Chapter Five

120 4 0
                                    

"Good afternoon, Teacher Daniella."

"Good after-" muntik na akong mapatakbo papuntang CR ng room ko ng lingunin ko ang taong bumati sa aking likod. It's Ricky Ledesma! Agad akong tumingin sa likod niya, sa gawi ng pinto upang tingnan kung may mga nagdaraan bang mga parents or teachers. It's not a usual scenario to see a freaking RICKY LEDESMA inside a classroom talking to an ordinary teacher.

Usually kapag siya ang nasa school, nasa office lang siya ng daddy niya at kanya-kanyang alibi ang mga gustong makakita sa kanya sa office... be it a parent or a member of the faculty and staff.

Pero ngayong narito siya sa classroom ko, sa harap ko, in flesh and blood...it's gonna be intriguing!

Kung bakit kasi naisipan ko pang pumunta dito sa classroom ko sa gitna ng Foundation Day Program na kasalukuyang nagaganap sa school auditorium. Sabagay, sino ba naman kasi ang mag-aakala na may Ricky Ledesma na bigla na lang susulpot sa likuran ko.

"Nagulat na naman ba kita?" nakangiti nitong tanong nang mapansin ang pagkabigla ko.

"Y-yeah!" mabilis kong tugon ng makabawi sa pagkabigla. I need to pull myself together. Ayokong makahalata siya, lalo na ngayong may dinadala pa akong guilt feeling para sa kaibigan ko sa pagkikita namin the other night.

"Sorry, kanina pa kasi kita hinahanap mula ng dumating ako dito. Kaya nang makita kita kaninang palabas sa auditorium, sumunod na agad ako sa iyo. Hindi na lang kita tinawag kasi baka ma-awkward ka." Paliwanag nito habang sinusuyod ng tingin ang loob ng classroom.

Bigla na namang naging abnormal ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Tama ang kutob ko, ako nga ang hinahanap niya kay JM. Pero bakit?

"Uhmmm... B-Bakit mo ako hinahanap?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ni hindi naman kami close. I mean, yes tinulungan niya ako pero ni hindi naman kami nagkaroon ng mahabang pag-uusap or nagpalitan man lang ng pangalan or numbers.

"Well, I just wanna make sure na safe kang nakauwi. Hindi ko na kasi nakuha ung number to check on you."

Pakiramdam ko, lalong nahulog ang loob ko sa kanya matapos niyang magpaliwanag. He is really a gentleman. Napakaswerte naman ng girlfriend niya kasi napaka-caring niya. That thought brings back the pain I am keeping inside.

"I-I'm here in one piece... so... obviously... I'm okay." lihim kong pinagagalitan ang sarili ko dahil sa pag-stammer. Lagi na lang bang ganito kapag magkausap kami? As if may next time pa.

Hinila ko rin ang teacher's chair ko na nasa gawing likod ng classroom para maibigay ko sa kanya dahil hindi siya magkakasya sa maliit na upuan ng mga kinder pupils ko. Ngunit bago ko iyon tuluyang mabuhat at maibigay sa kanya, agad na niya itong kinuha sa akin upang siya ang magbuhat. Such a gentleman.

"I can see that," sagot niya bago naupo, ako naman ay naupo sa isang monobloc chair na upuan ng aid ko. "By the way, congrats sa performance ng mga pupils mo. They were really cute," tukoy niya sa katatapos lang na performance ng mga bata ko.

"Thanks. I'm glad na nagustuhan mo." Nakangiti kong tugon na pilit pinapakalma ang sarili.

"Who wouldn't appreciate them? They look cute and maayos naman ang presentation nila. They look like little angels. God thing hindi ako naupo sa tabi ni Mom. I'm sure hahanapan na ako nun ng apo." Natatawa niyang paliwanag.

So that explains why hindi ko siya nakita sa tabi ng parents niya sa front seat. Akala ko hindi siya nanood. Siya kasi ang agad na hinanap ng mga mata ko kanina noong tawagin ako upang ipakilala ang klase namin.

"A-akala ko hindi ka nanood," sumulyap ako sa gawi ng pinto. Nag-aalala ako dahil baka may makakita sa amin dito. Although magkalayo ang mga upuan namin at nag-uusap lang naman kami, pero ang tsismis ay tsismis. Isa ko pang ipinapalanalangin ay sana hindi maisipan ni JM na hanapin ako or puntahan ako dito. Magagalit yun kapag nakita niyang kasama ko ang lalaking mahal niya. Kabisado ko na siya and I wouldn't want to be on her bad side dahil alam kong friendship over talaga ang mangyayari sa amin.

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon