Absent sa sumunod na get together si JM dahil nasa Tagaytay ito. Right after ng Cultural Night ay umalis na sila ni Lester. Five days daw sila doon, sabi niya sa amin kaya naman for the first time ay namiss nito ang pagkikita nilang magkakaibigan.
"Who would want to make a bet?" ngingisi-ngising tanong sa amin ni Ichiro, ang muse sa grupo namin, habang nag-iinuman na sila. Ako? Heto nakikipulutan. Masarap kasi ang mga inihandang Japanese food na inihanda ni Ichiro na siyang host namin ngayon.
"Anong bet?" nanghahamong tanong ni Robyn.
"It's easy. 5k, pagbalik ni JM from her vacation, sila na nung bestfriend niya." Natawa kami sa sinabi niya. Palibhasa walang mabully ngayong gabi sa amin, kaya yung wala naman sa harapan namin ang dinadamay.
"Ichiro ang salbahe mo!" sigaw ni Ashley na binato ang binata ng isang balot ng chichiria. "Malaman ni JM yan, lagot ka doon."
Tinawanan lang ni Ichiro ang ginawa sa kanya ni Ashley. Kinuha lang nito ang chichiria at binuksan.
"What? You actually believed that they are just friends? What a load of bull –
"Stop it Ichiro." Putol ni Robyn sa sinasabi niya. "Hayaan mo na lang ang dalawa. Mainam ngang malayo muna sila dito para sila maka-realize ng feelings nila sa isa't isa. Kapag nandito at kasama natin, ang showbiz ng sagot eh... Duh! We're just friends! Kahit lasingin mo ganun pa rin ang dialog. Duh!"
Lalong lumakas ang tawanan nila ng gayahin ni Robyn ang infamous line ni JM pati na rin ang maarteng boses nito.
Pero ako nangunot ang noo ko sa sinasabi nila. Ano ba yung sinasabi nila? Anong feelings? Bakit nila pinagpapares ang dalawa? Itong sina Robyn at Ichiro ang laging kasama ni JM sa mga gimik kaya silang tatlo ay may sariling mundo na hindi namin masakyan.
"Hoy kayong dalawa ha, tigilan nga ninyo yang sinasabi ninyo. Hindi ba kayo kinikilabutan dyan? Lester and JM? Hindi ko ma-imagine! Saka di ba yung anak ng may-ari ng school ninyo ang pinagpapantasyahan ng babaeng yon? Paanong magiging sila ni Lester?" si Misty na ang nag-voice out ng katanungan sa isip ko.
"Kaya nga tayo magbe-bet... it's just a friendly bet lang naman. Eh di kung hindi sila magkakatuluyan eh di mas maganda kasi you'll win an easy money. 5k baby," balewalang sagot ni Ichiro.
"Hindi maganda yan," kontra ko. "Magagalit si JM."
"Knowing her? I bet not," natatawang sagot ni Robyn. "Gugulpihin lang niya ang promotor."
"Sige game ako! Hindi mangyayari ang sinasabi mo!" mabilis na sagot ng tatawa-tawang si Ashley.
"Ang bilis mo yatang nag-bet," natatawa ko ring tanong sa kanya.
"Si Ichiro naman pala ang gugulpihin, so no harm done. May 5k ka na pag nanalo nakaganti pa tayo sa pang-aalaska sa atin ni Ichiro mula kanina." Paliwanag nita na nagpaugong sa tawanan.
"JM's not here but I am being bullied by you girls," iiling-iling na wika ni Ichiro."So deal yan, Ash ha."
"Sure win ako dito," natatawang wika ni Misty na nakisali na rin sa pustahan.
"And why is that?" angat ang isang kilay na tanong ni Ichiro.
"Nakausap ko si Mr. Ledesma noong dinala niya sa clinic ang alaga niyang dalmatian. Inilalakad ko na si JM sa future father –in-law niya."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Misty ngunit agad ko ring inayos ang sarili ko. So our friend is also helping her. Seryoso na talaga si JM sa plano niya.
BINABASA MO ANG
Forever Friends Series 1: DANIELLA
RomanceWill I choose friendship over my heart's desire? My friend or the man I secretly love? Her happiness or mine?