"Love is an endless mystery, because there is no reasonable cause to explain it."
Avery POV
"Bullshit!"
Malakas na mura ko sabay balibag nung hawak kong folder sa ibabaw ng lamesa. Napaigtad pa at mukhang kinabahan yung tatlong empleyadong nasa harapan ko.
"That's bullshit! Can someone explain to me why is it still a problem?" Kontrolado ang boses na tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan silang tatlo, nagtuturuan marahil kung sinong sasagot sa tanong ko. Alam nila kung paano ako magalit. At alam kong alam nila na ayaw nilang makita kung paano ako magalit.
"M-ma'am..." Nanginginig pa yata ang boses na sagot ni Archer, head ng Sales and Marketing Department ng DMC. "Simula kasi nung nag-leaked yung tungkol dun sa sirang laman nung batch four eight hundred na pineapple juice in can po natin nagsimula na din yung mga negative feedback tungkol sa other products po-"
"Then what were you doing?!" Sabay mabigat na inilapag ko yung dalawang kamay ko sa lamesa at bahagyang tumayo. "I thought you had it covered?!"
"Nai-release naman na po namin yung statement ng company tungkol doon ma'am." Tugon ni Precy na head ng Public Relation.
"Did you follow up after the press release?" Halos magsalubong na yung kilay ko. Natahimik na naman silang lahat saka nagtinginan. "Are you sure that you're doing your job efficiently and effectively?" I asked to no one in particular.
"Ma'am, we think naman po na ginawa namin lahat. Kaso lang po si... Mr. Melendez po kasi..." Nakangiwing sumbong ni Kisses, head ng Production Department.
"I don't care about Mr. Melendez! This is my company, this is my territory. So either you follow my rules or you resign!" Maawtoridad na sabi ko. Inis na inis talaga ako sa matandang yun. "This is my business, I am the President of this fucking company so it's me you follow, not him, not anybody, just me. Me and me only. Do you understand?" Sabay-sabay silang sumagot ng yes ma'am. "Now, get out and do your job." Saka ako pabagsak na naupo sa swivel chair.
Mabilis silang naglakad palabas ng opisina ko. Isang salita lang... isa lang, either susunod ka o itatapon kita palabas ng kompanya. Siguro nga minsan masyado akong istrikto, pero para din naman sa ikabubuti ng kompanya yung mga ginagawa ko. Kung maganda ang takbo ng kompanya, magiging maganda din ang kinabukasan nila bilang empleyado. They will be benefited.
Tunog ng message alert tone ng cellphone ko ang pumukaw sa aking atensyon. Mabilis ko iyong kinuha at tiningnan kung sino ang may lakas ng loob para i-text ako.
It's Sabine.
Natawa ako ng pagak at napailing-iling ng mabasa yung message niya. Ang kulit kulit talaga ng babaeng 'to. Sinabi niya na nakarating na daw siya sa Manila at ipinaalala pa niyang muli yung sorpresa niya para kay Seven sa nalalapit niyang graduation.
They look like a love-sick puppy. Si Sabine na nga ang gra-graduate, siya pa ang magbibigay ng napakagandang regalo para kay Seven. Hindi ba dapat yung isa?
Anyways, hindi sila ang problema ko ngayon, kaya dapat lang na iwaglit ko muna sila sa aking isipan. Saka ko na lang sila iintindihin pag sila naman ang nagka-problema, which I doubt kasi nga in love na in love sila sa isa't isa.
I was once in love... to my lovely wife, Cassidy. Pero simula noong mamatay siya wala na akong inibig pang iba. Hindi ko alam, wala akong mahanap na katulad niya. Yes, hindi perpekto yung naging pagsasama namin, pero mahal na mahal ko siya, which made everything perfect for me. Dinala niya sa kanyang hukay yung puso ko... kaya imposibleng umibig pa akong muli sa iba.

BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - The Mistress
RomansaCierra Marie Tilandoc is not your typical kind of girl. A handful young lady. Pero hindi naman matatawaran yung pagmamahal na meron siya para sa kanyang pamilya. May mga bagay na din siyang nagawa para lang sa kanila. Mga bagay na siguro mali man sa...