Chapter One

137 3 2
                                    

"Ako'y munting tinig,

May munting pangarap

Samyo ng bulaklak

Sa hanging malinis"

Masaya kong pinapanood ang mga estudyante ko sa Kinder na masiglang nagpa-practice ng kanilang group presentation sa nalalapit na Foundation Day ng private school kung saan ako nagtuturo.

Nakakatuwang pakinggan ang mga munting tinig na walang pakialam kahit na wala sila sa tono o hindi sila sabay-sabay sa pag-awit. Ang mahalaga sa kanila ay maawit nila ng may damamin ang awiting ilang araw na rin naming pina –practice.Buti na lang at madaling turuan ang mga ito.

"Dani, you're not listening to me."

Muntik na akong mapapitlag ng biglang magsalita ang kaibigan kong si Jheremie o JM na hindi ko namalayang nakaupo na pala sa leather couch ng school auditorium kung saan kami nagpa-practice.

Kasama ko rin siyang nagtuturo dito sa St. Ignatius International School. She's handling the High School Drama Club. Tapos na siguro ang practice ng mga ito kaya nandito na siya sa likod ko ng hindi ko namalayan.

Since high school ay magkaklase na kami. Hanggang college ay hindi rin kami naghiwalay ng school at kurso kaya naman ngayong naghahanapbuhay na kami ay hindi pa rin kami naghihiwalay. Pito talaga kaming magkakaibigan pero kaming dalawa lang ang hindi naghiwalay although may communication naman kaming lahat. Salamat kay modern technology!

"Hey, hindi ko namalayang andyan ka na pala. Kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya na sinagot naman niya ng irap. Well... that's her ultimate mannerism.

"Duh! Almost one hour na ako dito sa likod mo and hindi mo man lang ako napansin. I'm blabbering like an idiot here and you haven't paid me any attention." She replied with her maarteng boses.

Hindi ko na lang pinansin ang litanya niya. Sanay na ako sa kanya. She's always like that. Maarte. Kaya nga marami ang naiinis sa kanya na deadma lang naman din sa kanya.

"I'm sorry JM, sobrang engrossed lang ako sa ginagawa ko. Nakakahiya kasi kung papalpak ang presentation namin."

"Hay naku Dani, your handling the pre-elem. Natural na hindi sabay-sabay ang mga yan. Kapag sila nakapagsayaw at kumanta ng sabay-sabay doon ka kabahan. Hindi na sila bata noon. Robot na sila."

Nginitian ko na lang ang sinabi niya. May point naman siya. Wala pa naman talaga sa level of development ng mga batang ito ang magkasabay-sabay sa isang group activity. Pero kahit na ganoon, gusto ko pa ring maging maganda ang kalalabasan ng gagawing presentation ng mga chikiting ko.

"Last na practice na namin to, then idi-dismiss ko na sila." Wika ko sa kanya nang masulyapan ko ang oras sa wristwatch na suot niya.

"Yeah. Yeah. One hour nga napaghintay mo ako, ano pa yung ilang minuto."masungit pang sagot nito na ipinagkibit-balikat ko na lang. kabisado ko na ang ugali niya kaya naman wala naman na talagang epekto sa akin ang pag-iinarte niya.

After ng last practice namin para sa araw na ito, agad ko ng pinalinya ang mga bata para maihatid na sila sa labas ng labas ng auditorium kung saan naghihintay ang mga sundo ng mga bata. Nang masiguro kong lahat ng mga bata ay nasundo na, agad kong binalikan si JM na abala sa paglalaro ng Candy Crush sa cellphone niya.

"So, anong sasabihin mo sa akin at mukhang sobra kang excited? Hindi mo na ako nahintay sa classroom ko eh." agad ko siyang tinanong nang makaupo ako sa bakanteng couch sa tabi niya.

"OMG Dani, haven't you heard the news?" masiglang tanong nito at agad na binitiwan ang cellphone para harapin ako.

Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "News? What news? May increase tayo?"

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon