga brasong nagpatuloy na ako sa pagbaba. Ngunit imbes na sa kusina ako tumuloy, nagpasya akong puntahan ang sinasabi nilang museleo. Hindi na ako nagtanong pa kung saan ito dahil tanaw ko mula dito sa gazebo ang likod ng isang matangkad na babaing nakasuot ng puting long sleeve polo na itinupi hanggang sa siko sa may di kalayuan.
Naglakad ako papalapit sa kanya. May nakita akong ligaw na bulaklak at walang pagdadalawang-isip na kinuha ito para ialay sa puntod.
Walang imik na tumabi ako kay Avery at inilapag ang pinitas kong bulaklak sa harapan ng lapida ng yumao niyang asawa. Umusal ako ng taimtim na dasal para sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa. Tahimik lang din naman si Avery sa aking tabi habang magkasiklop ang mga kamay sa kanyang harapan.
Napatingin ako sa kanyang gawi pagkatapos. Hindi ko makita ang ekspresyon sa kanyang mata dahil natatakpan ito ng dark sunglasses.
Inabot ko ang kanyang kamay upang hawakan ito at marahang pinisil. "I'm sorry." Mahinang sabi ko. "Sa mga nasabi ko tungkol sa..." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gamitin para tukuyin ang dati nitong asawa.
Yes, dati. Dahil ako na ang bago. Huwag siyang ano. Basta ako na ang bago kahit pa para sa kanya ay kabit lang ako.
"... kay Cassidy." Napili ko na lang na idugtong. "Hindi ko kasi alam na patay na pala siya." Dagdag ko pa. "Sorry talaga."
Hindi pa rin siya kumikibo pero sapat nang tugon ang pagbawi niya sa kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko bago tumalikod at iniwan ako doong mag-isa.
Malungkot na nakasunod ang tingin ko sa papalayong pigura niya. May kung anong bigat sa aking dibdib kapag nakikita ko siyang ganito. Muli akong nagbaling ng tingin sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan ni Cassidy, katabi ang puntod ng mga magulang ni Avery at dalawa pang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
Storie d'amoreCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...