TWBD 14: Goodbye, Babe 💔

288 12 0
                                    

KINABUKASAN.


Maaga akong nagising, pumasok, at maaga din akong lumabas ng school hahahaha lahat maagap. Hahaha feeling ko tuloy ang saya saya ko ngayon. Inlove? Oo, at sigurado na kung kanino. Kay ricci. Kahit siguro ilang beses ko syang iwasan. Sa kanya at sa kanya pa rin ang bagsak ko.

Dahil maagap naman akong lumabas ngayon eh inakit ko si tin pumunta sa mall. Eto na ata ngayon ang bago kong libangan. Nahawahan na ata ako ni kassy eh.

Isang sakay lang sa taxi eh nakarating na kagad kami sa mall, bumili lang ako ng ilang mga dress at ganun din si tin. Pagkatapos sa mga botique ay dumiretso kami sa watsons para bumili ng ilang mga skin care products. Kahit naman para akong lalaking kumilos eh marunong pa rin naman akong mag alaga ng aking skin hahahaha

"Wait hera. Kelangan ko pa palang bumili ng bagong sports bra. Tara sa Nike?" Wika ni tin

"Ah oo ako din eh. Bibili na rin ako ng knee pads." Pag aakit ko sa kanya malapit na rin kase ang seasons kaya kelangan na rin talaga namang magfocus sa training

Dumiretso na kami ni tin sa store ng nike at bumili ng mga kelangan bilhin.

"Ate magkano dito?" Habang nagtatanong si tin dun sa sales lady eh nagtingin tingin muna ako sa may bandang kanan

"T-teka si Ricci ba yun?" Mahina kong tanong sa sarili ko

"Oo nga si ricci nga! RICCI!!" sigaw ko kay cci

Excited naman akong tumakbo papalapit sa kanya

"H-hera! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong nya saken. Bakit parang aligaga ata sya. Parang may mali eh

"Bakit parang gulat na gulat ka yata?" Tanong ko sa kanya may mali talaga eh

Hmm

"Wa--" hindi na natapos ni ricci yung sinasabi nya ng biglang dumating ang isang pamilyar na babae

"Paulo, which is better this or this?" Tanong ni deanna kay ricci, hindi nya ata ako napansin. Sinasabi ko na nga ba may male eh.

"Ah m-may kasama ka pala." Sabi ko kay ricci kahit nangingilid na yung luha ko.

Nahalata naman ata yun ni ricci kaya nagsalita na sya

"Hera its not what you thin----"

"No need to explain cci. Sige una na ko" pinutol ko na yung sinasabi nya kase any moment eh alam kong tutulo na yung luha ko na kanina oo pa pinipigilan

Nagtatakbo lang ako papalayo sa kanila, hindi ko na alam kung saan ako nagsususuot basta ang gusto ko lang ay makalayo sa kanilang dalawa.

Sino ka nga ba naman hera para seryosohin. Sino ka nga ba naman para sa isang Ricci Rivero? Sino ka ba kumpara sa isang Deanna Wong? Sino ka ba compared sa isang best setter?

Nagdial ako sa phone ko at tinawagan si tin para magkita na lang sa ground floor.



FAST FORWARD.

(Author's note: Before reading this part please kindly play the song on the side. It is entitled "Too good at goodbye's" by Sam Smith for you to feel the momentum. Ciao!)


"Hera tahan naaaa." Wika ni tin

"Hindi kase *sniff tin eh. *sniff. Bakit ganun sya? Pinaasa nya ko. *sniff niloko nya ko tin!" Sigaw ko kay tin

Pati si tin nasisigawan ko dahil dyan sa letsheng lalaki na yan.

"Hera kilala mo naman si ricci di ba? Malay mo naman he has his reasons." Pagpapaliwanag nya saken

Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon