Chapter Sixteen

42 1 0
                                    

Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo sa lugar na iyon upang maputol ang titigan namin nang lalaking nanakit sa akin.

Nakita ko rin na mabilis itong tumakbo papunta sa direksyon namin pero mas mabilis ang may hawak ng kamay ko kaya naman bago pa ako maabutan ni Ricky ay naipasok na ako sa sasakyan ni Robyn.

Hilam na sa luha ang mga mata kong ayaw tumigil sa pagbuhos. Buti na alang at hindi naman ako pinapansin ng driver ni Robyn na tahimik lang na nakamasid sa kaganapan sa labas.

Hindi ko kayang tuminginsa labas.Masyado akong nasasaktan. Masakit na makita mong harap – harapan kang niloloko ng taong mahal mo.

Magkatext pa lang kmi kanina. Sabi niya busy siya, pero bakit nandito siya sa gitna nang strawberry farm at nakikipagharutan sa magandang babaeng yon? Ito ba ang tinatawag niyang business trip?

Gaano katagal na niya akong niloloko?

Natigil ako sa pag – iisip ng biglang bumukas ang pinto sa side ko. Akala ko si JM na at aalis na kami, pero laking gulat ko nang ang nag – aalalang mukha ni Ricky ang tumambad sa akin.

"Baby please, makinig ka sa akin. It's not what you think. Please let me explain." Puno nang pagsusumamo ang ekspresyon niya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko, ngunit agad kong iniwas ang mga kamay ko.

Mabilis kong pinahid ang mga luha sa aking mga mata. Ayokong makita niyang mahina ako.

"M-malinaw pa naman ang mga mata ko," pilit kong pinatatag ang boses ko. Pero ayaw ko siyang tingnan. Ayoko nang makita ang sinungaling na mga mata ng lalaking nanakit sa akin.

"It's not what you think. Please baby. Let me explain."

"Hindi ako bulag. Malinaw naman na ikaw talaga ang nakita ko. Para saan pa ang paliwanag mo?"

"Please baby, let me explain," sinubukan niya ulit hawakan ang kamay ko ngunit tinabig ko lang ulit.

"Sabi mo nasa business trip ka, that you're going to be busy. Was that a lie?" Hindi ko alam kung saan ako kumukuha nang lakas nang loob nang mga sandaling iyon para hindi ako umiyak at makapagsalita ng mahinahon.

Ang galing mong magpanggap self.

"No. That's not a lie. I'm here for a business trip. Nina is her father's representative that's why she's with me. Please baby, let's talk somewhere else. Yung tayong dalawa lang please." abo't abot ang pagsusumamo nito ngunit alam kong puro kasinungalingan rin lang naman ang maririnig ko.

"What's the difference nang nandito ang mga kaibigan ko o wala. Nakita rin naman nila ang panloloko mo sa akin. And ano ulit pangalan niya, Nina? She's your ex right? Or hindi naman pala. Maybe I'm just your past time." I almost choke at the last word.

That realization hit me. Siguro nga totoong past time lang niya ako sa San Ignacio at di naman talaga sila naghiwalay nang girlfirend niya.

"No Baby! You're wrong! Walang kami ni Nina. Matagal na kaming hiwalay. Please believe me."

"Yes, hiwalay na kayo, kaya nga ang sweet ninyong tingnan kanina. Paano pa kaya kung hindi mo ako nakita?"

"There's nothing between Nina and I, Baby. Please hear me out."

"I don't want to listen to your lies anymore Mr. Ledesma. Please stop calling me that stupid endearment. It doesn't suit me. The thing between us is over."

Muli niyang sinubukan na hawakan ang kamay ko, pero muli ko itong hinawi. Any moment ay alam kong babagsak na naman ang mga luha ko at ayokong makita ito ng lalaking dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Please, please Baby, don't say that. Please let me explain."

"Your time's up Mr. Ledesma. My friends and I need to go."

Tila nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang malamig na boses ni Ichiro sa labas. He's a liffe saver at thins moment.

"Please, Pre, I still need time to explain." muling pakiusap naman nito kay Ichiro.

"She already said no and she' exhausted. I don't wanna be rude but when she say it's over. Its. Over. So you should respect her decision, the way that I can still talk to you in a civil manner after the shitty scene that we have witness."

Usually ay pinapagalitan nila JM at Robyn itong si Ichiro kapag nagiging Mr. Ice King na naman, pero this time ay hindi nila ito binawal.

May sasabihin pa sana ito, ngunit natigil lang nang may kumapit sa braso niyang nakahawak sa pinto ng sasakyan.

"Honey, what's taking you so long? You're gonna pick me some strawberries pa di ba."

Muli kong naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko sa pagdating ni Nina na hindi pa nasiyahan ay kumapit pa sa baywang nito. Napansin ko ang pag - alis niya sa mga kamay na iyon na nakayakap sa kanya, ngunit mas humigpit pa ang kapit nang babaeng iyon.

"Yan, ganyang mga tuko ang nakakairita sa earth," hindi ko na namalayan na na nakasakay na pala ang mga kaibigan ko kung hindi ko pa narinig ang nagngingitngit na sa galit na boses ni JM.

Naramdaman ko na rin ang pag – andar ng sasakyan palayo sa lugar na iyon at nang muli ko silang sulyapan ay nakita kong si Ichiro na pasakay sa sariling sasakyan nito at ang nakalugmok na Mr. Ledesma sa lupa na dinadaluhan ng girlfriend nito.

Nakadama ako ng pagsisisi kung bakit pa ako lumingon sa kanila, dahil doon, hindi na mapigil ang pag-agos ng luha ko. Naramdaman ko na lang angpagyakap sa akin ni JM habang hinahayaan akong umiyak. Ganito pala kasakit ang masaktan ng taong minamahal mo.

I never had a taste of hard liquor until that night. I have never let alcohol take a hold on me until that night. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon