"Somewhere, far down, there was an itch in her heart. But she made it a point not to scratch it. She was afraid of what might come leaking out."
Avery POV
Cierra...
"Huh!" Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama.
Pawisan at habol ang hiningang napasuklay ako sa aking buhok. Napapikit ako habang nakasabunot sa buhok ko yung dalawa kong kamay. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang umeksena sa panaginip ko ang babaeng iyon. At ang masaklap pa, para siyang nang-aakit na nakangiti sa akin. And to my surprise, she's carrying a baby calling me mama!
Damn. That's the weirdest dream I have ever dreamed!
Napaangat ang gilid ng labing bumaba ako ng kama. Kinuha ko yung silk robe na hinubad ko ng nagdaang gabi. I glanced at the digital clock on my bedside table and it says it's just three-nineteen in the morning.
Nagpasya akong lumabas ng kuwarto at naglakad sa may kadilimang pasilyo. Ang ilaw na nagmumula sa lamp posts sa labas ang tanging liwanag sa dinadaanan ko. Kabisado ko naman itong bahay.
Natigilan ako ng mapadaan ako sa may portraits na nakasabit sa dingding bago bumaba ng hagdan. Napatingin ako dun, particularly sa portrait namin ni Cassidy.
Napabuntong-hininga ako. When was the last time I've been with a woman? Nah... I can't remember anymore. Since she died, nawala na din yata yung interest ko sa iba. Not until...
Napailing ako ng maalala ko yung panaginip ko. Napapikit ako saka huminga ng malalim ng ilang beses.
Saktong pagmulat ko ng mata, ang nakangiting mukha ni Cassy ang nabungaran ko. Malungkot na napatitig ako sa larawan.
I'm sorry. I silently whispered. I'm not interested in her, Cassy. As if naman makakasagot siya sa paliwanag ko. I miss you, my love. I wish you're still here with me.
I heaved a lonely sigh. Tumalikod na ako't nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan. Nakapaang naglakad ako sa madilim na hallway papuntang mini bar. I can't go back to sleep. I need something to ease my mind away from that dream.
Afraid? Tuya ng aking isipan.
No, I'm not afraid. I just don't want to go back to sleep and dream of her... again. Depensa ko sa loob-loob ko.
I don't know her personally and yet, her face... that beautiful face tattooed already on my mind. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang kanyang maamong mukha... ang kanyang mga mata na parang nanunuot sa kaibuturan ko, at ang kanyang tinig... na para bang pinapakalma ang isip at damdamin ko.
No, I'm not interested in her. Besides, she's a thief!
Kinuha ko yung isang bote ng bawas ng wine at sinalinan yung clear glass na inilapag ko sa may bar counter. Napapaisip na naupo ako sa mataas na stole. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay.
Ang laki-laki ng bahay ngunit mag-isa lang naman ako. Naisip ko tuloy yung kasabihang, Ang bahay mo ma'y bato kung ang nakatira naman ay kuwago, mabuti pa'ng isang kubo na ang laman ay tao. Pero definitely hindi ako maramot. Hindi rin naman ako matapobre, as far as I know. Yun nga lang kasi, parang nakakalungkot lang minsan tumira sa ganitong kalaking bahay ng wala ka namang kasama. You have no one to talk to, to share your day with... to love you and someone to take care of you. The reason why you want to wake up each day.
I need a baby... I need an heir. Pero sino naman ang papayag na dalhin sa kanyang sinapupunan ang magiging tagapagmana ko?
I know, maraming magkaka-interest lalo na dahil sa pera. At alam kong kahit ganito ang itsura ko ngayon, madami pa rin namang babaeng nagkakagusto sa akin. Pero wala sa kanila ang gusto kong magdala ng magiging anak ko.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomanceCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...