"You know quite well, deep within you, that there is only a single magic, single power, a single salvation... and that is called love."
Cierra POV
Kasisimula pa lang namin ni Avery bumiyahe paalis ng bahay ngunit parang pakiramdam ko ang tagal na naming nasa kalsada. Pareho kaming walang imik. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan. Para bang pareho kaming wala sa sarili at may kanya-kanyang tinatakbo ang isipan. Siya... hindi ko alam. Mukha naman siyang kalmado, pwera lang sa mga ugat na nag-uumigting dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa manibela at ang pumipintig-pintig na ugat sa kanyang sentido. At ako? Nasa halik na pinagsaluhan namin kanina at ang mas tumatak sa utak ko ay ang sinabi ng babae na ipinakilala niyang Sydney tungkol daw sa kanyang asawa.
Asawa? Siya ba 'yong babaing kasama niya sa portrait na nakasabit sa dingding? Pero nasaan na siya? Patay na ba?
"A-avery..." Wala sa loob na bigkas ko.
"What?" Parang wala din sa kanyang loob ng sumagot siya.
"S-sino ang tinutukoy no'ng babae kanina na nagngangalang Sydney na dating asawa mo daw?" Tanong ko.
Hindi siya kaagad sumagot. Nananatili lang ang kanyang tingin sa harapan.
"Cassidy." Malamig na tugon niya.
Napakunot-noo ako. "Ca-... sino?"
"Her name was Cassidy." Sagot niya na hindi pa rin tumitingin sa akin. "Ang pangalan ng babaing asawa ko."
Asawa ko.
'Yan ang term na ginamit niya. Take note, asawa niya. Hindi siya gumamit ng dating asawa.
"And Sydney's her twin sister." Walang kabuhay-buhay na patuloy niya.
"Asawa mo." Hindi 'yon tanong kung hindi pagkokompirma.
"Yes." Walang kagatol-gatol na sagot niya.
Natawa ako ng pagak. "So, ano mo ako?" Sarkastikong bitaw ko. "Kabit mo?" Hindi siya sumagot. "Bakit? Nasa'n ba 'yang Cassidy na 'yan? At tsaka bakit mo pa ako pinakasalan? Ah yeah... wala palang bisa 'yon." Paglilitanya ko. "Sino bang tangang mag-aakala na may bisa nga ang kasal natin? Pero ang papalabasin mo sa lahat, kasal tayo kahit hindi naman talaga." Napapalatak pa ako. "Gets ko na. Tsk. Ako pala 'yong tanga."
"Cierra, stop." Mahinang saway niya.
"Oo nga pala 'no, gagawin mo lang pala akong baby maker. Pasensya naman, nakalimutan ko."
"I said, stop." Mas may diin na ngayon ang kanyang tinig.
Ngunit parang walang naririnig na nagpatuloy pa rin ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagagalit ako sa kanya ngayon. Gusto ko siyang sumbatan, gusto ko siyang murahin, gusto ko siyang sipain palabas ng sasakyan.
"At 'yong Cassidy na tinutukoy mong asawa mo? Nasa'n na siya? Ayaw ka ba niyang bigyan ng anak? O iniwan ka na niya dahil sa napagod na siya sa pag-uugali mo -"
"I said, stop!"
Kasabay ng pagsigaw niya ay ang mariing pag-apak niya sa preno. Buti na lang at naka-seatbelt ako dahil kung hindi, lumipad na ako palabas ng kotse at malamang sa malamang, patay na ako o pag sinuswerte pa, nag-aagaw buhay na akong nakahandusay sa harapan ng sasakyan.
"Hindi ka ba marunong tumigil?!" Galit na sigaw niya. "Hindi mo ba alam kung kailan mo rerendahan 'yang bibig mo?!" Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. "Damn it! What should I expect from an uneducated person like you?!"
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomanceCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...