Chapter Six

122 3 0
                                    


Alam ninyo yung kasabihang it comes when you least expect it?

Noong una hindi ako masyadong nanalig sa kasabihang yan. Hindi naman kasi masyadong significant ang mga nagiging kaganapan sa buhay ko. Same routine araw-araw. Bahay-school-bahay. Maswerte nang mangyari na magkaroon kami ng group date na magkakaibigan. Sobra naman kasing busy ang mga schedule namin.

Pero mula ng makilala ko si Ricky, isang linggo pa lang ang nakakalipas, lahat na ng unexpected na lahat! Ang smooth kong pamumuhay ay naging isang roller coaster ride!

Nagsimula ito that fateful midnight na tinulungan niya ako, then yung paglapit niya sa akin sa classroom ko na sinundan ng pakikipag-kaibigan niya sa akin. Nauwi pa ito sa paghahatid niya sa akin sa bahay namin at bago pa niya ako tuluyang umuwi ay nagpasama pa siyang kumain sa isang bagong bukas na restaurant sa kabilang bayan. Mula noon, nagsunud – sunod na ang lahat ng mga kaganapang nagpagulo sa dati ay tahimik kong mundo.

Kung siguro nasa ordinaryong sitwasyon lang ako ay magiging thankful ako. Ngunit dahil ang lalaking nag-offer sa akin ng pagkakaibigan ay ang lalaking minamahal ng kaibigan ko, hindi mawala sa akin ang guilt feeling.

Gusto ko sanang kausapin si JM tungkol dito para maunahan na ang mga maririnig niyang issue kung meron man, pero hindi kami madalas magkita sa school.Magkaiba kami ng department  dahil nasa high school siya at ako naman ay nasa pre-elem. Magkaiba rin kami ng building at oras ng break.

Bukod pa rito, madalas siyang sunduin ngayon ni Lester sa school kaya hanggang tanguan na lang kami. There’s nothing unusual naman dito dahil sanay na ako sa presence ni Lester sa buhay niya. High school pa lang kami ay magkaibigan na sila kaya there’ s nothing extraordinary sa ganoong scenario.

But then, hindi ko gusto na may inililihim ako sa kanya. Kahit pa sabihing may mabigat akong  rason para maglihim sa kanya. Pero talagang hindi mag-abot ang schedule namin ngayon. Sobra niyang busy. Well, marami rin naman akong trabaho sa school, pero hindi ako kasing busy niya.

Lunch break na lang sana ang pag-asa ko para malapitan siya, pero nalaman ko na lang na nasa seminar workshop pala siya sa Manila. Nag message pala siya sa akin sa messenger ngunit dahil hindi naman ako ganoon ka hook-up sa social media, hindi ko agad ito nabasa. Siya pala ang tumanggap sa 12-days seminar workshop na inayawan ng lahat dahil sa tagal.

Pagpasok na lang niya saka ko sa kanya sasabihin ang tungkol sa pagkakaibigan namin ni Ricky, pati na rin ang balak kong mapaglapit sila kahit na may girlfriend na ito. Baka magkapag-asa pa sila. Gusto ko ring ipaliwanag sa kanya ang lahat kung bakit ako napalapit lalo sa lalaking mahal niya.

Ilang araw matapos akong ihatid ni Lance pauwi, nagulat ako ng bigla akong ipatawag ni Mr. Ledesma sa office niya.This is the first time na nagyari ito kaya naman may naidagdag na naman ako sa unexpected list ko.

Kinakabahan akong nagtungo sa office niya dahil sa pag-aakala kong may reklamo sa akin or nakarating na sa kanya ang pagkakaibigan namin ng anak niyang may naiwang girlfriend sa Manila. Kaya naman nagulat ako ng isang ngiting-ngiting Mr. Ledesma ang nakita ko sa office.

Akala ko pagagalitan ako. Pero it turned out na pinasasalamatan daw niya ako sa pakikipagkaibigan ko sa anak niya. Imagine my surprise that day! Sabi pa niya ituloy ko lang daw ang ginagawa ko at huwag daw akong magbabago dahil for the first time ever daw ay napag-stay niya ang anak dito sa probinsya ng hindi apurang-apura sa pagbalik ng Manila.

Well hindi naman pala nagsisinungaling si Ricky noong sinabi niya sa aking hindi talaga siya nagtatagal dito dahil sa boredom. No wonder tuwang - tuwa ang Daddy niya ngayon. Pero siyempre sinabi ko rin kay Mr. Ledesma na hindi naman maganda na makikita kami ni Ricky na laging magkasama since may girlfriend si Ricky at baka masabi pa akong naninira ng relasyon. Sinabi naman niyang siya na raw ang bahala.

Pinakiusapan din niya akong isikreto ang pinag-usapan namin. Alam kasi niyang kaibigan ko si JM at plano ko talagang sabihin sa kanya ang pinag-usapan namin ni Mr. Ledesma para na rin ma-clear ang aking konsiyensya, pero ngayong pinakiusapan niya ako, no choice kundi ilihim na talaga ang pagkakaibigan namin ng binata.

After that meeting, nagulat na lang ako ng biglang nagtext sa akin si Ricky at sinabing susunduin niya ako sa café malapit sa school, hindi katulad noon na bigla na lang siyang susulpot sa harapan ko tuwing naghihintay ako ng jeep pauwi. This time, bago ang gamit na kotse at heavily tinted ang salamin.

Hindi na ako nagtanong kung bakit ganito, ngunit naisip kong baka pinagsabihan siya ng Daddy nito. Mula noon, mas madalas ko na siyang makasama. Susunduin niya ako sa school, roadtrip at food trip sa kabilang bayan (dahil ayokong may makakita sa aming magkasama sa San Ignacio).

Sa kabila nito, hindi ko pa rin siya ipinapakilala sa mga magulang ko. Hindi ko siya pinababa pagkahatid sa akin. Lagi ko namang sinasabi kina Mama na may lakad ang barkada or nag-overtime ako sa school kapag ginagabi na ako ng uwi.

They won’t approve my friendship with Ricky.  Lalo na’t may girlfriend itong si Ricky. Hindi naman din nila maintindihan kahit pa sabihin kong pinakiusapan lang ako ng may-ari ng school to continue my friendship with his son. Although on my side alam kong may personal reason ako sa pagpayag.

Hindi man maging kami, at least naging part siya ng buhay ko. Masaya na akong maambunan ng pagtingin niya. Ng atensyon niya, kahit panandalian lang. I may sound selfish or desperate, pero I want him to be a part of my life. Painful… but it’s gonna be all worth it. This is my last resort. My last card and I’m gonna go all in.

***

“Ate may sundo ka. Lalaki. Mukhang mayaman. Ricky daw ang pangalan.”

Natigilan ako sa pagsusuklay ng hanggang balikat kong buhok nang marinig ko ang sinabi sa akin ng nakababatang kapatid kong si Elaine. Sabay kaming magco-commute papasok. Siya ay sa University bago makarating ng SIIS kung saan siya nag-aaral ng Nursing, at ako naman ay sa school.

Agad akong kinabahan. Anong ginagawa niya dito? Buti na lang at lumuwas kaninang madaling-araw pa-Manila ang mga parents namin. Pero bakit siya nandito?!

“Inutusan ako ni Dad na ihatid si Mom sa church. So it’s kinda early and malapit lang sa inyo, kaya I’ve decided na magpaka good boy na ng tuluyan at sunduin na kita para hindi ka na mag-commute.” Paliwanag nito ng sitahin ko siya. Buti na lang at maaga pa talaga so wala pang gaanong tao sa kalsada ng subdivision kung saan kami nakatira. Hindi naman siya bumaba ng driver’s seat. Ibinaba lang niya ang salamin sa front seat.

“Hindi mo naman na ako kailangang sunduin pa. Sana dumiretso ka na lang pauwi at si Mr. Ledesma na lang sana ang sinundo mo.” Hindi ko mapigilang hindi magtaray. Paano naman kasi, umiiwas nga ako sa tsismis tapos bigla siyang susulpot dito sa bahay. Worst, nagpakilala pa siya sa kapatid ko.

“Ito naman ang aga ang sungit.” Kantiyaw naman nito na binalewala ang pagsusungit ko. “Nakagayak ka naman na, so hop in. Hatid na kita.”

“Hindi pwede, kasabay ko kapatid ko.” Tanggi ko pa rin habang nililingon ang loob ng bahay namin. Any moment ay lalabas na si Elaine at makikita pa nito ang pagkukulitan namin. Ang kulit kasi ng lalaking ito eh!

“Hindi problema yon, ihahatid ko na kayong dalawa.” Pangungulit pa rin nito na ikinaiirita ko na. Kapag kaming  dalawa ay na-tsismis, sasakalin ko talaga siya kahit anak pa siya ng may-ari ng school kung saan ako nagta-trabaho!

“Ate, alis na tayo. Mahirap makasakay ngayon ng jeep. May transport strike daw.” Nagmamadaling wika ni Elaine habang nakatingin sa cellphone. Doon siguro nito nakuha ang balita tungkol sa transport strike. Nagulat pa ito ng pag-angat ng tingin ay nakitang may kausap pa ako.

“See, mahihirapan kayong makasakay ngayon. So pumayag ka nang ihatid ko kayo.” Ngiting-ngiti na ngayong wika ni Ricky. Tila nakakuha ng magandang pagkakataon para mapapayag ako.

“You don’t have to do this,” pinandilatan ko na siya ng mata hoping for him to get my message na ayoko talaga pero sadyang napakakulit niya!!!

“Hay naku ate huwag ka ng mag-inarte pa. Kung ikaw hindi natatakot ma-late, ako oo. May Exam kami ngayon sa major subject at terror ang teacher namin,” nakapairap na wika ng kapatid ko at dire-diretso na nitong binuksan ang backseat ng sasakyan ni Ricky at sumakay ng walang pag-aalinlangan!

Nalaglag ang panga ko sa ginawa ni Elaine. Grabe hindi man lang nahiya. Parang nakakuha ng driver sa inasta. Samantalang ang magaling na Ricky ay natawa lang naman.

“Makatawa ka dyan.” Irap ko sa kanya.

“Well, what are you waiting for?”pambubuska nito. “May exam ang kapatid mo and time is running fast. So, tatayo ka na lang dyan? By the way, thank you Dani’s sis.” baling pa nito sa kapatid kong prenteng-prente yata ang pagkakaupo sa likod.

“My name’s Elaine and I know who you are. Lahat na yata ng mga prof kong babae at lahat na halos ng babae sa school ay ikaw ang laman ng usapan,” sagot naman ni Elaine sa kanya na tinawanan lang ulit niya, bago lumingon sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. (Dalawa dahil hindi ko kaya ang isa lang.)  See naniwala ka na sa aking sikat ka!

“Ate!” sigaw ng mabait kong kapatid, “late na ako!”

Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa front seat sa tabi niya. Ngiting-ngiti naman ito na akala mo nanalo sa lotto na sinasagot ko naman  ng irap.

Wala namang pakialam sa amin ang kapatid ko. Seryoso talaga sa pag-aaral. Inirapan ko na lang din ang pahamak kong kapatid. Mamaya ka sa akin!

Una niyang hinatid si Elaine sa university kung saan ito pumapasok bago ako hinatid sa SIIS. Hindi na ako nagpahatid sa loob ng school dahil baka may makakita naman sa akin na bumaba sa kotse nito, since gamit niya yung kotseng madalas niyang gamitin kapag nagpupunta sa school.

“Same time, same place mamaya,” aniya bago ako tuluyang makababa. Tinutukoy niya ang café kung kung saan niya ako madalas sinusundo.

“Sige. Text na lang. And thanks for the ride,” mabilis kong sagot bago nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Nagbusina lang siya ng minsan ng makababa na ako saka nag-drive palayo sa school.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pang gaanong tao sa harap ng school. Wala ring nakapansin sa pagbaba ko sa sasakyan ng heart throb nila. Masigla akong pumasok sa loob after maipakita ang ID sa guard on duty.

Kaunti pa lang ang pumapasok dahil na rin siguro sa transport strike. Iilan nga lang ang nakita naming mga PUJ na nagpapasada kanina. Besides maaga pa talaga. Pero natigilan ako ng makita ang pamilyar na blue car sa parking lot.

Well, JM’s back.


***

Sinadya kong puntahan si JM sa auditorium kung saan nagpa-practice ang Drama club ng isang musical show para sa Cultural Night. Bahagi ito ng Month long celebration ng Foundation day ng SIIS at yun ang magsisilbing katapusan ng nasabing pagdiriwang.

Hindi naman kasi naka-focus lang sa puro activities ang Foundation Day ng school. Every Friday lang ang mga activities na related dito like, poster making contest, slogan, essay writing at kung anu-ano pa. Ang naunang program na ginawa namin ay pinaka opening pa lang at ang cultural night na ang pinaka-finale. Mas special kasi ang celebration ngayon dahil 20th year anniversary ito ng SIIS. Kaya rin siguro nagtagal dito sa Ricky.

Ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayang mag-iisang buwan na pala kaming magkaibigan ni Ricky na walang nakakaalam.

Big event ang Cultural Night para sa Drama Club kaya naman kahit kagagaling lang sa seminar ay sabak agad si JM sa rehearsals. Twelve days siyang nawala at hindi nasubaybayan ang mga naunang rehearsals ng club niya kaya heto at mukhang mag-oovertime pa ito.

“Hey, akala ko nagustuhan mo ng maging Manila girl,” bati ko sa kanya ng makita niya akong papalapit sa kanya. Agad naman niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Nakahinga ako ng maluwag… wala pa siyang alam o nababalitaan man lang.

“Namiss kitang bruha ka!” masayang wika nito ng bumitiw sa yakapan namin. “Kung alam mo lang kung gaano ako nabored sa seminar na yun. Tapos, hindi ko pa masyadong nafi-feel ang kama ko, heto at may cultural night presentation pa kaming hahatawin” reklamo pa niya  at muling binalingan ng tingin ang mga batang nasa stage at umaarte. “Ryan, darling, mali ang blocking mo!”

This is not the good time to tell her, naisip ko. Halata na sa mukha ng kaibigan ko ang exhaustion at stress.

“Napakabusy mo naman,” bati ko sa kanya. “buti at hindi ka pa nai-stress niyan.”

“Sino bang maysabi sa iyo. Grabe.Sobrang drain na ang energy ko. Paano pa ako magugustuhan ni Ricky my loves kung haggard na haggard ako?” reklamo naman niya at muli namang nabuhay ang guilt sa dibdib ko sa binanggit niyang pangalan. “Blessing in disguise na rin siguro na hindi pa kami nagkikita ulit after noong incident sa parking lot. Baka mapagkamalan na nya akong nanay niya ngayon!”

Tumawa siya sa sarili niyang biro at nakitawa na rin ako. Pati yata ako ay gumagaling na ring umarte. Hindi niya dapat mahalata na may itinatago akong sikreto sa kanya. Hindi ko kayang saktan ang kaibigan ko.

“After ng cultural night magli-leave ako. Vacation leave. Nagpaalam na ako sa father – in – law ko.” Natawa ako sa sinabi niya. Father – in – law talaga?

“San ka pupunta?” tanong ko ng rumehistro na sa akin ang sinabi niya.

“Tagaytay. Sasama ako kay Lester.”umangat ang mga kilay ko sa sinabi niya. “Hoy makatingin ka, para kang sina mama.” Reklamo naman niya ng mapansin ang tinging binigay ko sa kanya.

“Kayo lang?”

“Hindi no. Natural kasama family niya. Ayaw ding pumayag ng mga parents niya na kami lang ang aalis.” Paliwanag niya na muling binalingan ang mga bata sa stage. “Leslie, pakibagalan ang pagdeliver ng lines ng hindi ka mabulol!”

“Buti na naman pala kung ganoon. Akala ko kayong dalawa lang.” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

“Sus, pati ba naman ikaw ganoon din mag-isip,” natatawang baling niya sa akin. “As if naman wala kayong tiwala sa amin ni Lester.”

“Hindi mo naman kami masisisi no. Babae ka. Lalaki siya.”

“At magkaibigan kami. Yun lang yun,” dugtong niya sa sinasabi ko. “Hanggang doon na lang yon. We’re just platonic you know.”

“Platonic ka dyan.” Kontra ko naman.

“You’re sounding like Mama,” naiiling niyang pahayag. “Isipin ko lang na ako at si Lester… a thing…. Gross!” maarteng wika niya na napangiwi pa. “Besides, may girlfriend yung tao,” mas lalong nalukot ang mukha niya ng banggitin ang girlfriend ni Lester. Matagal na kasing hindi magkasundo ang mga yon. Selos din ang dahilan.

“That makes it more complicated. May girlfriend si Lester.”

“So,” nakaangat ang isang kilay niyang tanong sa akin. “Para sa kalaaman ng chakang yun, bata pa lang ako, kaibigan ko na ang boyfriend niya. Kaya wag nga siyang parang asawa na pagbabawalan si Lester sa pagkakaibigan namin.Duh! ilang buwan pa lang sila. Kami, more than ten years ng magkaibigan.”

“Kasama ba siya sa vacation ninyo sa Tagaytay?”

“Nope. May trabaho siya. Hindi pinayagang mag – leave.”

“Eh di lalo lang yong magseselos sa inyo ni Lester.” Naiiling na lang ako. Hindi naman ako mananalo sa tigas ng ulo ng kaibigan ko.

“Duh! Wag nga siyang mag-inarte. Kanyang- kanya si Lester. Hindi ko naman inaagaw sa kanya ang panget na yun.” Reklamo nito. Talagang nawawala siya sa poise kapag pinapasok sa usapan si Carla.

“Hindi nga ba,” pang-aasar ko pang lalo sa kanya. Madali lang ding pikunin ang isang ito eh. Banggitin mo lang ang ang girlfriend ni Lester.

“Excuse me Daniella Geronimo. Ang puso ko ay inilaan ko na kay Ricky Ledesma. Planado ko na ang future ko sa kanya. Kasal. Wedding gown. Kung ano ang ipapangalan ko sa magiging anak namin at kung anong kurso ang ipapakuha sa kanila sa college. Kaya huwag makainarte ang Carla na yan na para bang aagawin ko si Lester sa kanya dahil matagal na akong nakahanda bilang Jheremie Alfonso – Ledesma! Hinihintay ko na lang na manligaw siya sa akin!”

Hindi naman para sa akin ang litanya ng kaibigan ko, pero bakit parang sinalo ko lahat ng sakit. Damn guilt feelings. Kung nakakamatay lang siguro ito kanina pa ako bumulagta sa harap ng kaibigan ko. Paano ko ba iapapaliwanag ang sitwasyon ko sa kanya? Napabuntong-hininga na lang ako. Pwede bang kainin na lang ako ng lupa?

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon