Nakatambay ako sa living room ng bigla naman akong makaamoy ng isang masarap na amoy hahahaha para akong lumulutang sa ere habang sinusundan ang amoy. Dumiretso ako sa may kitchen area dahil malamang sa malamang eh dun nanggagaling ang amoy
Nang malapit na ko sa may kitchen area eh nakita ko kung sino ang nagluluto. Isang lalaking pamilyar ang postura.
"R-ricci..." mahina kong bulong sa sarili ko
T-teka ano naman ang gagawin ni ricci dito di ba?
*kisap
*kurap
*kurap
*kisap ulit
"Babeee! Ano ba yang niluluto mo? Ang bango ah!" Sigaw ni kassy na parang kagigising lang
Si thirdy pala yung nagluluto! Jusko. Ano ba namang mata mo yan Hera. Paano nga ba namang pupunta yun si ricci dito eh ipinagtabuyan mo nga dun kay Deanna di ba? Gosssh!
It has been 2 weeks mula ng layuan ko si ricci. At hindi ko na itatanggi na sobrang miss na miss ko na sya. Tss kasalanan ko din naman. Kung hindi ko sya pinaalis edi sana kasama ko sya ngayon huhuhu
"Hera anu ba! Tulala ka na naman." Sigaw naman nitong si kassy na kanina pa pala ako kinakausap.
"Sorry kassy. You're talking about..?" Paglilinaw ko sa kanya kase hindi ko nga naintindihan yung sinasabi nya
"Sabi ko hanggang kailan mo ba iiwasan si Ricci? Tingnan mo nga yang sarili mo. Mukha ka ng hindi kumain ng 3 weeks"
Napatingin naman ako sa mukha ko gamit ang camera ng phone ko. Napaisip rin ako kung totoo ba yung sinasabi nya o sadyang OA lang talaga itong si kassy. Tss
Napaisip naman ako sa tanong nya. Hanggang kailangan ko nga ba iiwasan si ricci?
"I-I don't know." Srsly i really dont know kung hanggang kailan ako magkakaganito. Sabi naman nya babalik sya kapag okay na ang lahat. Kapag nasabi na nya lahat kay deanna. Siguro hihintayin ko na lang yung panahon na yun. Or kung dadating pa nga ba yung panahon na yun
Napabuntong hininga na lang si kassy sa sinabi ko at ganun din naman ako.
"Miss mo na sya nu? Aminin mo na Hera." Tanong nya naman ulit
Srsly? Balak ba kong paiyakin nitong babaeng to? Ang aga aga ha!
"Kassyyy. Aminin ko man o hindi, wala rin naman akong magagawa. Di ba?" Sagot ko sa kanya
Totoo naman eh, wala naman akong magagawa kundi maghintay. 😔
"Gusto mo ba hera papuntahin ko na dito si ricci?" Sabat naman nitong si thirdy habang nagluluto pa din
"Jusko thirdy. Kung balak nyang pumunta dito ay matagal na nyang ginawa." Pabalang kong sagot sa kanya
Maya maya pa ay lumapit naman si thirdy sa akin at si kassy naman ang nagsub sa kanya pagluluto
"Well, sa bagay. Pero kilala ko si ricci hera. He has his reasons kung bakit hanggang ngayon eh di pa rin nya naaamin kay deanna yung tungkol sa inyo." Payo naman ni thirdy habang nakaakbay sakin
"Alam ko naman yun thirdy eh. Pero kase..."
"Pero kase?" Pinutol naman nya yung sasabihin ko.
Bakit nga ba? Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito eh. Siguro dahil namimiss ko lang talaga yung presensya nya. Tama siguro ganun na nga
"Why not libangin mo na lang ang sarili mo sa ibang bagay? Try to go shopping. Try to travel. Or why not magfocus ka na lang sa pagtitraining tutal malapit na ang seasons." Siguro nga tama si thirdy magfocus na lang siguro ako sa training.
BINABASA MO ANG
Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)
FanfictionNaniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na ang lahat ng mangyayari sa buhay mo ay matagal ng nakasulat sa libro ng buhay at iniintay ka na lang nito para ito'y matupad. Cliche in some who might hear this but, I do believe in destiny. As what...