The day Ricky Freaking Ledesma made a scene in front of our house is the same day he started courting me.
Hindi ko inaasahan na pormal siyang magpapaalam sa aking mga magulang na manliligaw DAW siya sa akin.
Pumayag naman sila Mama, provided na sa bahay siya manliligaw at hindi tulad ng iba na sa lansangan na lang daw nakipagligawan. Nakakahiya kasi dinaig pa nila Mama at Papa sina lolo at lola na tila gusto pang mangharana at manilbihan si Ricky sa amin.
Nakalimutan na yata nila na ang pamilya nito ang ang may-ari ng school kung saan ako nagtuturo.
Pinigil ko pa si Papa sa pag-terrorize kay Ricky kaso ako pa ang napagalitan. Ayaw na raw nilang maulit ang nangyaring iskandalo at usap-usapan na parehas naming kinasangkutan.
May punto sila, pero nakakahiya pa rin ang gusto nilang mangyari.
Besides ayoko pa talaga siyang i-entertain as suitor. Kahit na parang cool lang si Robyn na bestfriend ni JM sa idea na may something kami ni Ricky ay hindi pa rin siya ang kaibigan kong patay na patay sa binata.
Isa pa yung babaeng yun na magtatatlong linggo nang naka leave. Vacation leave daw sabi nila. Masyado kaya itong ginugulo ng ex nitong si Dave kaya hindi pa lumilitaw. At yung post niyang about sa nawalang friendship para kanino iyon?
Sabi ni Robyn hindi para sa akin yun pero para kanino kung ganon?
Sa ngayon, isang malaking puzzle sa akin si JM at hangga't hindi ako nalilinawan sa kanya ay hindi ko muna i-entertain ang sinasabing panliligaw sa akin ni Ricky kahit na gabi-gabi itong nasa bahay.
Muli, sikat na naman kaming dalawa dito sa San Ignacio dahil sa kumalat na ang panliligaw niya sa akin. Kahit sa school ay nagpapadala ito ng kung anu-ano. Meryenda, bulaklak, chocolates. Kaya naman madalas akong tudyuin ng mga kasamahan kong kinikilig pa sa ginagawa ni Ricky. Yung mga bitter naman ay puro irap ang binibigay sa akin.
Pero dahil sa nangyari noong unang beses na natsismis kami, nasanay na akong huwag na lang sikang pansinin. Unang una hindi ko naman pinilit si Ricky sa ginagawa nito. Choice niya yun. Pinigil ko siya pero ayaw naman kaya wala na akong magagawa.
Pero isang tao lang talaga ang iniintindi ko. Si JM at kung paano nito tatanggapin ang sitwasyon ko ngayon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito lumilitaw. Ano na kaya ang balita sa kanya?
***
"Daniella Geronimo! Aba tatlong linggo lang akong nawala tapos pagdating ko dinaig pa ng bahay ninyo ang flowershop sa bayan!"
"JM!!!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sugurin ng yakap ang kaibigan kong inabutan kong naghihintay sa akin sa living room.
It's Saturday at nagulat na lang ako ng kumatok sa pinto ko si Elaine at sinabing may bisita ako ng ganito kaaga. Sa pag-aakalang si Ricky ang naghihintay na bisita mabilis pa akong nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kuwarto ko at nagulat pa ako nang makita ko si JM na tinitingnan ang mga bulaklak sa vase na bigay sa akin ni Ricky.
"Wow. Hindi halatang na miss mo ako ng bongga," natatawa pang biro nito ng mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya. Namiss ko talaga siya.
"Gaga ka! Bigla ka na lang naging MIA! Akala ko kung ano na ang nagyari sa iyo! Ni hindi ka nagparamdam!"
"Gaga! Ano ako multo. Paramdam ka dyan!" tatawa-tawa lang niyang sagot at muling sinuri ang mga bulaklak sa salas. Noon ko lang naalala kung sino si Ricky sa buhay ni JM at dahil dito, muli na namang nabuhay ang guilt sa puso ko. Pero this is the right time para aminin sa kanya ang lahat.
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya ng maupo na kami sa sofa.
"Kagabi lang. Yung pasalubong ko nga pala na kay Tita na. Hindi naman kasi ako masyadong nakapamili doon. Tinamad din akong lumibot. Nasa loob lang ako ng bahay nila Lester."
BINABASA MO ANG
Forever Friends Series 1: DANIELLA
RomanceWill I choose friendship over my heart's desire? My friend or the man I secretly love? Her happiness or mine?