"You made me so unbelievably happy at some times yet so unbelievably sad at others, and that's how I knew you were dangerous."
Cierra POV
"Hays..." Pabagsak akong naupo sa couch sa loob ng study room kung nasaan si Avery.
"Yes, Amy. Please send it to me right away." Pero nakakunot noong nakatingin sa akin habang nakikipag-usap sa Amy na ewan kung ano niya.
Napabuga ako ng hangin. Nakakapagod. Ang sakit sakit pa nong mga paa ko. Ilang oras din akong nakasuot ng mataas na heels! Ay grabe! Muntik na akong matumba kanina, kung hindi ako agad nakahawak do'n sa trainor ko, tiyak, bali na ngayon yong paa ko. Ang hirap palang maging mayaman! Punas pawis! Wew!
"What are you doing here?" Kunot noong tanong niya.
"Hmm?" Baling ko sa kanya. "Ako?" Sabay turo sa aking sarili.
Napa-eye roll siya habang prenteng nakaupo sa likuran ng mahaba at mamahaling lamesa. Para siyang isang Presidente kung makaupo doon. Ang dami ding papeles na maayos na nakasalansan sa ibabaw nito.
"May iba pa ba akong kausap?" Sarkastikong tugon niya na ikinalabi ko. "Ikaw lang naman ang pumasok ng walang paalam dito."
"Ang sungit mo talaga!" Ganti ko. "Gaano ba kapait yong ampalayang nakain mo?"
Nawala yong pagkakakunot noo niya at nag-isang linya na lang ang kanyang labi. Napangiwi ako sa loob-loob ko. Hindi kasi magandang senyales iyon.
"Sabi ko nga, lalabas na ako." Saka mabilis na tumayo pero para lang mapaupo sa sahig dahil biglang sumakit yong kanang binti ko. "Aray naman..." Daing ko.
"O?" Bigkas niya. "Ano pang inuupo-upo mo diyan? Akala ko ba lalabas ka na?"
Napairap ako sa kanya. Hindi man lang tinanong kung anong nangyari sa akin? Hmp! Kainis 'tong Avery na 'to. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?
"Nakikita mo na ngang masakit yong paa ko. Napaupo na ako dito't lahat wala ka pa ring concern sa akin diyan." Himutok ko.
Napaarko ang kanyang kilay. "Bakit? Kasalanan ko ba kung bakit ka napaupo diyan? Sino ba ang tanga sa ating dalawa?"
Ang sarap niyang- hmp! Kainis!
Kung sabihin ko kaya sa kanya na mas tanga siya dahil ako ang napili niyang magdala ng magiging anak niya? Alam naman niya kung ano yong history ko pero ako pa rin ang inalok niyang maging asawa... sa papel.
Oo. Sa papel lang. Na-explain na niya sa akin noon pa, bago ko tinanggap itong training na 'to. Magiging mag-asawa lang kami sa mata ng ibang tao, pero kapag kami na lang dalawa, wala. Parang wala kaming relasyon gano'n. Pagkatapos nga daw ng kasal, magkaiba kami ng tutulugan at magiging kuwarto. Hindi kami magtatabi, hindi kami mag-aano... basta yong gano'n! Yong ginagawa ng dalawang mag-asawa.
Haist... pero at least matutulungan niya yong mga kanayon ko. Hindi na ako mag-aalala pa kung may kakainin sila bukas o sa makalawa. May pagkukuhanan na sila ng pera at pangkabuhayan.
Napahawak ako sa arm rest ng couch at doon kumuha ng lakas para tumayo. Napangiwi ako ng maramdaman ko yong sakit ng paa ko. Sinubukan kong maglakad ng paunti-unti hanggang sa makarating ako sa pintuan. Isasara ko na lang sana yon ng makitang nakatingin pala sa akin si Avery.
"Hmp!" Inirapan ko nga!
Pabalang kong isinara yong pintuan. Naglakad ako ng mabagal patungo sa hagdan. Makauwi na nga lang.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomanceCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...