Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ng appartment namin eh kagad ko namang napansin ang itim na van na nakaparada sa harapan. Kanino naman kayang sasakyan ito at dito pa ipinarada sa harapan namin, mukha bang garahe itong appartment namin?
Hinayaan ko na lang ito at naglakad na papalabas ng village para mag abang ng sasakyan. Jusko bakit ba kase ako pinanganak na mahirap? Hahaha hindi naman sa pagrereklamo pero medyo sagabal kase kapag commute, hindi mo hawak ang oras.
Pero hindi pa ako nakakalayo ng bahay namin eh bigla naman akong nakaramdam ng kaba,
dugdug
dugdug
Bawat hakbang ng aking mga paa kasabay nito ang mabigat at mabilis na tibok ng aking puso
Lakad
Lakad
Lakad
Pakiramdam ko parang may sumusunod saken. Lumingon ako at napansin na sinusundan pala ako ng van na kanina lamang ay nakaparada sa harapan namin. Lakad lang ako ng lakad, at hindi ko na namalayan na takbo na pala ang ginagawa ko.
Lakad
Takbo
Lakad
Takbo
Patuloy ko lang iyong ginawa hanggang sa makarating ako sa may labasan, at nakapara ng taxi. Hindi ko na naintay yung grab na kinuha ko sa sobrang takot ko, ikonancel ko na lang ito.
Hindi ko alam pero ng makalayo ako ay kagad namang nawala ang kaba ko, ewan ko ba. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Medyo nawiweirdohan pa ako dun sa van na nakaparada sa harapan ng bahay namin.
Wala ako sa sariling pumasok sa school maghapon. At ngayon ay nandito na ako sa gymnasium para sa practice namin.
Maya maya pa ay nagsidatingan nadin sila coach ramil at ang iba pa at nagsimula na kaming magwarm up.
"Heraaa! Look out!" Sigaw sa akin ni tin
dugdug
dugdug
Muntik na akong matamaan ng poste na pinagkakabitan ng net. Yung gamit kase namin ngayon eh yung net na pinapatungan lang ng bato yung tagiliran. Hindi nakafix yung poste.
Jusko. Nasapo ko na lang ang dibdib ko. Nagtakbuhan naman silang lahat saken, bukod kay mich na napansin kong medyo natatawa pa. Letcheng babaeng to pasalamat sya wala ako sa mood makipag away ngayon.
"Are you okay, baby girl?" Tanong saken ni ate kiana
"Y-yes ate. Medyo nahihilo lang ako"
"Hera, ano bang nangyayare? You seemed out of focus." Pag uusisa ni coach
"W-wala po 'to coach."
"Osige umuwi ka na muna at magpahinga." Sabi ni coach na halata namang nag aalala sa akin
"Pero coach--"
"No buts, umuwi ka na. Hindi ka rin naman makakapagpractice ng maayos kapag nagpilit ka." Sermon naman ni coach
Hindi na rin ako nakatanggi. Tumayo naman ako at magpaalam na sa kanila. Wala eh, si coach ang boss. Hahahaha
Lumabas na ako ng gym at kinuha ang ilan ko pang gamit sa locker at dumiretso sa may gate.
Lakad
Lakad
Lakad
Ewan ko ba pero bakit ang hilig ko maglakad ngayon.
*pipiiiiiiiiip*
Isang malakas na busena ng sasakyan ang narinig ko. At bigla na lang nag black out ang paningin ko.
**
BINABASA MO ANG
Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)
FanfictionNaniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na ang lahat ng mangyayari sa buhay mo ay matagal ng nakasulat sa libro ng buhay at iniintay ka na lang nito para ito'y matupad. Cliche in some who might hear this but, I do believe in destiny. As what...