Chapter Twelve

83 9 0
                                    

"I can't believe na mag-asawa na ang mag bestfriend na yan!"  Natutuwang komento ni Misty matapos magpalitan ng I Do sina JM at Lester sa harap ng Mayor namin.

Simpleng civil wedding na ginanap dito sa Rancho Hernandez ang naging kasal ng dalawa. Intimate din dahil konti lang ang bisita. Ilang kamag-anak at malalapit na kaibigan lang.

Maganda naman ang kinalabasan ng preparations ng kasal, from the venue to the food, kahit na medyo naging apurahan ang paghahanda dito.

Pero hindi maikakaila ang pagiging matamlay ng mismong bride. Naka long gown na kulay white si JM na may suot pang white flower crown. Si Lester naman ay naka white long sleeves na tinupi hanggang siko at itim na slacks. They look good together, kaso ang mga ngiti ni JM ay hindi umaabot sa mga mata nito.

Hindi ko alam kung ako lang ba sa aming magkakaibigan ang nakapansin nito dahil sa sobra sikang natutuwa para sa aming kaibigan na "nahanap na ang forever nito".

Tiningnan ko si Robyn na kasalukuyang tinitingnan ang mga kuha ng camera ni Ichiro. Wala din kasing kibo ang bff ni JM. Ni hindi nagkokomento sa mga sinasabi ng iba pa naming kaibigan. Siguro ay may alam ito.

"Sino ba naman kasi ang mag-aakala na after ng ilang taong pagiging magkaibigan ng mga yan, sila pala ng end game," pagsang-ayon naman ni Ashley.

"Parehas lang na in-denial yan." Mabilis namang kontra ni Ichiro na walang ginawa kundi ang kuhanan ng picture ang dalawang bagong kasal gamit ang camera nito. Dinaig pa ang official photograher nila.  

"They both felt it long time ago but they both resist it. So what according to the law of magnetism, opposite attracts... So there! They are the living proof of that! And I'm 10 thousand richer to you ladies. Sure win di ba!"

Nag-ingay ang table namin ng muling ipaalala ni Ichiro ang naging pustahan nila  noon about JM and Lester.  Buti na lang hindi ako sumali.

"Sabagay tama ka dyan, Ichiro." Seryosong wika ni Ashley ng lumipas ang tawanan pero ang mga mata ay nagniningning at tila ba may naiisip na kalokohan. Lalo na at tumingin pa ito sa amin ng katabi kong si Ricky.

Invited din ang mga parents ni Ricky sa kasal ni JM being our boss. Isa pa nga sa mga witness si Mr. Ledesma. Pero sa table namin nakiupo si Ricky. Sa tabi ko. Kaya naman siguradong ang dami ng naglalaro sa isip ng magagaling kong kaibigan. Parang hindi alam ang status naming dalawa.

"Hindi ko gusto ang tingin mo sa akin Ashley."

"Sus itong si Dani ang defensive!" Natatawang komento naman ni Misty.

"Oo nga Misty. Ewan ko ba sa kaibigan natin. Wala pa naman akong sinasabi." Natatawa pang pagsang-ayon ni Ashley dito.

"Kabisado na daw niya kayo mag - isip," natatawang komento ni Ichiro na muling bumalik sa pagkuha ng mga pictures.

Napairap lang si Misty sa sinabi nito at natawa lang si Ashley. Sa aming magkakaibigan siya lang ang hyper.

"Dapat Ichiro nag prisinta ka bilang official photographer ng dalawa tutal wala ka namang ginawa mula kanina kundi ang kuhanan sila ng picture." Ganting pambubuska ni Misty dito.

"No thanks. My professional fee is so expensive. I know that Lester can pay for it but I know JM will get into my skin to do it for free. So I'm saving myself from agony. Besides, the photos that I'm taking are intended for blackmailing her! Bwahaha!"

Muling nag-ingay sa table namin dahil kay Ichiro. Well, true friends are the ones who will bully you, kaya sanay na sa kakulitan ng bawat isa.

"Hey, ang tahimik mo," puna ko kay Ricky na nakikisabay sa tawanan ng aming grupo.

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon