TWBD 3: Meeting you for the second time

388 10 1
                                    

Kinabukasan wala naman akong masyadong ginawa. Wala na rin naman akong energy para magliwaliw sa labas at kung ano pa man. Medyo hindi ko na rin muna iniisip yung nangyari kahapon kase lalo lang akong nag iinit. Hindi rin naman ako makapagbukas ng twitter ko kase alam kong maiimbyerna lang din naman ako kapag may nabasa akong kung ano dun tungkol saken.

Kaya today ang boring ng life. Kain tulog lang ang peg ko. Letse talaga oh.


FAST FORWARD.



Today is monday. Pumasok ako ng maaga sa school. Umiiwas ako sa tingin ng mga tao ngayon most specially sa mga fans ni ricci. Paniguradong sangkatutak na panlalait na naman ang makikinig ko sa hallway for sure kapag nakita nila ko. Kaya mas minabuti ko nang umagap ng pasok.

Wala pang tao sa room kaya kinuha ko na lang ang headset ko at cellphone at nakinig na lang sa music. Tiningnan ko ang wrist watch ko.

6:30am

Maaga pa pala. Grabe! Anong oras ba ko pumunta dito? Haha di ko na din namalayan.
Lumabas ako ng room para makalanghap ng sariwang hangin sa labas tutal 6:30 pa lang naman konti pa lang naman ang tao sa labas.

Dumiretso ako sa oval ng school. Nakita ko yung ilan sa mga soccer athletes ng school na nagjojog na.

Ano kayang feeling na maging isang athlete? I mean I have experience that before pero naudlot eh because of this sickness I have. Nadismaya talaga ako nung--

"What'ya lookin' at?" Naputol naman ang pag iisip ko ng bigla akong makarinig ng tinig mula sa likod ko. Nilingon ko kung sinong nagsalita, as expected si Andrei..

"Nothing. Just wondering if tinuloy ko kaya ang paglalaro ko, ano kayang nangyari?" Seryoso kong kwento sa kanya

"Alin? Ang soccer?" Natatawang sabi ni drei.

"Naaah. Basketball." Mukha namang natauhan sya

"Ahh i see. So, why don't you pursue? I mean, here in La Salle kapag naging athlete ka ng kahit anong sport 'matic na na magiging scholar ka." Seryoso nyang sabi

"I don't think papayag si mama. Besides I already have--" naputol yung sinasabi ko ng marealized ko na bawal nga palang sabihin na scholar ako. Nice one Hera.

"Don't worry I already know." Sabi ni drei na parang minimake sure nya na safe ang secret ko sa kanya

"Remember my dad is the universities doctor" pagpapaalala nya saken

Ahh dad nya pala yung doctor ng school. Ow gezz kaya pala magkamukha sila.

"Don't worry your secret is safe." Paninigurado nya

Tinanguan ko na lang sya sign ng pagsang ayon sa kanya. Alam ko namang hindi sya ganun ka chismoso para ipagkalat yun.

After namin magkwentuhan ni drei eh dumiretso na rin sya sa klase nya at ako naman sa room ko medyo madami dami naman ng tao dito sa room kaya dumiretso na rin ako sa upuan ko.

Medyo madami akong subs ngayon kaya medyo hectic at haggard ako ngayon pero pagdating naman ng 3pm eh wala na.

Talagang ipinagsiksikan sa umaga eh nu? Well its okay lang din naman para mas maaga akong makauwi.

Ilang minuto pa eh dumating na rin yung prof namin.

"Good morning" bati nung prof namin

Bago sya ah ngayon ko lang nakita eh siguro napalitan na yung matandang prof namin na nagtuturo ng history namin

"Good morning mr." Bati namin sa kanya di namin maituloy yung bati kase nga di pa namin sya kilala di ba haha

"So, as you all know bago lang ako dito. I have to replaced your history professor because of his illness na matagal na nyang iniinda. So, without further ado. I'm Mr. Gutierrez your new history teacher." Punong puno ng accent nyang sabi

Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon