Chapter Fourteen

41 3 0
                                    

Hindi man lang nagulat ang mga kaibigan ko ng sabihin kong sinagot ko na si Ricky. Ang mga reaksyon pa nila, parang ako na kang ang hindi nakakaalam.

"It's about time na umamin na kayo at tumigil sa paglalaro ng taguan ng feelings. Masyado kayong pa-showbiz. Tama nang si JM na lang ang denial queen sa atin, pwede ba? " Ito pa ang sinagot sa akin ni Misty.

Simula noon, mas naging magaan na ang pakiramdam ko. Dahil siguro nawala na ang worry sa akin na baka may masabi silang hindi maganda sa akin.

Tinanggap naman ako ng mga magulang ni Ricky ng buong puso. Masyado pa naman ang kaba ko noong ipinakilala niya ako sa mga magulang niya bilang girlfriend.

Ngunit ng nakangiti akong niyakap ni Mrs. Ledesma ay nawala lahat ng kaba ko. Magaan naman ang loob sa akin ni Mr. Ledesma kahit noon pa, kaso ibang usapan na may relasyon na kami ngayon ng anak niya, kaya hindi rin nawala sa akin ang kaba.

Sa ngayon, maayos naman ang takbo ng lahat. Normal na senaryo na sa aming eskwelahan ang pagdating ng  bulaklak at iba't - ibang regalo mula kay Ricky, lalo na kapag nasa Manila ito.

Sa takbo ng sitwasyon, hindi ba masama na sumugal ako.

Ricky proved to be the man he is known for. Caring, gentleman, and loving. He really is the nicest guy in the world.

"Hey, sorry kung wala ako bukas ha," malungkot na wika ni Ricky habamg ka Facetime ko siya. Nasa Manila siya ngayon dahil sa business nila at mahigit dalawang linggo na siyang hindi nakakauwi dito.

Bukas ay pupunta ang faculty and staff ng St. Ignatius sa isang kilalang beach resort sa Pangasinan para sa annual year end rest and recreation ng aming school. Isa ito sa incentives ni Mr. Ledesma sa kanyang mga staff kaya naman madami ang nagtatagal na empleyado sa mag-asawa. Kahit na hindi lumipat sa public school ay well compensated naman kami.

"Ano ka ba, okay lang yun. Hindi naman obligado na nandun ka." pambabara ko naman sa kanya. Isa sa nakilala kong trait nito at ang pagiging pikon nito. Madali itong maasar over some petty things.

Well... The great Ricky Ledesma has flaws after all!

"Iba na ang usapan ngayon. Wala pa akong girlfriend noon sa St. Ignatius. Now that i have you,  I need to be with you. That's my obligation."

"Awww... Ang sweet naman ng boyfriend ko," hindi maitago ang kilig sa boses ko sa sinabi niya. Ang swerte ko talaga sa kanya.

"How I wish I could be there." malungkot pa rin ang boses nito. "Don't you dare wear a two-piece bikini there! I swear, I will find out if you do."

Muntik ko ng maibuga sa Ipad ko ang kaiinom ko pa lang na kape.

"What!?! Bikini? Seryoso ka?" natatawa kong tanong sa kanya. "I can't imagine myself wearing that. Rashguard ang dala ko. Rashguard!"

"Mainam ng sigurado Miss Daniella." he replied smugly. "Wala ako dyan to look after you, so you should protect yourself."

"Sabihin mo magseselos ka lang." hindi ko maiwasang hindi siya tudyuin. Kitang-kita ko sa screen ng Ipad ko ang mukha niyang namumula na sa pagkapikon.

"I'm warning you, Daniella. I will have somebody to spy on you. Do something stupid and yayayain ko na sila Daddy na mamanhikan sa inyo."

Hindi ko na mapigilang matawa sa sinabi niya. Sa tulad naming dalawang buwan pa lang na magkarelasyon, masyadong mabilis na ang sinasabi niyang pamamanhikan. Ni wala pa nga sa isip ko ang pagpapakasal!

Sa nakikita ko kay JM, parang stressful ang maikasal. Nawala na kasi amg glow ng dating masayahin kong kaibigan. Parang laging problemado. Pero mukha namang okay lang sila ni Lester. Hatid- sundo pa nga siya sa school at hindi rin naman mahigpit sa kanya ang asawa. Madalas pa nga silang mag-night out nila Robyn at Ichiro.

Those three have that special kind of bond at iisa lang ang trip sa buhay kaya naman lagi silang magkakasama. Ang problema, hindi ko alam kung napapansin ba nila ang mali kay JM. Sana lang ay nagsasabi sa kanila si JM.

I tried confronting her, pero ayos lang daw siya. Ako pa ang nasabihang morbid mag-isip.

"Hey, baby you're spacing out."

Muling nagbalik ng aking isipan sa kasalukuyan ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni Ricky.

"I was just joking about that pamamanhikan thing. I know that you're not yet ready for that."

"Masyado ka kasing mabilis," reklamo ko naman sa kanya at hindi na binago ang iniisip niyang dahilan ng pagkatulala ko. Maybe JM's right. She's really okay and  nagiging paranoid lang ako.

"Told you I was just joking. But seriously, you take care tomorrow."

"Yes, baby ko," nakangiti kong sagot. "Huwag mo akong alalahanin bukas. Matagal na kaming nag-a-outing and kasama ko naman si JM saka amg mga parents mo. Saka hindi naman ako bad girl."

"I know. I'm just being a paranoid bastard here. Don't mind me. I just miss you so much."

"Namimiss naman din kita. Kaso mas importante ang trabaho mo dyan. Saka ikaw ang mag behave dyan. Sabi sa akin ng kuya ni Robyn madaming magagandang babae sa office ninyo." hindi ko mapigilang mapasimangot sa alalahaning iyon.

Sa pagkakaalam ko kasi ay investor ang pamilya nila Robyn sa negosyo nila Ricky kaya naman kilala nila ang pamilya nito. One time ay biniro ako ng kuya ni Robyn tungkol sa mga babaeng nakapaligid kay Ricky sa office nito. Alam kong biro lang yon pero hindi ko mapigilang makadama ng insecurity.

"Huwag mo silang isipin. And don't feel threaten by them. They're not you. They don't own my heart. And they won't get it even if they try. I left my heart in San Ignacio. Iniwan ko na ito sa iyo. Hindi na nila maagaw."

Ilang minuto akong hindi nakasagot sa sinabi niya. Jusko! Kung nakakamatay ang kilig, kanina pa ako bumagsak dito.

"Naku, ang bulaklak ng labi ng mamang ito..." pilit kong itinatago ang kilig sa boses ko namg makuha ko ng magsalita.

"Kinilig ka ba?" nang- aasar pa ang boses ng lalaking ito.

"Nakakainis ka! Ang dami mong alam! Matutulog na nga ako. Maaga ang alis namin bukas. O sinasadya mong puyatin ako para tanghaliin ako ng bangon bukas?"

Natawa lang si Ricky sa akusasyon ko. Parang tama nga ang hinala ko.

"Akala ko hindi mo mahahalata," pag-amin pa nito habang sa pagitan ng pagtawa nito. "Sige na, I'll let you sleep na. Enjoy your vacation baby. Good night."

"Good night. Wag ka ng mag-overtime. Tulog ka na rin."

"Yes po baby ko. I love you."

Ilang minuto pa kaming nagkulitan bago tuluyang naputol ang video call namin.

I slept with a smile ony lips. Having him as my loving boyfriend is more than enough. Right now I feel like I'm the luckiest girl in the world.

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon