Nakakainis isipin na pati mga kaibigan ko ay kailangan pang madamay sa mga pakulo ni michelle.
Kung hindi ko lang talaga iniisip ang scholarship ko ay malamang sa malamang ay kanina pa ako nakipagsabunutan dun sa babaeng yun. Syempre iniisip ko rin naman na kapag nawala yun sa akin kawawa naman si Dad. Syempre kahit medyo may kalakihan ang kinikita nya sa Singapore ay hindi pa rin yun sapat dahil hindi lang naman ako ang sinusustentuhan ni Daddy.
Sighed.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyayari.
"You sure okay ka lang? Umuwi ka na lang kaya muna. Baka magkainitan pa kayo dun eh." Wika ni Andrei
Si tin kase eh umalis na agad dahil may emergency daw sa bahay nila. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Sa tingin ko ay umiiwas pa din sya kay Andrei. At siguro ay iniisip pa rin nya na may gusto talaga sa akin itong si Andrei.
"Hey. Okay ka lang ba talaga. Lalim ng iniisip mo eh." Napabalik naman ako sa wisyo ng tapikin ako ni Andrei
"Ah eh. Oo Naku bakit andito ka pa may training din kayo ngayon di ba?" Pag iiba ko naman sa usapan.
Then he suddenly touches his nape na tila ba parang may gustong sabihin
"Ah kase hera.." he paused
Habang ako naman ay nag iintay sa sasabihin nya
"C-can we talk?" Nahihiya nyang sabi
Dugdug
Dugdug
Ano daw? Can we talk? Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya. Jusko! Bakit kase may pa "can we talk" "can we talk" pa eh. Nag-usap naman na kami ngayon ah. Srsly kabado talaga ako eh. Ano bang dapat pag usapan namin.
"Talk? Ano namang pag-uusapan na--"
Naputol naman ang sinasabi ko ng bigla namang,
"Drei, andun na daw si coach. Bilisan mo na at highblood pre!" Sigaw naman ni Aljun na hindi ata ako napansin
"Ah sige bro sunod ako!" Sigaw ni andrei
"S-sige na Andrei baka magalitan ka pa ng coach nyo. Usap na lang tayo mamaya ha. After ng training nyo. Byeeeeeee" sigaw ko kay andrei sabay nag iskapo na ako.
Hahaha napakagaling mo Hera. Magaling ka talaga sa pagtakas.
Si andrei naman ay nakita kong umalis na din. Syempre iniwan ko eh alangan namang magstay sya dun di ba. Tss
Wala akong kaideideya sa pag-uusapan namin pero bigla naman nagflashback yung sinabi ni tin sa akin.
Hindi kaya,
No! Hindi pwede. Hindi naman sa pag aassume pero sana naman ay mali ang iniisip ko.
Sana nga ay mali ang iniisip kong may gusto sa akin si Drei.
FAST FORWARD.
Time check: 7pm
Kadadating ko lang dito sa BGC. Dito daw kase kami magkikita sabi ni Andrei. Bakit kase kelangan dito pa eh. Mainit pa nga ako sa mata ng mga basher ko. Tch.
"So, anong pag-uusapan natin?" Panimula ko
Halata namang nagulat sya sa pagdating ko. Kase naman, yun agad ang bungad ko sa kanya.
"Hera maupo ka kaya muna. Nagmamadali ka ba? Ganyan mo ba kaayaw na kasama ako." Biro naman nito sa akin.
Jusko andrei wag mo akong daanin sa pagpapacute mo dyan. Tanging kay ricci lang ang puso ko. Hahahaha yabang eh nu
Umupo naman ako sa may tapat nya.
"So ano na nga andrei?" Seryoso ko namang tanong ulit
Isa pang tanong at hindi ako sinagot nito babatukan ko na talaga to. Haha
"Maka-andrei ka naman haha well anyway.." he paused
Bigla namang sumeryoso yung mukha nya.
"I want to talk to you because... I need your advice." Medyo shy nya namang sabi
"Advice? For what?" I curiously asked as I zip on my coffee.
"W-well it's about a girl.." he paused again
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. A girl? Sinong girl? Naku po!
"If it's about love andrei. I'm telling you. Hindi ako magaling pagdating dyan. I'm not a love guru anyway.." well as a matter of fact
At lalong wala akong maitutulong sa kanya lalo na't kaibigan ko si tin. Hindi ko pipwedeng tulungan si Andrei na dumiskarte sa ibang babae kung alam kong masasaktan ang kaibigan ko.
"Well, I just want you to listen thou. Alam mo namang hindi ako makapagkwento sa mga kaibigan ko dahil alam kong puro kantyaw lang ang maririnig ko sa kanila." Well tama naman sya dun
Tch sige na nga.
"Fine. I'll listen. But I can't promise to help you okay?" Sabi ko naman
"Having someone to listen is actually fine with me. Lalong lalo na at ikaw pa yun"
Dugdug
Dugdug
Jusko. Wag naman po sana. Sana ay mali itong iniisip ko.
".. This girl is really important to me. Sa tuwing ngumingiti sya napapangiti na lang din ako, sa tuwing masaya sya, masaya na din ako at sa tuwing nakikita kong umiiyak sya nasasaktan ako.. hera. I really don't know what to do." Kitang kita ko naman sa mga mata nya that he is really confused
Pero bago yun ay kailangan ko munang malaman kung sino ba ang babaeng tinutukoy nya.
But then alam ko naman na hindi nya sasabihin yun akin ng diretsahan. Kaya naman umisip ako ng paraan para makakuha ng clue sa kanya.
"Uhm Andrei, c-can you tell me more about this girl? I mean yung mga ugali nya. Yung itsura nya. "
"Uhm syempre maganda, medyo matangkad, medyo singkit, morena basta she's more than beautiful for me." Halata namang nagdidaydream pa itong si andrei habang dinidescribe nya yung girl.
Maganda? Hmmm.
Medyo singkit?
Morena? Tss madami namang babae na ganyan ang itsura eh. Pinaglololoko ata ako nito ah.
"Teka nga sino ba tong babaeng to ha?" At hindi na talaga ako nakatiis sa kakaisip kung sino nga ba yun. Patience is a virtue pero not for me hahaha
"Ah eh kase--" medyo nahihiya naman syang humawak sa batok nya
Laking gulat ko naman ng biglang..
Hinawakan nya ang kamay ko..
Me: Lunok laway*
Jusko!
Me: lunok laway ulit*
"Hera kase...uhmm kaya gusto kitang makausap.. kase.. ano.."
Don't say it drei no!
**
BINABASA MO ANG
Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)
FanfictionNaniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na ang lahat ng mangyayari sa buhay mo ay matagal ng nakasulat sa libro ng buhay at iniintay ka na lang nito para ito'y matupad. Cliche in some who might hear this but, I do believe in destiny. As what...