Nakagawian na naming magkakaibigan na magkita-kita tuwing last Friday of the month para naman magkaroon kami ng bonding sessions kahit na busy na kami sa kani-kaniyang professions.
Like what I’ve said, pito kami sa grupo. Kami ni JM, si Ashley na isa ring teacher pero sa public school siya nagtuturo, sina Robyn at Ichiro na mga nurse, si Misty na isang veterinarian at si Aubrey na kasalukuyang nagta-trabaho sa ibang bansa. Kapag may ganitong get –together kami, kasama din namin si Aubrey though skype. Pero mamaya, absent daw siya dahil nag- overtime daw siya.
So ngayon, nandito kami sa bahay nila Ashley. Kami pa lang ni Dani ang naunang dumating. Maaga pa naman kaya tumulong na rin kami ni JM sa paghahanda ng hapunan. Maya-maya pa ay may huminto na ring sasakyan sa tapat ng bahay nila Ashley at maya-maya pa ay pumasok na sa loob sina Robyn at Misty.
“Muntik na kayong hindi makarating ah,” nakapamaywang na salubong sa kanila ni JM na kasalukuayang nag-aayos ng mga monoblock chairs sa terrace nila Ashley. Parang siya lag ang may-ari ng bahay.
“Sorry, dinaanan ko pa si Misty.” Paliwanag naman ni Robyn na naupo muna sa bakanteng silya.
“Kaya naman pala,” makahulugan kong wika sabay sulyap sa napikon agad na si Misty.
“Ayan na naman kayo ha…” parang naiiyak namang wika nito na nakuha agad ang ibig kong sabihin. “Oo na. Kasalanan ko na kung bakit nahuli si Robyn. Coding naman kasi ang sasakyan ko kaya nakihitch na lang ako.”
“Ay bakit may nagreact yata. May sinabi ka ba Dani?” nang-aasar pang hirit ni JM sabay kindat sa akin. Mamaya sigurado akong may iiyak na. Pero normal na lang sa amin ang ganitong asaran. Lagi ngang sinasabi ng mga parents namin kapag nakikita kaming ganito na para pa rin kaming mga high school kung umasta kahit mga propesyunal na.
“Wala naman. Ewan ko ba kung bakit may nag-react agad. Tinamaan siguro.” pakikisakay ko sa panunudyo ni JM na lalong ikinapikon ni Misty.
“Sige, pagtulungan ninyo ako. Yan naman ang lagging nakakapagsaya sa inyo eh. Ang nakikita akong naiiyak sa inis.” Madramang sagot ni Misty na lalo naming ikinatawa.Maging si Robyn na pinapanood lang kami kanina ay nakitawa na rin.
“Ang arte mo girl ha! Hindi bagay sa iyo. Ako lang ang naarte sa atin, kaya huwag mo akong agawan ng korona,” natatawang pambabara ni JM.
“Buti naman dumating pa kayo! Anong oras na?” naputol ang pag-aasaran nila ng biglang lumabas si Ashley dala ang pagkaing ihahain dito sa terrace. “Hulaan ko, may isang ale dyan na isang oras gumayak at pinaghintay ang sundo niya.”
“Hinuhulaan pa ba iyon Ashley?” natatawa tanong ni JM.
“Kahit kailan, napakabwisit mo JM,” reklamo na ni Misty.
“Thank you,” nakangisi namang sagot ni JM .Talagang nagtatagumpay na ito na pikunin si Misty.
Everytime na may get- together kaming magkakaibigan, pakiramdam ko ay bumabalik lang kami sa pagka high school namin. Itong bangayan nina JM at Misty, normal na ito. Lagi rin kasing nagkakaasaran ang dalawa noong high school lalo na noon sa mga choice of friends ni JM. Mahilig kasing bumarkada sa mga lalaki. Yun ang laging pinag-aawayan nila noon. Hindi nawala sa kanila yong parang aso’t pusa. Kaya hanggang ngayon, dala pa rin nila yun.
“Teka, nasaan si Ichiro?” putol ko sa pagtatalo ng dalawa ng mapansin kong wala ang nag-iisang lalaki sa grupo namin.
“Nasa Manila daw siya ngayon,” sagot ni Robyn. “Family matters.”
Nagkibit na lang kami ng balikat sa sinabi ni Robyn. For sure, ito naman ang ibu-bully ni JM sa susunod naming get together.
Nang lumabas na ang mama ni Ashley ay saka pa lang tumigil ang asaran. Tumulong na kami sa paghahanda ng pagkain para makapagsimula na kami dahil for sure mamaya lang ay may drinking session pa kami.
****
Tulad ng inaasahan hindi natapos sa kainan ang gabi namin. Nandito pa rin kami sa terrace nila Ashley at umiinom na sila. Yes, sila. Hindi naman kasi ako mahilig sa alak. Pero itong si JM ginagawa lang yatang tubig ang tequila. Siya na lang ang umiinom nun. San mig lights naman kasi ang iniinom nila Robyn at Ashley. Kaya hayun siya at medyo may tama na. hindi ko tuloy sigurado kung makakauwi kaming dalawa nito.
“So anong bago sa inyo ngayon?” maya-maya ay tanong ni Robyn.
“Wala namang bago sa buhay ko, kundi maraming trabaho. Grabe, napakaraming reports na ginagawa. And ang hirap magturo ngayon. Iba na kasi ang ugali ng mga bata,” sagot ni Ashley. Mukha lang umiinom ng alak itong si Ashley, pero napansin kong hindi pa nito nababawasan ang alak na nasa baso niya na kanina pa isinalin. Buti at hindi iyon napapansin ng iba naming kaibigan.
“Tama! Mas mabait pa rin tayo noong tayo ang nag-aaral ng high school,” pagsang-ayon ko sa sinabi ni Ashley.
“Akala ko nga noon tayo na ang pinakapasaway ng klase noon. Pero may tumalo sa atin!” dugtong pa ng lasing na si JM na mabilis ding sinang-ayunan ni Ashley. Parehas kasi silang high school ang tinuturuan kaya mas dama nila ang sinasabi nilang kaibahan. Mababait nman kasi ang mga kinder na tinuturuan ko.
“Nothing significant happens to me. As usual, bahay-clinic-bahay lang ako,” sagot naman ni Misty.
“Well, si Dani inlove na,” all of a sudden biglang humirit si JM na ikinagulat ko. Lasing na talaga.
Dahil dito inulan tuloy ako ng tanong ng mga kaibigan ko. Kasi naman si JM ang daldal. Akala ko secret lang namin itong dalawa, tapos siya pa nagsabi sa mga kaibigan ko.
“It’s not a big deal, crush lang,” sagot ko na lang na lalong nagpaalab ng curiousity nila.
“First time ever kong narinig na may crush ka, kaya big deal sa amin yon! Imagine twenty-five years na tayong lahat at ikaw ngayon ka pa lang nagka-crush! Teenager lang ang peg!” eksaheradong sagot ni Ashley na nagpalakas ng kantiyawan sa akin. Pahamak talaga itong si JM.
“Sige na, magkwento ka na tungkol kay Mr. Nice Guy mo hindi naman namin siya aagawin,” dagdag pa ni Misty.
“Paano kung maisipan mo daw agawin?” muling pambabara ni JM kay Misty na muling pinagsimulan ng tawanan.
“Hoy di hamak naman sigurong gwapo ng boyfriend ko sa crush ni Daniella,” defensive na sagot ni Misty.
“Paano mong nasabi? Nakita mo na ba si Mr.Nice Guy?” si Robyn naman ang nambara kay Misty na muling naging dahilan ng tawanan. There’s no dull moment kapag magkakasama kaming magkakaibigan.
“Hey, lumalayo na tayo sa usapan. Ganito na lang Dani, I describe mo na lang ang Mr. Nice Guy mo kung ayaw mong sabihin sa amin kung sino,” pananaway naman ni Ashley sa nagsisimula na namang asaran ng mga kaibigan namin.
“Okay, para sa ikatatahimik ng lahat idedescribe ko na,” sabi ko na lang nang matapos na ang usapan tungkol sa crush ko. So hayun at inulit ko na lang ang description na sinabi ko kay JM kanina. Mukha namang okay na sila sa naging sagot ko.
“Sabi ko sa inyo, parehas kami ng taste ni Dani sa lalaki. Yung Mr. Nice Guy niya ay parang si Ricky Ledesma lang,” dugtong pa ni JM na naghatid na naman ng guilt feeling sa akin.
“Hanggang ngayon ba ay pinagpapantasyahan mo pa rin ang anak ng may-ari ng school ninyo?” tanong naman ni Robyn kay JM. Well sa aming lahat, silang dalawa talaga ang pinaka mag bestfriend.
“Uh-huh,” maarteng sagot ng lasing ng si JM.
“Balita ko uuwi siya next week. Para daw sa Foundation Day ng SIIS.” Wika naman ni Misty. “Siya kasi ang bukambibig ng mga tao sa clinic kanina. Dami niyang fans dito sa atin.”
“Alam na ni JM yan,” singit ko. “Kaya nga nakipagbreak kay Dave yan, para daw magkaroon ng chance na mapansin siya ni Ricky.” Well.. laglagan na ito! naisip ko ng nakita kong napairap si JM sa gawi ko na sinagot ko naman ng kindat.
“Asa pa more JM,” natatawang kantiyaw ni Misty sa kanya. Nakakita na ito ng chance para makabawi kay JM. “As if naman na liligawan ka non.”
“Kalma lang kayo mga friendship, alam kong kami ang magiging end game ni Ricky. Napanaginipan ko na ang destiny ko sa kanya.” Mabilis namang bawi ni JM.
“In case you’ve forgotten, JM, every dream is the opposite of the reality, which means kabaligtaran yan. Huwag ka ng umasa!” mas lalo lumakas ang tawanan sa pambabara ni Robyn kay JM.
“Pero on the brighter side naman JM,” singit naman ni Misty “kung kayo talaga ang nakatadhana, kahit gaano kalaki ang hadlang sa inyo, kayo pa rin ang magkakatuluyan.”
Nagliwanag ang mukha ni JM sa sinabi ni Misty at nakangisi kaming nilingon. “Well, no offense meant Robyn, pero I’ll take it from the expert,” anito na tinapik pa sa balikat si Misty na lalo pang nagpalala sa tawanan.Sa aming lahat, si Misty ang mas may karanasan sa pakikipagrelasyon.
“So tiwala lang girls, may forever kami ni Ricky,” mayabang na wika ni JM na sabay sabay namin binara ng #WalangForever.
***
Asar akong bumaba sa kotse ni JM na siyang minamaneho ko na tumigil sa gitna ng kalsada. Mag-isa akong uuwi ngayon, dahil sinundo si JM ni Lester dahil may maliit yatang problema sa bahay nila. Ayaw pa sanang sumama ni JM ngunit sadyang makulit si Lester kaya naman napilitan na itong sumama. Iniwan niya sa akin ang susi ng kotse niya para daw may magamit ako pauwi dahil hindi naman along the way ang mga bahay namin.
Sa kasamaang palad, narito ako at stranded sa madilim na kalsada dahil na flat ang gulong. May spare tire naman sa compartment, ngunit hindi naman ako marunong magpalit.
Gusto kong tawagan ang mga kaibigan ko, ngunit wala naman signal ang cellphone ko dito. Kinakabahan na rin ako dahil madilim ang lugar na pinagtirikan ng kotse at walang nagdadaang mga sasakyan. Maliit lang ang crime rate dito sa San Ignacio ngunit natatakot akong dito ako magpalipas ng magdamag.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala ay sumabay na lang akong umuwi kina Lester at JM. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Takot na takot na ako. Napasulyap ako sa relo ko at nakita kong mag-aala una na pla ng madaling araw. Isang oras na rin ang nakalipas mula ng ma flat-an ako. Hindi pa mag-aalala nito sila mama dahil mas maaga pa ito kumpara sa mga nakakaraan naming get together ng mga kaibigan ko.
Ilang sandali pa ang lumipas, tahimik akong nagdarasal na sana ay may magdaan man lang sana na tutulong sa akin. Mababaliw na yata ako sa paghihintay dito. Wala na akong magawa kundi iiyak na alng ang frustration at takot ko.
What if walang dumating para tulungan ako? What if may bigla na lang sumulpot na rapist dito? What if may serial killer na palang gumagala dito sa bayan namin at bigla na lang akong atakihin?
Damn It! So many what ifs!
Mas lalo akong napahagulgol ng ma realize ko ang lahat ng mga possiblity na pwedeng mangyari sa akin ngayon. Napasubsob na lang ako sa steering wheel at umiyak ng umiyak.
Hindi ko alam kung gaano katagal ng akong umiiyak hanggang sa nagulat na lang ako ng marinig ang mahinang pagkatok sa bintana. Napaangat ako ng ulo. There’s someone outside the car. If he’s going to help me or not, hindi ko masabi. I am just freaking in fear right now.
Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa aking mga mata bago nilingon ang kung sino mang nasa labas.
My jaw dropped!
Oh.Em.Gee!!!
BINABASA MO ANG
Forever Friends Series 1: DANIELLA
RomanceWill I choose friendship over my heart's desire? My friend or the man I secretly love? Her happiness or mine?