"Dani, nagsabi ka na sa inyo na di pa tayo uuwi?"
Napaangat ang tingin ko mula sa hawak kong cellphone patungo kay JM na busy na sa pag-aayos ng gamit nya.
Natapos na ang ilang araw naming bakasyon dito sa Pangasinan, ngunit itong kaibigan ko parang sabik sa dagat. Nagawa pang kumbinsihin ang mga kaibigan namin na magbakasyon sa beach resort nila Robyn sa Batangas.
Akala ko ay hindi papayag si Robyn dahil busy ito sa negosyo nila, kaya naman nagulat ako sa pagpayag nito. Hindi lang iyon, nagdesisyon pang susunduin kami ni JM dito sa Pangasinan kahit pa na malayo ito at sobrang out of the way.
Nagpaalam na rin kami kay Mr. Ledesma (na hindi ko pa matawag na Tito) na hindi na kami sasabay pauwi at may susundo na sa amin ngayong gabi. Pumayag naman ito, kaya naman inggit ang nararamdaman ng mga kasama namin ngayon.
"Kasama daw ba si Lester?"
Hindi nakaila sa akin ang pag-irap ni JM pagkarinig sa pangalan ng asawa. Mukhang magkaaway pa yata ang mga ito.
"Hindi."
"Busy sa rancho?"
"Hindi ako nagsabi. Bahala siya. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko. Alam ko na ang tama at mali. Saka masaya yon pag wala ako sa bahay nila."
Here goes the stubborn JM again. Hindi na ako nakipagtalo, dahil alam ko namang hindi makikinig ang kaibigan ko sa akin. Sana lang ay maayos nila ang problema nilang mag -asawa.
Maya - maya pa ay natanaw na namin ang sasakyan ni Robyn. Agad na kaming nagpaalam kay Mr. Ledesma at sa iba pa naming kasamahan bago lumabas bitbit ang aming mga gamit. Di rin nagtagal at nasa byahe na kami.
"Girls, change of plan. Baguio pala tayo ngayon." ani Robyn habang bumibyahe na kami. May kasama itong driver kaya naman dire- diretso ang chikahan nito.
"Bakit? Sinong nandoon?" mabilis na tanong ni JM.
"Misty. May convention daw. Mahihirapang sumunod sa Batangas yun, kaya tayo na lang ang pupunta sa kanya."
"Nasaan nga pala sina Ashley at Ichiro?" tanong ko nang napansing kami nga lang pala ang nasa sasakyan.
"Ashley is busy. Ayaw paabala. Si Ichiro? Susulpot na lang yun. Sinabi ko naman sa kanya na Baguio tayo eh. Alam na nya kung saan tayo makikita. By the way, JM, nagkita kami ng bestfriend mo bago ako bumiyahe. I told him na susunduin ko kayo ni Dani at papunta tayong Baguio."
Muling nalukot ang mukha ni JM sa sinabing ito ni Robyn. Pero tinawanan lang ito Robyn. Kung ako ay nag-aalala sa reaksyon ni JM towards her husband, kay Robyn balewala.
"Galing kong manira ng mood hano," natatawang wika ni Robyn sa akin.
"Why did you do that Robyn? Pano kung maisipan noong sumunod sa atin? Paano ako makakapaghanap ng pogi doon sa Baguio?"
"Para kang sira JM, may asawa ka na maghanap pa ng pogi." napapailing kong wika sa katabi kong naghahanda na yatang matulog sa byahe.
"Kahit naman kasama niyan si Lester, madalas maghanap ng gwapo."
"Kasi naman, kung siya may tuko na laging nakakapit sa braso, dapat ako din." humihikab pang paliwanag ni JM at maya maya lang ay pumikit na para matulog. Napagod siguro sa kalalangoy kanina.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni JM.
Anong tuko?
"Huwag mong pansinin ang mga sinasabi nang babaeng yan." agad na winika sa akin ni Robyn nang mapansing titig na titig ako sa kaibigan naming wala nang pakialam sa paligid.
BINABASA MO ANG
Forever Friends Series 1: DANIELLA
RomanceWill I choose friendship over my heart's desire? My friend or the man I secretly love? Her happiness or mine?