Today is a big day in St. Ignatius International School. Foundation Day na at lahat at abala sa gagawing presentation ng bawat klase. Naayusan na ang mga estudyante ko at naghihintay na lang sa backstage pero nai-stress ako!
Kasi naman itong si JM hanggang ngayon wala pa. Kaya naman nagkakagulo ang mga members ng Drama Club. Si JM ang adviser at director ng gagawing stage play ng mga ito ngunit wala pa siya!
Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko. Naayusan na at lahat ang mga members niya pero siya wala pa rin. Ilang saglit na lang ay magsisimula na ang program, pero no show pa rin siya.
Hindi ko naman alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil hindi naman kami nagkausap noong isoli ko ang kotse noong Sabado dahil wala siya sa bahay noon. Iniwan ko na lang ang sasakyan at susi sa kapatid niya.
Pero hindi naman ang tulad ni JM ang mang-iiwan sa ere kaya alam kong may dahilan naman ito kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ito. Pero NAKAKATENSE at NAKAKASTRESS lang talaga. Lalo pa’t hindi ko naman alam kung ano pa ang kulang sa gagawing presentation ng Club nila. Idagdag mo pa ang mga batang hawak niya na walang tigil sa katatanong sa akin.Maging sila ay sobrang nerbyos na rin.
“Oh my ghad Dani, Hindi ka maniniwala sa ikukuwento ko sa iyo!”
I heaved a sigh of relief ng marinig ko ang maarteng boses ni JM na siyang pumasok sa pinto ng backstage. She’s finally here. Hurray! (Note the sarcasm.)
Narinig ko naman ang pagbubunyi ng mga members ng Darama club sa biglang pagsulpot ng magandang adviser nila. Aba nakalimutan bigla ang presence ko, samantalang kaninang wala pa ang kaibigan ko ay abot ang pang-i-stress sa akin ng mga pasaway na ito. Ngayon ko talaga masasabi kay Ashley na I feel you sa lagi niyang sinasabing nakaka stress na ugali ng mga kabataan ngayon.
“Mabuti naman at dumating ka na. Ilang minuto na lang magsisimula na ang program. Tinatawagan ka namin ayaw mo namang sumagot. Kanina pa ako kinukulit ng mga bata mo,” masungit kong wika sa kanya habang niyayakap siya ng mga bata niya.
“I’m so sorry Dani, pero may nangyari kasi kaya ako na-late,” apologetic namang wika ni JM ng makawala na siya sa group hug nila ng mga club memebers. Mas nabuhayan na ng dugo ang mga ito ng makita ang kaibigan ko.
Hinila niya ako palao sa mga bata, papunta sa isang sulok ng backstage saka nagpaliwanag.
“Si Dave kasi,” panimula niya. “pinasok ako sa loob ng bahay. Kinorner niya ako at ayaw paalisin ng bahay namin hangga’t hindi ko raw siya kinakausap. Wala kasi sila mama kaya malakas ang loob gumawa ng ganung eksena.”
“Dapat kasi noon mo pa siya hinarap. Tingnan mo kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip na gawin sa iyo. Mamaya niyan kidnapin ka na niya at hindi pakawalan hangga’t hindi mo siya pinapakasalan.,” pangaral ko na lang sa kanya. Base kasi sa nakitang ugali ni Dave noong sila pa ng kaibigan ko, may idea na ako kung hanggang saan ang kayang gawin ng binata sa kaibigan ko.
“Ang morbid mo namang mag-isip Dani,” natatawa lang na sagot ni JM. Akala siguro nagbibiro ako. Isa pa itong pasaway! “Saka wala na kaming dapat pang pag-usapan ni Dave. Hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong gawin sa akin yung sinasabi mo, kung meron man talaga siyang balak, kasi andito naman lagi si Lester.”
Noon ko lang napansin ang binatang nakatayo doon sa may pinto at nakapahalukipkip na nagmamasid sa loob. I smiled at him ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Hindi na rin siya iba sa amin dahil high school pa lang kami ay lagi na siyang kasama ni JM.
“Hi Lester,” bati ko sa kanya.”Buti naman at lagi kang nandyan sa tuwing kailangan ng kaibigan ko ng bodyguard.”
“No choice,” sagot naman ni Lester na ikinasimangot ni JM. “Kung makikita mo lang sana kung gaano kadesperado ang ex niya para lang makausap siya. Kung hindi ako nagawi sa kanila kanina, malamang na-rape na yan.”
“Huwag ka ngang OA Lester!”agad namang kontra ng nakasimangot na si JM.
“Buti at free ka. Hindi ka ba naabala sa trabaho mo kapag kailangan ng pasaway kong kaibigan ng bodyguard?” May-ari ng isang hacienda ang pamilya ni Lester kaya naman marami silang trabaho dahil hands-on ang binata sa pagma-manage nito.
“Actually may meeting sana ako ngayong araw sa nagma-manage ng farm, kaso mahirap iwan tong si JM. Wala akong tiwala sa ex niya.” Masungit na wika ni Lester na iiling-iling pang tiningnan na nakairap na si JM.
“Ganyan ako kamahal ng bestfriend ko,” nagmamalaki namang sagot ng kaibigan ko at kumapit pa sa braso nito.
“Tss. Kapag natuloy ang trip namin sa Tagaytay this December tingnan ko lang kung may magtanggol pa sa iyo sa Dave mo. It’s your fault in the first place.” Masungit pa ring wika ni Lester. Pero alam ko namang kahit ganyan siya ay hindi naman niya matitiis si JM. Tested and proven na yon.
“Saka ko na lang problemahin yun, pag andun na,” pang-aasar naman ni JM sa kaibigan at ako naman ang binalingan. “As I was saying may chika ako sa iyo.”
“Hindi mo man lang ba kakausapin ang mga alagad mong kasing kulit mo?” tukoy ko sa Drama Club niya. Ang gusto agad niya ay chismisan, ni hindi pa nga nagtatagal ng 5 minutes na kausap ang mga bata.
“Okay na sila. Alam na nila gagawin nila. Nakita na nila ako eh,” mayabang na sagot nito sabay turo nito sa kaninang maingay na kabataan na ngayon ay nakaupo ng tahimik sa isang sulok. Ang iba ay nag-i-internalize pa yata at ang iba ay nag-aayos ng make up. Nawala na ang mga magugulo at natatarantang kabataan. Wala pa siyang sampung minutong duarating at ganyan na kababait ang mga yan? Anong ginawa sa kanila ng kaibigan ko?
“Ang babait ah,” hindi makapaniwala kong wika. “Kanina akala mo mga animals na first time makakawala sa zoo.”
Natawa lang si JM sa sinabi ko. “Grabe ka sa kanila,” anito.
“Totoo lang naman ang sinasabi ko. Sige na nga, ano ba yung mahalagang sasabihin mo at mukhang hindi ka makapaghintay? Bilisan mo lang at babalikan ko na ang mga chikiting ko.”
Biglang nagliwanag ang mga mata ni JM. Kinikilig. Nakita ko namang napailing lang si Lester sa inaasta niya.
“Nilapitan at kinausap ako ng destiny ko!!!” impit na tili nito na may kasama pang kilig. At sa sobrang kilig niya, niyugyog pa niya ako. Di ba ang hinhin niya lang?
“Destiny? Sino?” naguguluhan kong tanong.
“Teacher Dani, si Mr. Ledesma yun,” sigaw ng isang high school student na member ng Drama Club na nakaupo sa di-kalayuan. Naghiyawan naman ang mga club members dahil dito. Napatingin tuloy ang iba pang nasa backstage din.
Hindi makapaniwala kong sinulyapan ang kaibigan ko. “Maging sila alam ang nararamdaman mo para kay Ricky?”
“Oo naman,sila pa ba ang hindi makakaalam eh expert ang mga yan sa usapang pag-ibig” natatawang sagot ni JM sa naging reaksyon ko. ”Ano ka ba malakas makiramdam ang mga batang yan lalo na sa buhay pag-ibig. Kung mag-oopen nga ng kursong B.S. Love Education ang mga school, lahat ng kabataan sigurado flat 1 ang marka. Kaya ingat ka sa mga yan. Kung kaming mga kaibigan mo hindi mahulaan kung sino ang Mr. Nice Guy mo, sila tingin mo pa lang malalaman na nila.”
Nakadama yata ako ng takot sa sinabi ng kaibigan ko. Kung totoo man ang sinasabi ni JM, dapat ko palang layuan si Ricky kahit malabo naman talagang makita nila kaming magkasama, baka mahalata nila ang pagniningning ng mga mata ko kapag nasa paligid si Ricky. Palihim ko ring tinandaan ang mga mukha ng mga high school students naming members ng Drama Club para alam ko na kung sino ang iiwasan.
“Grabe na nga pala talaga ang mga kabataan ngayon,” nasabi ko na lang na lalong pinagtawanan ng magaling kong kaibigan.
“Kung alam mo lang, Dani,” natatawa pang dugtong ng magaling kong kaibigan. “As I was saying, this is the best day ever of my life!” muling tili nito.
“Minus the Dave part,” naiiling na wika ni Lester na pumasok na sa loob ng backstage at naupo sa bakanteng silya sa isang sulok.
Napansin ko ang mga makahulugang tinginan ng Drama Club sa kanya, lalo na ang mga babae. Well gwapo naman talaga itong si bestfriend ni JM kaya hindi na ako magtataka kung may crush ang mga batang ito sa kanya.
“Shut up Lester,”nakairap na wika ni JM.
“Mamaya na kayo magtalo,” pananaway ko sa dalawa, baka kasi magbangayan pa ang mga ito at magtagal pa ako. Sandali na lang at mag-i-start na ang program at kailangan ko ng puntahan ang mga kinder ko na nasa kabilang wing ng backstage.
“Kinausap ako ni Ricky! Hindi ako ang gumawa ng moves. Siya! OMG Dani!! I’m so kinikilig….” may patalon-talon pa ang si JM habang nagkukuwento. Kulang na lang maghisterya. Pero anong sabi niya? Kinausap siya ni Ricky?
“Hindi ka ba namalikmata lang?” nanininiguro kong tanong. “Baka imagination mo lang yan.”
“Hoy totoo yun! Kahit itanong mo pa kay Lester,” nanghahamon naman niyang tugon sa akin.
“Yeah, it’s true,” pahinamad na sagot ni Lester kahit hindi pa ako nagtatanong. “Tinanong kung may kapatid daw ba siyang babae nagtuturo dito.”
“What!? No way!” hindi makapaniwala kong bulalas. Ito ang dahilan kung bakit kulang na lang ay magpaparty ang kaibigan ko? Nilapitan siya ni Ricky para lang hanapin ang ibang babae? What a jerk! Hindi ko alam na may ganoon palang side ang lalaking hinahangaan ko. Akala ko pa naman Mr. Nice Guy talaga siya.
“Yes way, and hindi ko maintindihan ang kaibigan natin kung bakit kilig na kilig siya sa gagong yun!” lihim akong napangiwi sa sinabi ni Lester.
He.Is.Mad. Really mad sa ginawa kay JM. Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ng mga bata sa gilid namin habang nakatingin kay Lester. Maybe they find him too hot when mad. Sabi naman ni JM ganun na daw mag-isip ang kabataan ngayon. May iba pa bang dahilan kung bakit parang mga lintang nabudburan ng asin ang reaction ng mga ito?
“Hoy wag kang OA mag-react dyan. And he’s not gago, mind you. He’s so gwapo…”saway naman sa kanya ni JM na patuloy ang pagsusuka ng rainbow. “Kahit ano pa ang dahilan, ang mahalaga kinausap niya ako! Hindi pa ako gumagawa ng moves may first step na para sa amin ang tadhana.”
Napairap lalo si Lester sa logic niya. Lalo namang lumakas ang hagikgikan ng mga batang ito. I know may napapansin ang mga ito. Makahulugan kasi ang palitan ng mga tingin nila.
“Sige umasa ka lang,” matabang nitong wika. “Narinig mo ng ibang babae ang hinahanap, aasa ka pa rin. Malay mo kamukha lang ng kotse mo ang kotse ng babaeng hinahanap niya kaya ka nilapitan.”
Bigla akong nanlamig sa sinabi ni Lester.
Malay mo kamukha lang ng kotse mo ang kotse ng babaeng hinahanap niya kaya ka nilapitan.
I was driving JM’s blue car when I met him last Friday night. He knew that I am working here in SIIS. Today, JM is driving her car and he appproached her asking for other woman which is probably… ME!
Oh my ghad… I’m in big trouble.Gauging from JM’s reaction, simple interaction pa lang nila ni Ricky ay halos maglupasay na siya. This only means that seryoso talaga siya sa nararamdaman para sa binata. Ano na lang kaya ang magiging reaction niya kapag nalamang ako ang babaeng hinahanap sa kanya ni Ricky?
“P-paano ba yung pagkakatanong niya sa iyo?” tanong ko sa kanya habang psimpleng tianatalikuran ang mga members ng drama club para hindi nila mabasa ang reaction ko kung totoo mang magaling makiramdam ang mga ito.
“Well, pagkababa ko ng passenger’s seat, bigla na lang may tumawag sa akin, at tumigil ang mundo ko ng makita siya sa likuran ko at kausapin niya ako,” Nagniningning ang mga matang pagkukuwento niya.
“At dumilim ang mundo ko ng tanungin niya si JM kung may kapatid daw ba siyang nagtuturo dito na mayroon ding kulay asul na kotse na katulad ng gamit niya,” hirit naman ni Lester na halatang nagpipigil ng galit.
“Huwag ka ngang kontrabida sa sarili kong pantasya Lester,” nakasimangot namang wika ni JM sa kaibigan.
“Buti at alam mong hanggang pantasya ka lang. Sana nagising ka na rin sa katotohanan ng matapos mong sabihing wala kang kapatid na may asul na kotse ay agad ka niyang tinalikuran.” Patuloy si Lester sa pambabara kay JM.
Laking pasalamat ko na lang sa kanya dahil nadi-distract niya ang kaibigan ko kaya hindi niya nakikita ang reaksyon ko. Pakiramdam ko ay na-drain na yata lahat ng dugo ko sa katawan.
Hindi niya pwedeng malaman na ako ang babaeng hinahanap sa kanya ni Ricky. Ayokong ng dahil lamang sa kanya ay masisira ang pagkakaibigan namin ni JM na matagal na naming iniingatan.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong natulala sa naging takbo ng usapan nila. Tanging mahihinang bulungan ng mga kabataan sa likuran ko ang nagreregister sa isip ko.
Malaking problema ang magiging dulot sa aming magkakaibigan kung malalaman ni JM na nagkakilala na kami ni Ricky. Worst, hinanap pa niya ako sa kanya.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pag-snap ng daliri ni JM sa mukha ko.
“Hoy Daniella, na-inlove ka lang natuto ka na ring mag-daydream,” natatawa niyang wika. Noon ko lang na-realize na kaming dalawa na lang ang naiwan sa backstage. “Mag-i-start na raw ang program.”
Pilit kong pinasigla ang ekspresyon ko habang tahimik na sinusundan ang kaibigan kong tila nakalutang sa alapaap.
BINABASA MO ANG
Forever Friends Series 1: DANIELLA
RomanceWill I choose friendship over my heart's desire? My friend or the man I secretly love? Her happiness or mine?