Weeks after JM's wedding, natigil na ang mga usapan tungkol sa kanila ni Lester.
Marami rin kasi ang nabigla sa biglaang pagpapakasal ng dalawa, gayong alam ng lahat ng may girlfriend itong si Lester.
But knowing JM, alam kong tinatawanan lang nito ang mga issue. Mas nagmamaldita pa nga ito kapag may issue tungkol sa kanya.
But giving those two the benefit of the doubt, alam naman naming magkakaibigan na talaga namang sila ang magkakatuluyan despite of theirage gap. Malakas kasi ang chemistry ng mga ito, sadyang in-denial lang ang dalawa.
So ngayong kasal na ang dalawa, nalipat naman sa amin ni ricky ang panundyo ng barkada. Ewan ko ba sa mga ito at hindi matahimik sa lovelife ko. Hindi pa naman kami ni Ricky.
Don't get me wrong. Hindi ako nagpapakipot.
Yes, matagal na akong may feelings para sa kanya at masaya ako na finally ay nasusuklian na ang pagtingin ko sa kanya na imposible lang mangyari noon. Pero ayokong magmadali. Ayokong magkamali sa aking desisyon dahil alam ko namang sa huli, ako pa rin ang masasaktan.
Paasa daw aako. Yun ang usap -usapan ng mga kasamahan ko kapag nakatalikod ako. Ang swerte ko naman daw dahil nililigawan ako ng lalaking gusto ng halos lahat ng kababaihan sa amin kapag nakaharap ako.
Ganunpaman, natuto na yata ako kay JM. Hindi ko na pinapansin ang mga sinasabi nila. at the end of the day, buhay ko pa rin naman ito. Ako naman ang magdadala ng magiging resulta ng mga desisyon ko.
Ilang buwan na rin simula ng manligaw si Ricky. Hindi naman na din kami madalas magkita dahil nasa Manila na ulit siya. Nag-aasikaso ng negosyo nila. Umuuwi lang siya sa San Ignacio every week, para dumalaw sa pamilya niya at para na rin makisama sa aming barkada.
Mas nakakatuwa sa kanya na pinipilit niyang makauwi kapag set na ng monthly get together kaming makakaibigan. Masaya daw siya kapag nakakasama ang mga kaibigan ko kaya kahit hindi pa kami ay lagi siyang nandoon.
Tulad ngayon, last Friday ng February at nandito kami kina Misty para sa aming get together. As usual, nandito ulit si Ricky. Ikalimang buwan na niyang sumasama sa aming get together.
At home na siya sa aking mga kaibigan at ngayon nga ay nakikipagkulitan pa ito sa kapatid ni Misty sa paglalaro sa Playstation. Nandoon din sina Robyn, JM at Misty. Wala ang asawa ni JM dahil may ginagawa pa daw sa Hacienda. Baka mamaya ay sumunod yon para sunduin si JM.
"Hey Dani, umamin ka nga. Ano na ba talaga ang score sa inyo ni Ricky? Kayo na ba?"
Natigil ako sa pagtugtog ng gitara sa tanong ni Ichiro. Honestly, nagulat ako. Hindi naman kasi palatanong ang lalaking ito.
"Hindi pa."
"Ang bagal naman nitong si Ricky. Limang buwan na yatang nanliligaw sa iyo tapos hanggang ngayon hindi pa rin kayo?" komento naman ni Ashley na parang hindi naniniwala sa akin. Busy ito sa pakikipagtext kaya hindi ko inaasahan na nakikinig pala ito sa amin.
"Hindi naman ako nagmamadali." tipid kong tugon at muling nag-strum sa gitara. Isa ito sa mga hobbies naming magkakaibigan. Ang tumugtog ng gitara. Kaso sa sobrang pagiging busy, bihira akong makahawak ng gitara. Kadalasan kapag nandito lang kina Misty o di kaya ay kina Robyn. Sila na lang ang may gitara sa aming magkakaibigan.
"Ang point lang dito Dani ay masyado mong pinagtatagal ang panliligaw ni Ricky." panimula ni Ichiro. "Look, I'm not saying that it's a bad thing okay, kaso lalaki ako. I may not be pursuing any girl right now, pero I know how a man's mind work. Baka naiinip na yang manliligaw mo. Ayaw ka lang i-pressure na sagutin mo na siya."
BINABASA MO ANG
Forever Friends Series 1: DANIELLA
RomanceWill I choose friendship over my heart's desire? My friend or the man I secretly love? Her happiness or mine?