Chapter 14 Territorial

12.3K 766 167
                                    

"Love is a dangerous thing, it can be great and it can be awful. It might make or break your life. It could even change you as a person."


Cierra POV


Ilang ulit na akong nagpabaling-baling sa kama, gabing-gabi na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay yata ako dito sa mansiyon.

Haist... bigla kong na-miss sina inay at itay. 'Yong higahan ko... ang unan... isama mo na din ang huni ng mga butiki sa bahay na parang napapalatak.

Muli akong napabaling ng higa. Komportable naman ako sa napakalambot na kama at makapal na kumot. Di-aircon pa 'tong kuwarto, so dapat wala na akong hahanapin pa at dapat din himbing na ang tulog ko ngayon, pero hindi eh.

Nang hindi na ako makatiis, bumangon ako sa kama. Pinakiramdaman ko ang paligid kong may taong gising pa, pero mukhang wala na. Napasulyap ako sa digital clock sa lamesitang katabi ng aking kinahihigaan. Alas onse y media na ng gabi.

Bumaba ako ng kama at nakapaang naglakad sa gitna ng madilim na kuwarto. Gusto ko sanang lumabas kaso bigla akong nakaramdam ng takot. Paano kung may multo pala dito? Paano kung magmulto ang mga ninuno ni Avery? Ang mga sinaunang San Miguel dahil ayaw nila sa akin?

Inay ko po! Mahinang usal ko.

Nenenerbiyos na lumapit ako sa switch ng ilaw at binuksan iyon. Bahagya akong nakaramdam ng relief ng bumaha ang liwanag sa loob ng kuwarto.

Napalinga-linga ako sa pwede kong paglibangan. May laptop na nakalagay sa ibabaw ng study table. Pero wala akong balak gamitin 'yon. Hindi dahil sa hindi ako marunong gumamit, isa yon sa mga itinuro sa akin ng trainor ko, pero dahil sa wala pa akong social media accounts. Ni facebook wala ako eh.

Napatingin ako sa napakalaking flat tv screen sa dingding. Para na din akong nanonood sa sinehan kung sakali. Pero wala naman akong maisip na panoorin.

Bigla akong natigilan ng may marinig akong kaluskos sa kabila. Ngunit hindi ko na ulit iyon narinig.

Gising pa ba si Avery?

Maingat akong naglakad patungo sa dingding. Itinapat ko ang tainga ko sa pader para pakinggan at pakiramdaman kong gising pa ba si Avery sa kabilang kuwarto. Ngunit wala akong marinig na kaluskos.

O sadyang mahina lang ang pandinig ko.

Kaya mas lalo ko pang idinikit ang tainga ko, halos nakapaskil na ang mukha ko sa pader. Para na akong si Spider-man. Muli ko na namang narinig ang kaluskos sa kabilang kuwarto.

"Bakit gising pa ba ang babaing 'yon?" Bulong na tanong ko sa aking sarili. "Gabing-gabi na."

"At ikaw -"

"Ay kabayong bastos!" Gulat na gulat na bulalas ko ng bigla na lang magsalita si Avery mula sa likuran ko.

Nakakunot-noong Avery ang nalingunan ko. Nakabukas sa kanyang likuran ang pinto na nagkokonekta sa kuwarto ko at sa kuwarto niya. Hindi ko man lang namalayan ang kanyang pagpasok at ang pagbukas ng sliding door.

"Bakit gising ka pa?" Pormal ang mukhang tanong niya.

"Eh..." Napakamot ako sa ulo. "Hindi ako makatulog..."

Napaarko ang kanyang kilay. "At ano ang ginagawa mo diyan sa pader?"

"Nagpapraktis maging si Spider-man." Pilosopong sagot ko na mas lalong ikinapormal ng kanyang mukha. "Feeling ko kasi nakagat ako kanina ng super spider at nakuha ko ang powers niya."

Royal Blood Series - The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon