Chapter Eight

129 8 0
                                    

I am so freaking drained. Alas siyete na at katatapos lang mga tutorials ko na naobligahan akong kunin para magkaroon ng alibi para maiwasan si Ricky. Mabigat sa loob ko ang naging decision ko pero no choice ako. I need to save my friendship with JM.

I am planning to eat out with Misty after this kaya naman nagmamadali akong nagla-lock ng room only to freak out noong pagbiling ko patalikod ay ang maskuladong bulto ni Ricky ang makikita ko.

"Oh my - Muntik na akong atakihin sa puso!" reklamo ko sa kanya habang hawak ng dibdib kong naiwan yata ako sa sobrang kaba. Damn him! Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko!!!

Umangat lang ang kilay niya at tamad na napangiti.

"And you're giving me a heart ache. Done for tonight?" tanong niya habang nakapahalukipkip.

Shit. Anong heart ache pinagsasabi niya? Lalo pa yatang nagwala ang puso ko. Itong lalaking ito, ang daming alam. Nasa corridor kami at may mga iilan pang tao sa mga katabing classrooms ko na hindi pa tapos magtutor tapos sasabihin niyang I'm giving him a heart ache? Mamaya may makarinig sa kanya!

"Y-yeah. Pero may lakad pa ako." Hindi ko na talaga kayang salubungin ang kanyang mga tingin.

"Hindi ba ako pwedeng sumama?"

"Uhm.. sorry pero hindi pwede eh... Lakad ng barkada." Mas lalong hindi nila pwedeng makita na magkasama tayo, they will hate me for sure, piping paliwanag ng aking puso.

"I'll walk you to your car then," bigong wika niya at nauna ng maglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi ako sumabay para hindi makita na magkasama kami. Pwede naman kasing sabihin na nagkataon lang na one way ang pupuntahan namin.

Tahimik si Ricky habang naglalakad, pero napapansin ko ang pagbukas - sara ng kanyang kamao. I can tell that he's frustrated over something. Siguro dahil na rin sa wala na siyang nakakausap over the past few days. Ako lang kasi ang nag-iisa niyang kaibigan dito. Siguro bored na siya.

Pagdating sa parking lot, agad kong tinungo ang kulay puti kong kotse. Ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto ay naagaw na niya ang susi ko at sumandal sa mismong pinto.

"Pwede ba tayong mag-usap bago ka umalis?"

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Obviously, ito ang dahilan ng paghihintay at paghatid niya sa akin dito.

"Okay." Pumayag na ako. Wala na rin naman akong magagawa dahil hawak niya ang susi ng kotse ko.

"Care to tell me why you're avoiding me?" sa tonong ginamit niya, hindi ko na napigilan ang pangingilid ng aking mga luha. Mabilis akong pumikit para mapigilan ang tuluyang pagbagsak ng mga traydor kong luha.

Ayoko sana ng ganitong confrontation dahil masakit ito sa akin dahil sa maikling panahon ng pagkakaibigan namin ay lalo lang lumalim ang ugat ng nararamdaman ko para sa kanya na tanggap ko naman kung masasaktan ako sa huli. Pero ang marinig ang boses niyang para ding nasasaktan ay hindi ko kayang dalhin. Nabubuhay kasi sa dibdib ko ang pag-asa na alam ko namang imposible.

"Yun naman ang tama," mahina kong sagot. Sapat na para marinig niya, ngunit iniyuko ko na lang ang aking ulo. Ayokong makita niyang nasasaktan ako sa ginagawa ko. Ayokong magka idea siya sa kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Paanong naging tama yon? Iiwasan ko ako ng walang dahilan? Tell me may nagawa ba ako para bigla ka na lang umiwas?" sunud-sunod niyang tanong na humihiwa sa nasasaktan kong puso. Paano niya nasasabi yon ng parang wala lang sa kanya. Ako kasi sa bawat katagang binigkas niya, nabubuhay ang pag-asa sa puso ko. Pag-asa na may nararamdaman na rin siya para sa akin.

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon