Chapter Nine

104 8 0
                                    

The photo went viral!

Actually wala namang makikitang malaswa sa picture. Magkatapat lang kami sa upuan at parehas na nakatawa dahil sa pinag-uusapan namin. Kaya naman nagulat ako kung gaano kalawak ang imagination ng mga tao dahil ang daming kwentong pinalabas sa simpleng litratong iyon!

Lahat na yata ng mga taga San Ignacio ay pinag-uusapan na ako. Maging ang mga kasamahan ko ay laging nakaangat ang kilay at nakasimangot tuwing makikita ko. May kasama pang mga parinig. Iilan lang ang may mga malawak na pang-unawa na walang nagbago sa pakitungo sa akin.

Kahit mga magulang ko ay nagalit sa akin. Ipinaliwanag ko naman ang side ko pero hindi pa rin nawala ang galit nila. Ngayon lang kasi ako na-involve sa isang malaking tsismis. Sabi pa nila, napakapangit sa propesyon ko ang ganoong usapan.

Sa kabila nito, nanatili naman sa tabi ko ang mga kaibigan ko. That night the photo was posted, agad silang nagtungo sa café kung saan kami nagkita ni Misty. Hindi sila galit pero concerned sila sa naging post ni JM. Hindi rin kasi nila ito ma-contact.

Pinuntahan nila Robyn si JM sa bahay nito sa pag-aakalang nakauwi na ito mula sa pagbabakasyon, ngunit sabi ng mama nito ay nag- extend daw ng bakasyon ang pamilya ni Lester kaya malamang ay mag – extend din ang vacation leave ni JM.

The day after, pinatawag ako ni Mr. Ledesma sa office niya. Akala ko ay pagagalitan ako, pero nakahinga ako ng maluwag ng makita siyang nakangiti ng pumasok ako. He then apologized sa nangyari, blaming himself for what had happened.

Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari. Sinabi ko ring wala namang masama sa hiniling niya at hindi naman ako masyadong apektado kahit na sobra akong nasaktan sa kinahinatnan nito sa aming magkaibigan. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya iyon.

Kinamusta ko pa si Ricky sa kanya kaya nalaman kong lumuwas na pala ito ng Manila that night na nagtalo kami. Hindi ko naman maintidihan ang aking sarili kung bakit ako nasaktan sa aking nalaman. Pero hindi ko naman siya masisisi. I pushed him away kaya wala akong karapatang mag-inarte!

That same day, nagpatawag ng general assembly si Mr. Ledesma. Narinig ko pa ang usap-usapang nagdiriwang ang mga kasamahan kong galit sa akin dahil akala nila ay tatanggalin na ako sa school dahil sa nangyari. Kaya naman laking gulat nila ng marinig ang paliwanag ni Mr. Ledesma. He explained everything. Yung favor na hiningi niya sa akin at kung ano ang magandang naidulot noon sa kanilang pamilya.

Sa gulat ng mga kasamahan ko, nanghingi pa ng public apology sa akin si Mr. Ledesma sa nangyaring gulo, kahit na hindi naman na ito kailangan dahil sa nagkausap na kami.

As the days passed, humupa na ang tsismis, pero ang mga taong nakalunok yata ng ilang kaing na ampalaya ay ayaw tumigil. Hindi ko naman na sila pinapansin dahil mas concern ako sa iniisip ng aking kaibigan na nasaktan ko.

Mag – iisang linggo na ang nakalipas mula ng magkaroon ng tsismis pero hindi pa rin ito nagpaparamdam and I'm dying of guilt right now. I am blaming myself sa nangyari sa kanya dahil nasaktan ko siya.

"May pinagdadaanan lang si JM kaya hindi nagpaparamdam." Ito ang sabi sa akin ni  Robyn ng minsang tawagan ko siya, isang gabing gumagawa ako ng instructional materials para sa klase ko kinabukasan. Gusto kong makibalita man lang kung kumusta na bang talaga ang aming kaibigan at si Robyn ang makakasagot noon dahil bestfriends silang dalawa.

"Is she mad at me?"

"Bakit naman siya magagalit sa iyo?" natatawa namang sagot ni Robyn na pinagtakhan ko na lang.

"Nabasa mo naman yung post niya di ba," paalala ko pa sa kanya. Baka nakalimutan niya ang tungkol sa post ni JM.

"Huwag mong intindihin yun Dani. Maraming issues sa buhay si JM ngayon. She'll never get mad at you. Believe me. Matindi lang talaga ang pinagdadaanan niya ngayon. Sasabihin niya sa inyo yun pag ready na siya. Bigyan muna natin siya ng space."

Forever Friends Series 1: DANIELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon